title
stringlengths 4
206
| body
sequencelengths 1
103
| image
imagewidth (px) 72
3k
| website
stringclasses 4
values | category_group
stringclasses 5
values | category
stringclasses 37
values | title_choice_first_paragraph
stringlengths 2
3.5k
| title_choices
sequencelengths 4
4
| title_choice_gold_idx
int32 0
3
| date
stringlengths 11
20
| author
stringclasses 237
values | url
stringlengths 32
224
| img_url
stringlengths 52
206
|
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
LaMelo malakas na No. 1 pick | [
"LUMAKAS ang tsansa ni LaMelo Ball na maging top pick sa 2020 NBA Draft sa Oct. 16.",
"Sa mock draft ng ESPN, matunog si Ball sa No. 1 pick na napunta sa Minnesota pagkatapos ng Draft Lottery.",
"No. 2 pick ang Golden State, matunog dito si Anthony Edwards. ‘Yun ay kung hindi iti-trade ng Warriors ang pick kapalit ng isang maaasahang veteran.",
"Maganda raw itambal si Ball kina big Karl-Anthony Towns at playmaker D’Angelo Russell.",
"“You now have a chance to have the makings of a Western Conference playoff team in years to come,” giit ni Adrian Wojnarowski ng ESPN.",
"Sa kabilang banda, tumaya sina Jay Williams at Jay Bilas ng ESPN kay Edwards bilang No. 1 ng Timberwolves.",
"“You can imagine the likes of D’Lo, Karl-Anthony Towns with Anthony Edwards with that size, that frame, that grit he could bring to the table,” punto ni Williams.",
"Kung hindi ipapalit ng Golden State ang pick, posible raw nilang tapikin sa No. 2 si 7-foot-1 center James Wiseman.",
"Malapad, brusko at matibay si Wiseman na puwedeng maging screener o pick-and-pop player kina Draymond Green, Stephen Curry at Klay Thompson."
] | AbanteTNT | Sports | Sports | LUMAKAS ang tsansa ni LaMelo Ball na maging top pick sa 2020 NBA Draft sa Oct. 16. | [
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"LaMelo malakas na No. 1 pick",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX"
] | 1 | Aug 22, 2020 @ 20:52 | VE | https://tnt.abante.com.ph/lamelo-malakas-na-no-1-pick/ | ||
P900-M RELIEF GOODS INIHANDA NG NDRRMC PARA SA BAGYO | [
"MAHIGIT P900 million halaga ng relief goods ang inihanda laban sa posibilidad na pagtama sa bansa ng bagyong may International name na Tropical Storm Rai, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).",
"Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, nagpulong na ang local disaster councils at local government units (LGUs) sa mga lugar na pinangangambahang apektado ng tropical cyclone.",
"“On the part of the National Disaster Council, ang ating relief items and stockpiles ay more than P900 million worth pa at ito ay more than enough para ma-sustain ang ating operations para tulungan ang mga kababayan natin diyan sa mga maapektuhang communities,” ayon kay Timbal.",
"Sinabi pa ng NDRRMC official na naipadala na nila ang family food packs sa iba’t ibang bodega ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mga tukoy na lugar na itinakda ng LGUs."
] | PilipinoMirror | News | BALITA | MAHIGIT P900 million halaga ng relief goods ang inihanda laban sa posibilidad na pagtama sa bansa ng bagyong may International name na Tropical Storm Rai, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). | [
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"P900-M RELIEF GOODS INIHANDA NG NDRRMC PARA SA BAGYO",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX"
] | 1 | December 15, 2021 | Admin | https://pilipinomirror.com/p900-m-relief-goods-inihanda-ng-ndrrmc-para-sa-bagyo/ | ||
82 pa pulis sapol ng COVID | [
"Pumalo na sa 3,751 ang kabuuang bilang ng Philippine National Police (PNP) personnel na tinamaan ng COVID-19.",
"Ito’y matapos maitala ang 82 bagong kaso ng coronavirus sa hanay nila. Sa nasabing bilang, 30 ang mula sa Metro Manila; 17 sa Calabarzon; 14 mula Central Luzon; 8 sa Zamboanga Peninsula; 6 mula sa tanggapan ng PNP National Operational Support Unit; 4 mula Western Visayas; 2 mula Central Visayas; at 1 mula sa Bicol.",
"Samantala, may 3 bagong gumaling mula sa COVID-19 kaya ang kabuuang ay nasa 2,629. Nanatili naman sa 16 ang COVID-19 death toll sa hanay ng pulisya. (SDC)"
] | AbanteTonite | Crime | Metro | Pumalo na sa 3,751 ang kabuuang bilang ng Philippine National Police (PNP) personnel na tinamaan ng COVID-19. | [
"82 pa pulis sapol ng COVID",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX"
] | 0 | Aug 28, 2020 | Abante Tonite | https://tonite.abante.com.ph/82-pa-pulis-sapol-ng-covid/ | ||
(Sa kanilang love scene) ANDREA TORRES CHILL,DEREK RAMSAY MEGA TENSE | [
"WHEN doing a love scene, Derek Ramsay said that he is purportedly veryprofessional to the point that he shuts himself down.",
"When asked if he gets carried away, he said no.",
"“I’ve mastered how to shut myself down and do the scene, do it right, do it quick,” he explained.",
"“One take lang pero it doesn’t get awkward between the two of you. But if you like the girl, it makes it a lot easier.”",
"Speaking of leading ladies, he was able to narrate how he became close to Andrea while doing their Kapuso prime-time series.",
"“It’s strange,” he averred. “Andrea and I just clicked.",
"It started off with the station ID. I’d never met her.",
"“Nagpunta ako sa set, tinago nila ako coz I was the new star of GMA.",
"Literally, dinala raw siya sa set. Naka-bikini raw si Andrea at siya naman, naka-topless.",
"In the summer station ID of GMA-7, they had some sultry moments on a beach. Then they started the teleserye and that was the second time that they met each other. Andrea performed a lap dance on him.",
"“Usually, sa mga eksenang ganun, I’m used to being in control but in this one, I’m the one who is reluctant and she is in control, like in bra and panty,” he said with a reverberating laugh.",
"“She was giving me a lap dance. That was something new for me.”",
"Naisip raw niya, would the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) approve?",
"“Naisip ko nun, pwede ba sa TV ito? Parang hindi pwede sa TV ito. That’s the challenge I like about our teleserye. It’s very mature.",
"“With all the restrictions you have on TV, paano namin naitatawid? We found a way to do that. With that said, we shoot it like a movie para sa Netflix.”",
"HINDI PANAKAMO-MOVE ON SA MANUGANG NIYANG HILAW",
"NAKAA-AMUSE naman ang reaksyon ng may katarayang ina ng isang may ilusyon na ring aktor.",
"Imagine, nilait-lait nito ang kanyang manugang na hilaw pati ang alalay nito dahil sa sinisiraan daw ang kanyang anak sa publiko.",
"Bluntly stated, they are purportedly quarrelling most of the time because she doesn’t approve of the actress his son was having an intimate relationship with a few months ago.",
"Kahit ‘yung young actress na presently ay kinagigiliwan ng kanyang anak ay hindi rin daw niya gusto for the simple reason that she’s too young for her son.",
"Too young raw, o! Hahahaha!",
"Pa’no naman, napabilib siya sa down-to-earth ways nu’ng unang karelasyon ng kanyang anak na all mine to give talagang maituturing.",
"Sa true, mas inuuna pa ng aktres ang needs ng aktor kaysa sa kanyang mga pangangailangan.",
"In short, martir to death ang young actress at nito nga lang magkahiwalay sila ng aktor saka siya nakapagpundar ng kanyang mga personal na pangangailangan.",
"Dahil dito kaya labs na labs siya ng ina ng aktor which is but to be expected. Nu’ng time kasing mag-on ang kanyang anak at aktres, lagi na ay inuuna ng aktres ang mga pangangailangan ng aktor at palaging mino-monitor ang kanyang mga pangangailangan.",
"Ito nga namang aktres na ka-on dati ng kanyang anak ay hindi naman ganoon ka-solicitous at hindi ma-PR kay mudra. Hahahaha!",
"No wonder, she doesn’t like them one bit and has always placed her ex-manugang on high esteem.",
"Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.",
"And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!"
] | PilipinoMirror | News | BALITA | WHEN doing a love scene, Derek Ramsay said that he is purportedly veryprofessional to the point that he shuts himself down. | [
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"(Sa kanilang love scene) ANDREA TORRES CHILL,DEREK RAMSAY MEGA TENSE",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX"
] | 2 | August 29, 2019 | admin | https://pilipinomirror.com/sa-kanilang-love-scene-andrea-torres-chillderek-ramsay-mega-tense/ | ||
Panukalang early voting sa seniors, PWDs umusad na | [
"Inindorso ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms sa plenaryo ng Kamara de Representantes ang pag-apruba sa panukala upang maagang makaboto ang mga senior citizen at persons with disability (PWDs).",
"Sa ilalim ng House Bill 9262, magsasagawa ng early voting ang Commission on Elections (Comelec) para sa mga senior citizen at PWD sa loob ng pitong araw bago ang nakatakdang araw ng halalan.",
"Magsasagawa ng nationwide registration ang Comelec para sa mga senior citizen at PWD na nais bumoto ng mas maaga.",
"Ang mga hindi magpaparehistro ay maaaring bumoto sa araw ng halalan."
] | AbanteTNT | News | News | Inindorso ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms sa plenaryo ng Kamara de Representantes ang pag-apruba sa panukala upang maagang makaboto ang mga senior citizen at persons with disability (PWDs). | [
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Panukalang early voting sa seniors, PWDs umusad na"
] | 3 | Jun 22, 2021 @ 12:55 | Billy Begas | https://tnt.abante.com.ph/panukalang-early-voting-sa-seniors-pwds-umusad-na/ | ||
Bagong ‘Spider-Man’ movie may pamagat na | [
"May official title na ang bagong “Spider-Man” film ni Tom Holland.",
"Ayon sa Columbia Pictures, ang newest Spider-Man film ay ang “Spider-Man: No Way Home”.",
"Coming soon na raw ito sa Pilipinas.",
"Balitang matatapos na raw ang kontrata ni Holland sa pagganap na Friendly Neighborhood sa “Spider-Man: No Way Home”.",
"Panoorin ang announcement sa ibaba:"
] | AbanteTNT | Entertainment | Showbiz | May official title na ang bagong “Spider-Man” film ni Tom Holland. | [
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Bagong ‘Spider-Man’ movie may pamagat na"
] | 3 | Feb 25, 2021 @ 17:28 | IS | https://tnt.abante.com.ph/bagong-spider-man-movie-may-pamagat-na/ | ||
Ina ni Tony Labrusca dumepensa, nagbabala sa fake news | [
"Matapos lumabas ang bali-balitang nanigaw at pinagmumura umano ng aktor na si Tony Labrusca sa airport sa mga immigration officer, nag-tweet ng maanghang na pahayag ang ina nito na si Angel Jones.",
"Ayon sa kanya, kahit anong gawin ng isang tao ay hindi pa rin matatanggap ng iilan.",
"Nagpatama din si Jones sa mga taong mahilig sa fake news at nasisiyahan sa paninira ng ibang paangat.",
"Ang mga nasabing tweet ay kasunod ng lumutang na Facebook post kung saan pinaparatangan si Tony ng pambabastos sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.",
"Nagkomento ang isang netizen na sinabing wala umanong hawak na Philippine passport si Tony kaya nabigyan lamang ng 30 araw para manatili sa bansa.",
"Tourist visa lamang umano ang ibingay kay Tony at humihingi ng Balikbayan Visa, ngunit hindi pinayagan dahil hindi nito kasama ang mga magulang."
] | AbanteTNT | Entertainment | Showbiz | Matapos lumabas ang bali-balitang nanigaw at pinagmumura umano ng aktor na si Tony Labrusca sa airport sa mga immigration officer, nag-tweet ng maanghang na pahayag ang ina nito na si Angel Jones. | [
"Ina ni Tony Labrusca dumepensa, nagbabala sa fake news",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"FESSAP pinuri ni Duterte"
] | 0 | Jan 4, 2019 @ 18:11 | RP | https://tnt.abante.com.ph/ina-ni-tony-labrusca-dumepensa-nagbabala-sa-fake-news/ | ||
17.10% IBINABA NG CRIME RATE SA BICOL | [
"NAKAPAGTALA ang PNP-Police Regional Office 5 ng 17.10% ng pagbaba sa total crime rate sa Bicol region simula pagpasok ng taon hanggang Agosto 2021 kumpara sa 2020.",
"Sa pamumumuno ni Regional Police Director Jonnel C Estomo, nakapagtala lamang 10, 683 krimen sa buong panig ng Bicol sa loob ng walong buwan.",
"Ito ay mas mababa ng 2,203 kumpara sa nagdaang taon na umabot sa 12, 886.",
"Tinutukan ni Estomo l ang paghahatid ng ekstraordinaryong serbisyo sa pamayanan.",
"Ninais nito na ang bawat aksyon at trabaho ng kapulisan ay nakikita, nararamdaman at napapahalagahan ng bawat miyembro ng komunidad.",
"Bilang pagtalima sa derektibang ito, lalong pinalakas at pinalawig ng PNP Bicol ang mga nasimulan nitong programa at proyekto upang tugunan ang mga problemang panseguridad.",
"Kabilang na rito ang pinaigting na kampanya kontra illegal drugs, na mayroong 928 operasyon naikasa at nagresulta sa pagkakahuli sa 1,037 sangkot sa pagbebenta at pagpapalanap ng droga.",
"Samantala, 52 ang nasawi sa operasyon at 1,430 naman ang kasong naisampa sa mga lumabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.",
"Ito rin ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng 222.48 gramo ng marijuana; 6,476.74 ng “shabu” na may kabuoang halaga na P44,068,539.90.",
"Ang Albay naman ang pinakamaraming naitalang nasamsam ng ipinagbabawal na gamot sa kampanya kontra dito.",
"Pinagtuunan rin ng pansin ang kampanya sa iligal na pagmamay-ari ng baril sa pamamagitan nang paglulunsad ng 1,405 na Oplan Boga at Oplan Katok.",
"Mula rito, 469 nahuli at 1,560 ang nakumpiska, narekober at isinuko.",
"Ang probinsya ng Camarines Sur ang may pinakataas na bilang ng naaresto at nakuhang baril.",
"Ang PNP Bicol ay naglatag rin ng 809 na operasyon kontra sugal.",
"Nadakip dito ang 2,071 na mga lumabag habang 674 na ang mga nasampahan ng kaso.",
"Nasamsam rin ang 479,133 tinatayang halaga ng ebidensya.",
"Camarines Sur ang may pinakamataas na numero ng mga naaresto mula sa 205 na operayon naikasa sa probinsya.",
"Nagtala rin ang PNP Bicol ng malalaking tagumpay sa kampanya kontra terorismo kung saan 104 ang naaresto; 260 ang mga sumuko; at 43 ang napatay sa combat operations na ikinasa ng regional at provincial mobile units. Dagdag pa rito ang 102 bilang ng mga armas at 13 pasabog na nakumpiska sa panig ng mga rebeldeng grupo.VERLIN RUIZ"
] | PilipinoMirror | News | BALITA | NAKAPAGTALA ang PNP-Police Regional Office 5 ng 17.10% ng pagbaba sa total crime rate sa Bicol region simula pagpasok ng taon hanggang Agosto 2021 kumpara sa 2020. | [
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"17.10% IBINABA NG CRIME RATE SA BICOL"
] | 3 | September 7, 2021 | Admin | https://pilipinomirror.com/17-10-ibinaba-ng-crime-rate-sa-bicol/ | ||
Sinopharm vaccine pinaatras delivery | [
"Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang paggamit ng Sinopharm vaccine laban sa COVID-19.",
"Sa kanyang ‘Talk to the People’ nitong Miyerkoles ng gabi, sinabi ng Pangulo na desisyon ng kanyang mga doktor ang brand ng vaccine na itinurok sa kanya batay sa ginawang pag-aaral kung ano ang angkop na bakuna para sa kanya.",
"Pero marami aniyang mga kritikong kumukuwestiyon sa ginamit nitong bakuna dahil hindi aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) ang Sinopharm.",
"“We are sorry that we committed the things that you are criticizing us for. We accept responsibility. Ako mismo nagpaturok, well it’s the decision of my doctor. Anyway its my life and kung ano ang concerns nila about others,” anang Pangulo.",
"Dahil dito, sinabi ng Pangulo na kinausap niya si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian para kanselahin ang nakatakdang delivery ng Sinopharm supply sa bansa.",
"“I had a talk with the ambassador, sinabi ko kini-criticized nila kasi hindi nga dumaan ng examination ‘yong Sinopharm, sabi ko tanggalin mo na lang. You withdraw all Sinopharm vaccines 1,000 of them. Huwag ka na magpadala ng Sinopharm para walang gulo,” anang Pangulo.",
"Ginagamit aniya ang Sinopharm sa Brazil at Indonesia pero dahil mayroong ingay ay mas mabuting tanggalin na lang. (Aileen Taliping)"
] | Abante | News | News | Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang paggamit ng Sinopharm vaccine laban sa COVID-19. | [
"Sinopharm vaccine pinaatras delivery",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen"
] | 0 | May 6, 2021 | Abante News | https://www.abante.com.ph/sinopharm-vaccine-pinaatras-delivery1/ | ||
Palace tour suspendido muna – PSG | [
"Inirekomenda ng Presidential Security Group (PSG) sa Internal House Affairs Office ng Malacañang ang indefinite suspension para sa tour sa Malacañang museum.",
"Sa harap na rin ito ng mainit na usapin sa 2019 novel coronavirus na nakapasok na sa Pilipinas at sa peligrong posibleng idulot nito sa mga tao.",
"Batay sa official statement na ipinalabas ni PSG Commander Brigadier General Jose Eriel Niembra, ang rekomendasyon ay bilang paniniguro na ligtas sa coronavirus ang tanggapan ng Presidente.",
"Sinabi ng PSG chief na binabalangkas pa nila ang protocols para sa mga bibisita sa Malacañang para matiyak na hindi makarating sa Palasyo ang coronavirus.",
"“While crafting protocols for visitors in the Palace, PSG has recommended to IHAO the indefinite suspension of museum and palace tour. This is a preemptive measure to ensure that the seat of government is secured from this biological threat,” ani Niembra.",
"Ang Malacañang museum ay malimit puntahan ng mga turista at maging ng mga estudyante para sa kanilang educational tour.",
"Nauna nang ipinag-utos ng PSG chief ang paggamit ng face mask sa lahat ng kanyang mga tauhan bilang pag-iingat laban sa posibleng pagkalat ng virus matapos kumpirmahin ng Department of Health nitong Huwebes na mayroon nang nakapasok na indibiduwal sa bansa na positibo sa coronavirus."
] | AbanteTNT | News | News | Inirekomenda ng Presidential Security Group (PSG) sa Internal House Affairs Office ng Malacañang ang indefinite suspension para sa tour sa Malacañang museum. | [
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Palace tour suspendido muna – PSG"
] | 3 | Jan 31, 2020 @ 19:26 | Aileen Taliping | https://tnt.abante.com.ph/palace-tour-suspendido-muna-psg/ | ||
10 COSMETIC PRODUCTS MAY HALONG MERCURY | [
"NAG-ISYU ang Food and Drug Administration (FDA) ng public health warning laban sa 10 cosmetic products na nakitang may halong ammoniated mercury at iba pang mapanganib ng kemikal.",
"Sa ipinalabas na abiso ng FDA nitong Hunyo 3, inilista ang mga sumusunod na produkto na nasa ilalim ng ASEAN Post-Marketing Alert System: B Plus Miracle Gold Cream, Madame Organic Whitening Arbutin, Turmeric Herbal Cream, Melusma Melasma Brightening Cream, Beauty 3 Night Cream, BeQuala Beauty Quality Lab, Ozzy Mask, Polla Gold Super White Perfects, O-Ping Wink Winner Ping Whitening Cream, at Myrina Night Cream.",
"Matapos ang post-marketing surveillance ng Cosmetic Control Group ng FDA Thailand, nakita sa laboratory analysis na ang mga produkto ay hindi sumunod sa ASEAN cosmetic directives at nagtataglay ng sangkap na hindi dapat kasali sa cosmetic product.",
"“Mercury is a naturally occurring heavy metal which is known to be severely hazardous to health even in small amounts,” ayon sa abiso.",
"Sa kinuhang datos mula sa WHO, sinabi ng FDA na ang pinakamalaking epekto ng pagkalantad sa inorganic mercury ay pagkasira ng kidney, at pagkakaroon din ng skin rashes, skin discoloration, at scarring.",
"Sa mga buntis naman at nagpapasusong mga ina, maaring malipat ang mercury sa kanilang sanggol na posibleng magresulta sa neurodevelopmental deficits sa mga bata.",
"“Because of the hazards posed by the aforementioned products, the public is strongly advised to be vigilant and report to FDA … any encounter with these products,” ayon sa FDA.",
"Maliban sa mercury, napansin ng FDA ang mga sumusunod na sangkap sa mga produkto tulad ng Hydroquinone, Betame-thasone 17-valerate, at Clobetasol propionate, na hindi dapat na sangkap ng cosmetic products dahil ito ay kabilang sa uri ng gamot sa Filipinas.",
"“Such adverse effects linked with Hydroquinone use are sensitivity to light, skin redness, and permanent skin discoloration,” sabi pa ng FDA.",
"“Prolonged use of topical corticosteroids such as Betamethasone 17-valerate and Clobetasol propionate may cause skin atrophy, contact dermatitis, hyperpigmentation, photosensitization, hypertrichosis (hirsutism), and aggravation of cutaneous infection, among others,” dagdag pa nila.",
"Dahil sa panganib na dala ng cosmetic products, nanawagan ang FDA sa publiko na maging masigasig at i-report agad ang kanilang mga nakikitang produkto.",
"Puwedeng ipadala ang report sa FDA sa pamamagitan ng email sa [email protected], o tumawag sa (02)857-1900 local 8107 o 8113, o sa kanilang online reporting facility eReport sa www2.fda.gov.ph/ereport."
] | PilipinoMirror | News | PANANALAPI | NAG-ISYU ang Food and Drug Administration (FDA) ng public health warning laban sa 10 cosmetic products na nakitang may halong ammoniated mercury at iba pang mapanganib ng kemikal. | [
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"10 COSMETIC PRODUCTS MAY HALONG MERCURY",
"FESSAP pinuri ni Duterte"
] | 2 | June 7, 2019 | admin | https://pilipinomirror.com/10-cosmetic-products-may-halong-mercury/ | ||
P178-M counter-terror equipment, ibinigay ng US sa PH Marines | [
"Nag-donate ang United States Military ng mga counter terrorism operations equipment sa Philippine Marines.",
"Sa inilabas na press release ng US Embassy, 525 sets ng ballistic vests, lightweight ballistic plates, tactical ballistic helmets, at accessories ang ibinigay ng US military sa Philippine Marine Special Operations Group at Inshore Boat Battalion na aabot sa halagang P178 milyon.",
"Ang mga equipment na ito ay ibinigay ng US sa Philippine Marines sa pamamagitan ng Counter-terrorism Train and Equip Program.",
"Sa impormasyon ng US Embassy, makakatulong ang mga equipment na ito sa pagpapaangat ng kakayanan ng mga sundalo partikular ng Philippine Marines sa pagsasagawa ng counter-terrorism operations, maging sa operasyon laban sa mga transnational threat partikular sa bahagi ng Southern Philippines.",
"Siniguro naman ng Amerika na magpapatuloy ang pagsuporta nila sa Armed Forces of the Philippines para makatulong sa long-term modernization program ng AFP."
] | AbanteTNT | News | News | Nag-donate ang United States Military ng mga counter terrorism operations equipment sa Philippine Marines. | [
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"P178-M counter-terror equipment, ibinigay ng US sa PH Marines",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX"
] | 2 | Jun 6, 2018 @ 14:55 | Red Fortaleza | https://tnt.abante.com.ph/p178-m-counter-terror-equipment-ibinigay-ng-us-sa-ph-marines/ | ||
Mag-asawa tiklo sa mahigit P300K na shabu sa GenSan | [
"Nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad ang mag-asawa at dalawang kasamahan nito sa Superville Subdivision sa Barangay Lagao, General Santos City.",
"Ayon sa report, nakumpiska sa mga suspek noong Biyernes ng tanghali ang mga sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000.",
"Matagal na umanong minamanmanan ang apat dahil isa sa mga suspek ay nasa watch list ng kapulisan habang high-value target naman ang tatlong iba pa.",
"Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek na hindi pa pinangalanan ng pulisya. (IS)"
] | AbanteTNT | Crime | Crime | Nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad ang mag-asawa at dalawang kasamahan nito sa Superville Subdivision sa Barangay Lagao, General Santos City. | [
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Mag-asawa tiklo sa mahigit P300K na shabu sa GenSan",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen"
] | 1 | Jun 23, 2018 @ 13:11 | IS | https://tnt.abante.com.ph/mag-asawa-tiklo-sa-mahigit-p300k-na-shabu-sa-gensan/ | ||
Lexie reyna | [
"NAGKAMPEON si Philippine chess wunderkind Lexie Grace Hernandez sa katatapos na PSC-NCFP Selection – Semi-Finals (Women) nitong Mayo 11-13 na nilaro sa Tornelo platform.",
"Nilista ni 15-year-old Hernandez ang 5.5 points mula four wins at three draws para magreyna sa seven-round tournament.",
"Kaparehong puntos ni Hernandez si Ruelle Canino ng Cagayan de Oro City pero matapos ipatupad ang tiebreak ay napunta ang korona sa Angeles City, Pampanga bet.",
"Nasa third place si Ma. Elayza Villa ng Mandaluyong City na may 5 points habang si Thailand based Woman National Master Arvie Lozano ay nasikwat ang fourth spot na may 4.5 points. (Elech Dawa)"
] | Abante | Sports | Sports | NAGKAMPEON si Philippine chess wunderkind Lexie Grace Hernandez sa katatapos na PSC-NCFP Selection – Semi-Finals (Women) nitong Mayo 11-13 na nilaro sa Tornelo platform. | [
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Lexie reyna",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen"
] | 1 | May 14, 2021 | Abante News | https://www.abante.com.ph/lexie-reyna/ | ||
‘No bakuna, no labas’ hindi sapat para mapigil COVID sirit – Gabriela rep | [
"Hindi umano sapat ang pagbabawal na makalabas ang mga hindi bakunado para mapababa ang mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.",
"Ayon kay House Assistant Minority Leader at Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang mga nabakunahan ay maaari pa ring mahawa ng COVID-19 at maging carrier kaya patuloy pa ring darami ang mga nahahawa kahit hindi pinalalabas ang mga walang bakuna.",
"“Kaya hindi sapat itong ‘No Vaxx, No Labas’ policy na ipapatupad sa NCR (National Capital Region),” sabi ni Brosas.",
"Ipinaalala rin ni Brosas na lumobo ang mga kaso ng COVID-19 sa NCR kahit pa nabakunahan na ang 102% ng target nitong populasyon.",
"“That is why this latest MMC policy is blind to the actual situation on the ground,” dagdag pa ng lady solon.",
"Ang kailangan umano ay mahanap kung sinu-sino ang mga carrier upang mapigilan na sila sa pagkakalat at dito kailangan ng mass testing.",
"Samantala, ipinalilinaw din ni Brosas sa Department of Budget and Management (DBM) kung mayroong alokasyon sa ilalim ng 2022 national budget para sa pagkuha ng mga contact tracers.",
"“We should be focusing on free testing, expanded contact tracing and the boosting of our public health system. However, we are seeing a repeat of the Duterte regime’s restrictions on mobility, which have been proven insufficient,” giit pa ni Brosas."
] | AbanteTNT | News | News | Hindi umano sapat ang pagbabawal na makalabas ang mga hindi bakunado para mapababa ang mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila. | [
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"‘No bakuna, no labas’ hindi sapat para mapigil COVID sirit – Gabriela rep",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX"
] | 2 | Jan 3, 2022 @ 15:31 | Billy Begas | https://tnt.abante.com.ph/no-bakuna-no-labas-hindi-sapat-para-mapigil-covid-sirit-gabriela-rep/ | ||
Proposal ni Dennis Uy para sa Davao airport aprubado ng NEDA-ICC | [
"Nakuha na ng Chelsea Logistics Holdings Corp. ni Dennis Uy ang clearance mula sa National Economic and Development Authority—Investment Coordination Committee para sa unsolicited proposal nito sa modernization ng Davao International Airport.",
"Sabi ng Department of Transportation nitong Huwebes, Enero 2, 2020, ang proposal ng Chelsea Logistics ay para i-reconfigure at i-expand ang terminal building sa Davao. May kasama ring construction ng parallel taxiway at improvement ng airside at landside facilities, pati na ang paglagay ng modern airport IT systems.",
"Ayon sa DOTr, magkakahalagang P48.9 bilyon ang proyekto na isang operate-add-transfer na naglalayong palakihin ang kakayanan ng Davao Airport para makapagserbisyo ng 15.1 milyong pasahero kada taon.",
"Inaasahang maumpisahan ngayong taon ang proyekto at matatapos ito sa 2028. Ang concession period ay tatagal nang 30 na taon.",
"Oras na makakuha na ito ng basbas mula sa NEDA Board, dadaan na ito sa Swiss challenge kung saan maaring hamonin ng iba ang proposal ng Chelsea Logistics. Kung mas maganda ang offer ng mga ito, may karapatan ang Chelsea Logistics na tapatan ang offer.",
"Sabi ng DOTr, inaprubahan din ng NEDA-ICC ang MRT-4 project at ang paga-upgrade ng Laguindingan Airport nung meeting nito nung December 20, 2019."
] | AbanteTNT | News | News | Nakuha na ng Chelsea Logistics Holdings Corp. ni Dennis Uy ang clearance mula sa National Economic and Development Authority—Investment Coordination Committee para sa unsolicited proposal nito sa modernization ng Davao International Airport. | [
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Proposal ni Dennis Uy para sa Davao airport aprubado ng NEDA-ICC"
] | 3 | Jan 2, 2020 @ 18:18 | Eileen Mencias | https://tnt.abante.com.ph/proposal-ni-dennis-uy-para-sa-davao-airport-aprubado-ng-neda-icc/ | ||
Karera Tips ni Jp Gonzales | [
"San Lazaro Leisure Park – Carmona, Cavite",
"21 Enero 2022/ Biyernes",
"R01 – 10 Play It Safe, 1 Fortress, 5 Rancheros, 8 Don’t Say Bad Words",
"R02 – 8 Patong Patong, 1 Heroesdelninetysix, 6 Storm Bell, 3 Mandatum",
"R03 – 3 Sweet City, 10 Habulin, 9 Sheikh Chariot, 5 Spoiled Brat",
"R04 – 7 Rodrigo, 4 Surplus Boy, 8 Highly Honored, 5 Yes Kitty",
"R05 – 6 Misaka, 9 More Or Less, 7 Magistrale, 4 Indelible Quaker",
"R06 – 2 Birthright, 6 Skyscraper, 3 My Sweet Lord, 5 Allezandro",
"R07 – 5 Declare For Flare, 9 Top Grosser, 8 Money For Shelltex, 6 Ambet Ko To",
"Solo Pick: Patong Patong, Birthright, Declare For Flare",
"Longshot: Misaka"
] | Abante | Sports | Sports | San Lazaro Leisure Park – Carmona, Cavite | [
"Yen umiyak sa mura ni Ogie",
"Karera Tips ni Jp Gonzales",
"Mighty Sports umayuda sa kampanya sa Asian Para Games",
"Mga bagong pelikula ng ABS-CBN diretso na sa streaming"
] | 1 | Jan 20, 2022 | Abante News | https://www.abante.com.ph/karera-tips-ni-jp-gonzales-184/ | ||
Obra ng Pinoy artist pumatok sa US, Europe | [
"Sikat ngayon sa Davao De Oro ang kakaibang mga obra ng isang 21-anyos na artist dahil mula sa ibat ibang klase ng resibo ang kanyang canvass at gamit ang ballpen.",
"Walang pinturang ginamit dahil iba’t ibang kulay ng ballpen at hindi sa mamahaling canvass ang obra kundi sa mga maliliit at malaking resibo ang gamit ng pen artist na si James Abayon Lolo.",
"Ayon kay James, hindi nasasayang sa kanya ang mga patapong resibo dahil may pinaggagamitan ito at nakakatulong din siya kalikasan.",
"“Madami pong resibo rito sa bahay na bigla na lang pumasok sa isip ko na what if ‘yung gagamitin kong materials para mag-drawing gamit lang po ang ballpen,'” sabi ni James.",
"Inaabot si James ng dalawang linggo kada obra bago matapos at depende kung gaano kakumplikado ang ginuguhit at naibebenta ang kanyang resibo art sa halagang P2,000 hanggang P5,000",
"Taong 2021 ay nag-trending na ang kanyang ballpoint pen art na Last Supper na ginuhit mula sa resibo at doon mas ginalingan n’ya hanggang sa makaipon.",
"Nakapagtayo ng tindahan para sa kanyang ina at nakakatulong siya sa mga gastusin sa bahay at pagpapaaral sa kapatid mula sa kanyang kinikita sa mga obra.",
"Kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo si James.",
"Dahil sa marami ang nangongolekta ng likhang sining na nagpapagawa kay James ng mga imahe, umiikot ang kanyang resibo art hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa USA at Europa. (Vick Aquino)"
] | Abante | News | News | Sikat ngayon sa Davao De Oro ang kakaibang mga obra ng isang 21-anyos na artist dahil mula sa ibat ibang klase ng resibo ang kanyang canvass at gamit ang ballpen. | [
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Obra ng Pinoy artist pumatok sa US, Europe",
"FESSAP pinuri ni Duterte"
] | 2 | Mar 8, 2022 | Abante News | https://www.abante.com.ph/obra-ng-pinoy-artist-pumatok-sa-us-europe/ | ||
Marcial uupakan ginto sa Vietnam | [
"PUNTIRYA ni 2020 Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Marcial na masungkit ang kanyang ika-apat na gintong medalya sa gaganaping 31st Southeast Asian Games sa susunod na taon.",
"Sa naunang ulat, binanggit ni Marcial na plano nitong lumaban sa darating na SEA Games sa Hanoi, Vietnam at idiniin na hindi madidiskaril ang kanyang binabalak na pag-upak sa professional boxing.",
"Magugunita noong Agosto, ibinahagi ni MP (Manny Pacquiao) Promotions president Sean Gibbons na inaasahang magbabalik Amerika si Marcial upang sumabak sa isang pro match.",
"Noong Disyembre 2020, nagwagi via unanimous decision ang 25-year-old boksingero mula Zamboanga kontra kay American boxer Andrew Whitfield para sa kanyang unang professional fight."
] | Abante | Sports | Sports | PUNTIRYA ni 2020 Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Marcial na masungkit ang kanyang ika-apat na gintong medalya sa gaganaping 31st Southeast Asian Games sa susunod na taon. | [
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Marcial uupakan ginto sa Vietnam",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen"
] | 1 | Oct 7, 2021 | Abante News | https://www.abante.com.ph/marcial-uupakan-ginto-sa-vietnam/ | ||
PH-China flight ban hindi pa kailangan – Duterte | [
"Kung si Pangulong Rodrigo Duterte ang tatanungin, hindi pa kailangang i-ban ang mga flight ng China patungong Pilipinas at vice versa.",
"Ito’y kahit pa dumaranas ngayon ng novel coronavirus outbreak ang bansang China, na nakarating na rin sa iba’t ibang bansa.",
"“Not yet at this time,” ayon kay Duterte kung pinag-iisipan ba nito ang travel ban sa China.",
"Aniya, makirap umano na magsuspende ng mga flight dahil mayroon na umanong sariling lockdown ang China sa kanilang bansa.",
"“Mahirap yung sabihin mo you will suspend everything because they are also suspending there,” saad pa.",
"Sa ngayon ay 6,000 na ang apektado ng novel coronavirus habang lampas 100 na ang namatay dahil dito."
] | AbanteTNT | News | News | Kung si Pangulong Rodrigo Duterte ang tatanungin, hindi pa kailangang i-ban ang mga flight ng China patungong Pilipinas at vice versa. | [
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"PH-China flight ban hindi pa kailangan – Duterte",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen"
] | 2 | Jan 29, 2020 @ 21:47 | RP | https://tnt.abante.com.ph/ph-china-flight-ban-hindi-pa-kailangan-duterte/ | ||
Valenzuela nagbukas ng hemodialysis center para sa COVID-19 patient | [
"Nagbukas ang Valenzuela City government ng bagong hemodialysis center na mangangalaga sa mga pasyenteng may coronavirus at problema sa kidney.",
"Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, maraming COVID-19 patient na nagpapa-dialysis din ang hirap makahanap ng dialysis center dahil sa kanilang pagiging COVID positive.",
"“Since the pandemic started, we realized that a lot of our Covid patients who also undergo dialysis could not find dialysis centers that would take them in because of their Covid-positive status. That is why we decided to open our own dialysis center that will cater exclusively to Covid patients,” ani Gatchalian sa social media post nitong Miyerkoles.",
"Matatagpuan ang hemodialysis center sa ikatlong palapag ng Valenzuela City Emergency Hospital sa Barangay Dalandanan.",
"Sa ngayon ay naghihintay pa ang city government ng license to operate mula sa Department of Health.",
"Sakaling maging fully operational, kayang mag-accommodate ang dialysis center ng hanggang siyam na pasyente at tatlong batch araw-araw."
] | AbanteTNT | News | News | Nagbukas ang Valenzuela City government ng bagong hemodialysis center na mangangalaga sa mga pasyenteng may coronavirus at problema sa kidney. | [
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Valenzuela nagbukas ng hemodialysis center para sa COVID-19 patient",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"FESSAP pinuri ni Duterte"
] | 1 | Jan 20, 2021 @ 21:43 | IS | https://tnt.abante.com.ph/valenzuela-nagbukas-ng-hemodialysis-center-para-sa-covid-19-patient/ | ||
3 DRUG TARGETS NAPATAY, P1.7M SHABU NASABAT | [
"ALBAY-PATAY ang tatlong drug personalities habang nakumpiska ang bitbit nilang shabu na nagkakahalaga ng P1.7 milyon sa operasyon ng ng pulisya sa bayan ng Oas.",
"Sa ulat ni PBrig General Jonnel C Estomo, regional direkctor ng Police Region Office-5, kinilala ang mga napaslang na drug dealers na sina Ramon Mutoc alyas Omar, Bahala na Gang member at nasa high value priority target; Jose Maria Arvin Samson ng nasabi ring lugar at isang hindi pa nakikilalang kasamahan, pawang mula sa Valenzuela City.",
"HInala ni Estomo na ang tatlo ay may koneksyon sa drug trade sa Albay gayundin sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa at nire-repack sa Valenzuela.",
"Ayon kay P/Major Malou Calubaquib, alas 12:45 ng tanghali isinagawa ang buy-bust operation sa Purok 4, Barangay Busac, Oas, ng mga tauhan ng Albay Police Provincial Office sa pamumuno ni P/Col Arnold C Santiago, Provincial Director, na pinangunahan nang Oas MPS bilang lead unit sa pamumuno ni PLT Victor C. Borjal katuwang ang ; Polangui MPS; Police Intellignece Unit- Albay; 93rd SAC; 1st at 2nd Albay Police Mobile Force Company, RID-RSOU5; ODRDO-RPEDEU5; at 502nd RMFB.",
"Una nang nakabili ng 10 gramo ng umano’y shabu ang poseur buyer ng PNP mula kay Ramon Mutuc at sa dalawa pa nitong kasamahan kapalit ang P40,000 sa Purok 4, Barangay Busac.",
"Matapos ang bayaran ay nakatunog ang suspek na buy-bust kaya nagkaputukan subalit namayani ang mga alagad ng batas at napaslang ang tatlo.VERLIN RUIZ"
] | PilipinoMirror | News | BALITA | ALBAY-PATAY ang tatlong drug personalities habang nakumpiska ang bitbit nilang shabu na nagkakahalaga ng P1.7 milyon sa operasyon ng ng pulisya sa bayan ng Oas. | [
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"3 DRUG TARGETS NAPATAY, P1.7M SHABU NASABAT",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen"
] | 1 | July 22, 2021 | Admin | https://pilipinomirror.com/3-drug-targets-napatay-p1-7m-shabu-nasabat/ | ||
TULONG PINANSIYAL SA NAAPEKTUHAN NG BULACAN AIRPORT PROJECT | [
"PINAGKALOOBAN ng San Miguel Corp ng tulong pinansiyal ang mga residenteng apektado ng itatayong New Manila International Airport sa Bulacan bilang kompensasyon.",
"Ayon kay SMC project manager Atty. Michaela Rosales sa launching ceremony Skills Training Program ng TESDA na ibabahagi nila ang appraise value para sa mga residenteng apektado sa naturang mga Sitio.",
"Tinatayang nasa 360 na ang binigyan ng pampalipat ng bahay samantalang ang ibang residente naman ay pinili ang alok na pera.",
"Idinagdag pa, ang mga hindi konkreto bahay ay nakatanggap ng P250,000 at ina-appraise naman ang ilang mga konkretong bahay habang dinoble at binigyan pa sila ng P100,000 bilang financial assistance.",
"Kasama rin ang mga bangkang isinurender ng mga residente na ayaw ng mangisda na binigyan din ng kabayaran.",
"Sa Brgy. Binuangan, Obando nasa 60 residente rito ang paunang binigyan ng pagkakataon na makapag-training sa limang kurso tulad ng welding,electrical,pagluluto,pananahi bukod pa ang heavy equipment operator.",
"Gayundin, posibleng mawasak ang anim na kapilya sa ibat- ibang sitio sa bayan ng Bulakan sa sandaling simulan na ang nasabing proyekto.",
"Ayon kay Fr. Ramon Garcia, nakalubog na hanggang binti sa tubig-dagat ang chapel ng Sitio Pariahan na kabilang sa anim na kapilya ang tatamaan ng naturang proyekto.",
"Aniya, nakatayo ang chapels sa Sitio Dapdap, Capol, Calamansi, Pariahan, Bunutan at Kinse na sakop ng Brgy.Taliptip.",
"Nabatid na ilang kapilya sa lugar ang hindi na nagagamit o namimisahan habang ang iba naman ay katulad ng Pariahan at ang private chapel sa Kinse-Torres ang madalas na pagdausan ng misa.",
"Kinumpirma rin ni Garcia, wala na umanong mga kabahayan at wala ng tao sa lugar dahil tinanggap na ng mga residente ang alok ng SMC.THONY ARCENAL"
] | PilipinoMirror | News | BALITA | PINAGKALOOBAN ng San Miguel Corp ng tulong pinansiyal ang mga residenteng apektado ng itatayong New Manila International Airport sa Bulacan bilang kompensasyon. | [
"TULONG PINANSIYAL SA NAAPEKTUHAN NG BULACAN AIRPORT PROJECT",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX"
] | 0 | October 2, 2020 | admin | https://pilipinomirror.com/tulong-pinansiyal-sa-naapektuhan-ng-bulacan-airport-project/ | ||
100 bahay natupok sa Baseco | [
"Tinatayang nasa 100 bahay ang naabo matapos sumiklab ang isang sunog Huwebes ng hapon sa may Blk 1 Gasangan, Baseco Compound, Port Area, Maynila.",
"Ayon sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection sumiklab ang sunog dakong alas-2:25 ng hapon na umabot sa ikalawang alarma at idineklarang fire out pasado alas-4 ng hapon.",
"Nagsimula umano ang sunog sa isang bahay malapit sa kapilya at maging ang mga residente ay tumulong na rin sa mga bumbero para maapula ang apoy.",
"Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa nahanap na sunog.",
"Patuloy naman nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad para matuloy ang sanhi ng sunog at halaga ng mga napinsalang ari-arian.(Juliet de Loza-Cudia)"
] | AbanteTonite | Crime | Metro | Tinatayang nasa 100 bahay ang naabo matapos sumiklab ang isang sunog Huwebes ng hapon sa may Blk 1 Gasangan, Baseco Compound, Port Area, Maynila. | [
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"100 bahay natupok sa Baseco",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX"
] | 2 | Jul 16, 2020 | Abante Tonite | https://tonite.abante.com.ph/100-bahay-natupok-sa-baseco/ | ||
Eleazar na-badtrip sa pulis na nagpapabayad kapalit ng laya | [
"Nanggagalaiting National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Guillermo Eleazar ang tumambad sa Marikina Police matapos mahuli ang isang corporal na nangingikil ng salapi kapalit ng pag-abswelto sa kasong droga sa isang lalaki.",
"Kaagad na sinibak sa pwesto ang mga kasamahan ni Police Corporal Marlo Siblao Quibete, maging ang kanilang hepe, dahil sa ginawang pangongotong nito sa Pasig City, Martes ng gabi.",
"Ayon sa NCRPO, kumuha si Quibete ng P60,000 at isang gintong alahas kay Eva Cabansag, ang live-in partner ng durugista na si Aries Ochoada, para makalaya ito.",
"Maging ang motorsiklo umano ay pinag-interesan ni Quibete, na nahuli sa isang entrapment operation matapos nitong tanggapin ang P20,000 marked money mula sa mga operatiba ng NCRPO.",
"Kinasuhan ng robbery-extortion si Quibete at nasa kustodiya na ng NCRPO."
] | AbanteTNT | News | News | Nanggagalaiting National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Guillermo Eleazar ang tumambad sa Marikina Police matapos mahuli ang isang corporal na nangingikil ng salapi kapalit ng pag-abswelto sa kasong droga sa isang lalaki. | [
"Eleazar na-badtrip sa pulis na nagpapabayad kapalit ng laya",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"FESSAP pinuri ni Duterte"
] | 0 | Mar 6, 2019 @ 12:10 | RP | https://tnt.abante.com.ph/eleazar-na-badtrip-sa-pulis-na-nagpapabayad-kapalit-ng-laya/ | ||
TV host aso ang inasikaso kesa ang female personality | [
"Binalikan ng aming mga impormante ang kontrobersiyang naganap nu’n sa pagitan ng dalawang pamosong babaeng personalidad ng mundo ng telebisyon.",
"Mainit na mainit nu’n ang isyu sa kanilang pagitan, galit na galit si Female Personality A, dahil sobrang ipinahiya raw siya sa publiko ni Female Personality B.",
"Kung anu-ano ang kanyang sinabi, nag-post pa siya ng mga salitang hindi halos malunok ni Female Personality B, pero napahiya siya.",
"Kuwento ng aming source, “Upak siya nang upak, pero para lang siyang nakikipagsuntukan sa multo, kasi, hindi siya pinatulan ng inaaway niya! Walang pakialam si Female Personality B sa mga pagkuda niya!",
"“Hanggang sa napagod na lang si Female Personality A, para kasi siyang syunga na dakdak nang dakdak, pero hindi naman siya sinasagot ng hinahamon niya!” unang madiing komento ng aming source.",
"Ang katalinuhan ni Female Personality B ay ginagamit nito sa tamang paraan, hinid nito sinasayang ang kanyang energy sa pagbibigay-importansiya sa mga tao at bagay-bagay na wala namang kawawaan.",
"“Ano ang ginawa niya? Nag-post siya habang nakikipaglaro sa mga alaga niyang aso sa garden! Nakakainsulto ba? Habang inuupakan siya ni Female Personality A, aso lang ang naging sagot niya!",
"“Hindi man niya sinasabi, e, parang gusto niyang itawid ang message na mas mabuti pang asikasuhin ang mga hayup kesa sa tao!",
"“Di ba naman, napaka-witty ni Female Personality B? Instead na bigyan niya ng panahon ang isang babaeng ipinaglihi sa patola, e, nilaro na lang niya ang kanyang mga aso!” nakakaaliw na kuwento ng aming impormante.",
"Dati nang hindi nagkakasundo ang dalawang babae, masyado kasing pakialamera si Female Personality A, kaya deadma lang sa kanya ang magaling na TV host.",
"Patuloy ng aming source, “Lahat na lang kasi, e, pinapansin ni Female Personality A. Ang suot niyang damit, ang sapatos niya, parang binibili lang daw niya ‘yun sa kung saan-saan, kaya maraming kamukha!",
"“E, witty nga ang lola natin, di ba? Isa lang ang sagot niya, ‘Ang unggoy, damitan mo man ng ginto, e, unggoy pa rin!’ Nalokah ang pakialamerang babae! ‘Yun lang!” humahalakhak na pagtatapos ng aming impormante",
"Willie iwas magsalita",
"Hindi simple ang pagho-host nang dalawang oras araw-araw. ‘Yung siya na ang mismong host ay siya pa rin ang namamahala sa kung ano ang lalamanin ng kanyang show.",
"Hindi na nakapagtataka kung bakit namamaos si Willie Revillame nang madalas. Sa pakikipag-usap pa lang sa mga tinatawagan niyang kababayan natin para bigyan ng ayuda ay effort kung effort na ang pagsasalita niya.",
"Kailangan niyang magtaas ng boses para magkarinigan sila. Pagkatapos niyang mamigay ng tulong ay mikropono pa rin ang kanyang hawak, mga games naman sa kanyang show ang inaasikaso niya, mawawalan talaga ng boses si Willie.",
"“My gasgas na ang lalamunan ko,” pag-amin niya. “Kailangan ko raw ipahinga ang boses ko, iwasan ko raw munang magsalita. At kung nagho-host man ako, kailangang medya-medya lang ang pagsasalita ko dahil magagalgal na talaga ang lalamunan ko,” kuwento ni Willie.",
"Ikinuwento namin sa kanya na ang tanging solusyon ng mga singers kapag nawawalan ng boses ay sapat na tulog. Nakakatulog naman si Willie, hindi nga lang sapat, dahil pagdating sa kanyang bahay ay trabaho pa rin ang nasa kanyang utak.",
"Ganu’n siya ka-hands on sa kanyang programa, kailangang alam niya ang nangyayari sa kabuuan ng Wowowin-Tutok To Win, pinakaayaw niya ang pagsalang nang meron pala siyang kailangang gawin na hindi nasabi sa kanya ng writer bago nagsimula ang show.",
"Ayaw man niyang magpahinga ay kailangan niyang gawin, kumuha dapat siya ng mga co-hosts na makakatulong sa pagtatawid ng show, hindi ‘yung siya lang ang gumagawa ng lahat."
] | AbanteTonite | Entertainment | Entertainment | Binalikan ng aming mga impormante ang kontrobersiyang naganap nu’n sa pagitan ng dalawang pamosong babaeng personalidad ng mundo ng telebisyon. | [
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"TV host aso ang inasikaso kesa ang female personality"
] | 3 | Jun 29, 2021 | Abante Tonite | https://tonite.abante.com.ph/tv-host-aso-ang-inasikaso-kesa-ang-female-personality1/ | ||
Charo umariba sa ‘Himala’y Laganap’ | [
"NI: ROLDAN CASTRO",
"Napapanahon ang kanta ng Mrs. Universe Philippines na si Charo Laude na “Himala’y Laganap”. Nagsisilbing inspirasyon ang naturang tagalog Christmas Song under Alakdan Records.",
"Dream come true sa dating ‘That’s Entertainment’ member ang pagkakaroon ng single . Bata pa lang siya ay pangarap na niyang maging recording artist.",
"Ni-revive din niya ang kantang ‘Miss Kita Kung Christmas’.Available sa Spotify at Apple Music.",
"May mga bago rin siyang kanta sa darating na 2021. Mga original composition lahat.",
"Malaking factor ang pagiging produkto ng ‘That’s’ ni Charo dahil hanggang ngayon nagagamit niya ang mga natutunan niya sa pagkanta at pagsayaw sa naturang programa.",
"Ngayong hapon may madhouse Christmas concert sila ni Rannie Raymundo na gagawin sa Simons Supreme Resto Bar , Tomas Morato. Meron din sa Dec. 28 at 30.",
"Wish ni Charo ngayong Kapaskuhan na sana’y bumalik na tayo sa normal. Makayanan din natin ang mga pinagdadaanan sa gitna ng pandemya.",
"Abangan si Charo sa Biyernes, December 25, 7PM dahil guest siya sa ‘Walang Basagan ng Trip’. Mag-stream sa Abante Tonite Facebook page at Abante Radyo Tabloidista Facebook page."
] | AbanteTonite | Entertainment | Entertainment | NI: ROLDAN CASTRO | [
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Charo umariba sa ‘Himala’y Laganap’",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen"
] | 2 | Dec 21, 2020 | Abante Tonite | https://tonite.abante.com.ph/charo-umariba-sa-himalay-laganap/ | ||
177 PUPILS MAY UTI | [
"NAGSAGAWA ng dalawang linggong urine testing activity sa ilang lalawigan sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) ang Department of Health mula Hunyo 13-25.",
"Sakop ng pagsusuri ng mga ihi ang mga mag-aaral bilang bahagi ng adbokasiya ng DOH Calabarzon upang maiwasang magkaroon ng lifestyle-related diseases ang grade school students kaugnay sa Kidney Month celebration ngayong taon.",
"May kabuuang 500 mag-aaral sa elementarya ang nasuri mula sa mga piling eskuwelahan sa rehiyon, kabilang dito ang National Training School sa Tanay, Rizal; Carmona National High School sa Carmona, Cavite; Parang Elementary School sa Pagbilao, Quezon; Sta. Cruz Central Elementary School sa Sta., Cruz, Laguna; at San Agustin Elementary School sa Ibaan, Batangas.",
"Ayon kay Regional Non-Communicable Disease Control Cluster Head Dr. Marilou R. Espiritu, ang urine test ay mahalaga upang masuri at matingnan kung may mga sakit sa kidney, UTI, o may diabetes, high blood, o sakit sa atay ang isang tao.",
"“Ginawa itong activity upang maging aware ang mga bata sa mga sakit sa bato,” dagdag ni Dr. Espiritu.",
"“We need to conduct screening at an early age in order to provide treatment and prevent the onset of any chronic renal failure among our children,” ayon pa rito.",
"Sa pagsusuri ay kabuuang 177 school children ang nakitang mayroong UTI at nabigyan ng antibiotics.",
"Kadalasang sanhi ng UTI ay hindi pag-inom ng sapat na tubig, mas maraming softdrinks na naiinom at maaalat na pagkain.",
"Nasa ikapitong nangungunang sanhi ng kamatayan sa bansa ang sakit sa bato, ayon sa DOH. Sa bawat oras, isang Filipino ang nagkakaroon ng renal failure o pagkasira ng bato, o tinatayang 120 Filpinos sa bawat isang milyon sa kada taon."
] | PilipinoMirror | News | BALITA | NAGSAGAWA ng dalawang linggong urine testing activity sa ilang lalawigan sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) ang Department of Health mula Hunyo 13-25. | [
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"177 PUPILS MAY UTI"
] | 3 | July 1, 2019 | admin | https://pilipinomirror.com/177-pupils-may-uti/ | ||
Navy officer patay sa ambush sa Zamboanga City | [
"Patay ang isang opisyal ng Philippine Navy matapos na tambangan at pagbabarilin ng hindi pa kilalang riding in tandem na mga suspek kamakalawa ng gabi sa Zamboanga City.",
"Dead on arrival (DOA) sa Zamboanga City Medical Center (ZCMC) matapos magtamo ng mga tama ng bala sa ulo at dibdib ang biktimang nakilalang si Col. Nestor Tenorio Yapit, 53, residente ng Sangley Point, Cavite City at kasalukuyang nakadestino sa Provost Marshal ng Philippine Navy Western Mindanao Command.",
"Sa inisyal na ulat ng Zamboanga City Police Provincial Office, naganap ang insidente dakong alas 7:51 ng gabi sa kahabaan ng Veterans Road malapit sa Exit ng ZCMC.",
"Napagalaman na lulan kanyang Honda van ang biktima at tinatahak ang nabatid na kalsada ng sabayan umano ito ng mga armadong suspek lulan ng motorsiklo at malapitang pagbabarilin.",
"Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek habang sinubukan pang dalhin sa nabatid na pagamutan ang biktima subalit idineklara na itong DOA ng sumuring doktor.",
"Nakuha naman ng lugar ng insidente ang dalawang basyong bala at isang slug na hindi pumutok mula sa kalibre .45 baril.",
"Ayon sa Zamboanga City PPO, isa sa tinitignan nilang anggulo sa pamamaslang ay personal na alitan subalit patuloy ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa pamamaslang."
] | AbanteTNT | News | News | Patay ang isang opisyal ng Philippine Navy matapos na tambangan at pagbabarilin ng hindi pa kilalang riding in tandem na mga suspek kamakalawa ng gabi sa Zamboanga City. | [
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Navy officer patay sa ambush sa Zamboanga City",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX"
] | 1 | May 13, 2019 @ 10:49 | Edwin Balasa | https://tnt.abante.com.ph/navy-officer-patay-sa-ambush-sa-zamboanga-city/ | ||
2 kidnapper na nagtago nang halos 4 na taon, timbog sa Pasay | [
"Sa kulungan ang bagsak ng dalawang kidnapper na nagtago nang halos 4 na taon sa Pasay City matapos dakpin ang isang Indian national.",
"Ayon sa ulat, unang naaresto ng mga awtoridad si Arnold Vargas.",
"Nang makorner, itinuro ni Vargas ang kinaroroonan ng kasabwat niyang si Vergel Miranda Tugapa.",
"Anang pulis, sangkot ang dalawa sa krimeng kindap for ransom taong 2017.",
"“Itinuro niya ang kinaroroonan nitong si Vergel Miranda Tagupa at na-account na po natin ang mga on-the-loose sa kidnappers na kumidnap dito kay Anial Kumar Sohal noong August 13, 2017. Kung matatandaan po natin noong August 16 nagkaroon po ng pay-off wherein ibinigay ng pamilya Suhal ‘yung P935,000 dito po sa Southwoods Exit, South Luzon Expressway (SLEX),” kuwento ni Police Major Ronaldo Lumactod, tagapagsalita ng PNP-Anti-Kidnapping Group sa GMA News."
] | AbanteTNT | Crime | Crime | Sa kulungan ang bagsak ng dalawang kidnapper na nagtago nang halos 4 na taon sa Pasay City matapos dakpin ang isang Indian national. | [
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"2 kidnapper na nagtago nang halos 4 na taon, timbog sa Pasay"
] | 3 | Feb 11, 2021 @ 17:10 | VAPA | https://tnt.abante.com.ph/2-kidnapper-na-nagtago-nang-halos-4-na-taon-timbog-sa-pasay/ | ||
Meralco taas-singil sa October bill | [
"Inanunsyo ng Manila Electric Co. (Meralco) nitong Biyernes ang pagtaas ng power rates nila para sa buwan ng Oktubre.",
"Ayon sa Meralco, magtataas sila ng singil na P0.1212 kada kilowatt-hour (kWh) ngayong buwan.",
"“This is equivalent to an increase of around P24 in the total bill of residential customers consuming 200 kWh,” saad ng power distributor.",
"“The net rate reduction since the start of the year is still well over one peso per kilowatt hour,” dagdag nito.",
"Ang dagdag singil ay dahil umano sa mataas na generation charge dulot ng “tighter supply condition” sa Luzon grid."
] | AbanteTNT | News | News | Inanunsyo ng Manila Electric Co. (Meralco) nitong Biyernes ang pagtaas ng power rates nila para sa buwan ng Oktubre. | [
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Meralco taas-singil sa October bill",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen"
] | 2 | Oct 9, 2020 @ 16:12 | IS | https://tnt.abante.com.ph/meralco-taas-singil-sa-october-bill1/ | ||
Counter-punching, pinalalakas ni Pacman | [
"Balik sa pagsasanay si ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao matapos ang magarbo nitong 40th birthday celebration noong Lunes.",
"Nagsimula na ulit magsanay si eight-division champ Pacquiao para sa nalalapit nitong bakbakan kontra American boxer Adrien ‘The Problem’ Broner sa susunod na buwan.",
"Sumabak sa eight-round sparring session ang fighting senator kasama ang kanyang dalawang sparring partners para patunayan na kaya pang lumaban at bumatak.",
"Sa panayam ng ‘Unang Hirit’, sinabi ng head trainer ni Pacquiao na si Buboy Fernandez na patuloy pa nitong hinahasa ang kanyang counter-punching pero hindi pa rin aniya nawawala ang bilis at liksi nito.",
"Matatandaan na una nang sinabi ni ‘The Pacman’ na mas naging malakas at mabilis siya ngayon kahit na 40-anyos na siya.",
"“I feel stronger and faster, and by God’s grace I am wiser at 40, feeling 25,” ani Pacquiao."
] | AbanteTNT | Sports | Sports | Balik sa pagsasanay si ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao matapos ang magarbo nitong 40th birthday celebration noong Lunes. | [
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Counter-punching, pinalalakas ni Pacman"
] | 3 | Dec 20, 2018 @ 19:35 | Fergus E. Josue Jr. | https://tnt.abante.com.ph/counter-punching-pinalalakas-ni-pacman/ | ||
Convoy ni Pemberton patungo na sa NAIA | [
"Lumabas na sa Camp Aguinaldo ang puting van na pinaniniwalaang maghahatid kay American convicted killer Joseph Scott Pemberton sa kanyang deportasyon.",
"Napaulat na ang convoy ay patungo na sa Ninoy Aquino International Airport ngayong Linggo ng umaga, Setyembre 13.",
"Ngayong araw inaasahang lumipad papuntang Estados Unidos si Pemberton na ginawaran ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte.",
"Si Pemberton ang ang sundalong Kano na pumatay kay Filipino transgender woman Jennifer Laude noong 2014.",
"Sinentensiyahan siyang makulong nang hanggang 10 taon pero pinagdesisyunan ng korte sa Olongapo na pwede na itong makalaya dahil sa good conduct time allowance.",
"Pinalagan ito ng pamilya Laude at naghain ng motion for reconsideration, ngunit hindi rin napigilan ang paglaya ng Kano matapos bigyang-pardon ni Duterte."
] | AbanteTNT | News | News | Lumabas na sa Camp Aguinaldo ang puting van na pinaniniwalaang maghahatid kay American convicted killer Joseph Scott Pemberton sa kanyang deportasyon. | [
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Convoy ni Pemberton patungo na sa NAIA",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen"
] | 1 | Sep 13, 2020 @ 9:01 | SDC | https://tnt.abante.com.ph/convoy-ni-pemberton-patungo-na-sa-naia/ | ||
Globe nakikiisa sa pandaigdigan at pambansang pagdiriwang ng mental health | [
"Nagdulot ng malaking epekto sa mental health ng mga tao ang COVID-19. Kaya habang ipinagdiriwang ng Pilipinas at ng mundo ang mental health sa buwan ng Oktubre, ipinapakita ng Globe sa mga Pilipino na hindi sila nag-iisa sa laban na ito.",
"“Gaya ng pag-aalaga natin sa ating katawan, kailangan din nating alagaan ang ating emotional well-being. Sinisikap naming abutin ang mas maraming Pilipino para ipaalala sa kanila na may mga plataporma na maaari nilang gamitin sa oras ng pangangailangan,” pahayag ni Yoly Crisanto, Globe Chief Sustainability Officer at SVP for Corporate Communications.",
"Sa tulong ng #PlantHappinessPH mental health campaign, hinikayat ng Globe ang lahat na hanapin ang saya sa mga simpleng bagay. Sa ngayon, nakatanggap na ang kampanya ng higit sa 1,400 videos at nagkaroon na ng 264.9 M views sa TikTok.",
"Gamit ang musical score na “Better Days 2.0” ni Quest, inilagay ng #PlantHappinessPH ang spotlight sa pagsasayaw at pagtatanim para mabawasan ang stress at anxiety. Sinikap nitong ipalaganap ang tuwa at saya para isulong ang pag-asa, gaano man kahirap ang buhay.",
"Nakibahagi rin ang Globe sa “Light Up Blue for Mental Health!” ng National Mental Health Week at Philippine Mental Health Association sa pamamagitan ng pagsindi ng lobby chandelier sa corporate headquarters ng Globe. Ipinaalala nito sa mga tao na hindi sila nag-iisa sa kanilang mental health journey sapagkat sa bawat sulok ng mundo ay mga kwento ng pag-asa.",
"Samantala, inimbita ng KonsultaMD ang ilan sa mga pinakasikat na artista sa bansa para sa isang concert na pinamagatang “Be Kind to Your Mind” noong Oktubre 9. Ito ay bahagi ng campaign ng KonsultaMD para ipalaganap ang kamalayan tungkol sa kahalagahan ng mental health.",
"Bahagi rin ng campaign ang promo kung saan ang mga customers ay maaaring makakuha ng libreng health plan for one month na may 24/7 unlimited access sa mga doktor ng KonsultaMD hanggang Oktubre 31. Para ma-avail ang promo, i-download ang KonsultaMD app at gamitin ang voucher code BEKINDTOYOURMIND.",
"Nakikipag-ugnayan din ang Globe sa maraming organisasyon para hikayatin ang mga taong dumaranas ng mga mental health issues na humingi ng tulong. Kabilang dito ang HOPELINE na nag-aalok ng libreng suporta 24/7 sa pamamagitan ng 2919 (toll-free para sa lahat ng Globe at TM subscribers), (02) 804-HOPE (4673), o 0917 558 HOPE (4673).",
"Ang HOPELINE ay makikita rin sa app ng telehealth service integrator na HealthNow. Ang mga subscribers ng Globe at TM ay maaaring agad na tumawag sa HOPELINE nang LIBRE anumang oras na gusto nila.",
"Ang World Mental Health Day ay isang proyekto ng World Health Organization. Ito ay ipinagdiriwang tuwing Oktubre 10 para isulong ang kamalayan sa mga isyu tungkol sa mental health sa buong mundo.",
"Sinusuportahan ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals, partikular ang UN SDG No. 3, sa pagbibigay ng mabuting kalusugan at kagalingan, at SDG No. 9 na nagha-highlight sa mga tungkulin ng imprastraktura at innovation bilang mahalagang mga driver ng paglago at pag-unlad ng ekonomiya. Nakatuon ang Globe na itaguyod ang mga prinsipyo ng United Nations Global Compact at mag-ambag sa 10 UN SDGs.",
"Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Globe, bisitahin ang www.globe.com.ph/about-us/sustainability.html."
] | Abante | Other | Brand News | Nagdulot ng malaking epekto sa mental health ng mga tao ang COVID-19. Kaya habang ipinagdiriwang ng Pilipinas at ng mundo ang mental health sa buwan ng Oktubre, ipinapakita ng Globe sa mga Pilipino na hindi sila nag-iisa sa laban na ito. | [
"Globe nakikiisa sa pandaigdigan at pambansang pagdiriwang ng mental health",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"FESSAP pinuri ni Duterte"
] | 0 | Oct 26, 2021 | Abante News | https://www.abante.com.ph/globe-nakikiisa-sa-pandaigdigan-at-pambansang-pagdiriwang-ng-mental-health3/ | ||
3 Miss Universe sasalang bilang Miss U PH host | [
"Sa host pa lang ng gaganaping Miss Universe Philippines pageant sa Abril ay matinding pasabog na matapos ianunsyo na tatlong dating Miss Universe title holder ang magsisilbing host ng naturang event.",
"Ang tatlo ay sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Universe 2016 Iris Mittenaere at Miss Universe 2017 Demi-Leigh Tebow.",
"Si Mittenaere ay tubong France habang mula naman sa South Africa si Tebow.",
"Ang Miss Universe Philippines pageant ay gaganapin sa Abril 30 sa Mall of Asia Arena.",
"Dito ay hahanapin ang magiging susunod na pambato ng Pilipinas sa Miss Universe at iba pang mga international pageant. (MJD)"
] | AbanteTNT | Entertainment | Showbiz | Sa host pa lang ng gaganaping Miss Universe Philippines pageant sa Abril ay matinding pasabog na matapos ianunsyo na tatlong dating Miss Universe title holder ang magsisilbing host ng naturang event. | [
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"3 Miss Universe sasalang bilang Miss U PH host",
"FESSAP pinuri ni Duterte"
] | 2 | Mar 26, 2022 @ 16:17 | null | https://tnt.abante.com.ph/3-miss-universe-sasalang-bilang-miss-u-ph-host/ | ||
77 ospital sa Ilocos Region, nireklamo sa anti-hospital deposit detention law | [
"Nasa 77 na ospital ngayon ng Region 1 ang iniimbestigahan ng Department of Health (DOH) dahil umano sa paglabag sa anti-hospital deposit detention law.",
"Ayon kay DOH assistant secretary Charade Marcado Grande, ng health regulation team, karamihan sa mga nasabing ospital ay nasampahan na ng kaso sa nakaraang taon.",
"“We are aiming to solve these cases within six months upon filing complaint,” ani Grande.",
"“Under Republic Act 10932, otherwise known as the anti-hospital deposit law, advance and/or deposit payments are strictly prohibited for patients who are treated or confined due to emergency and other serious cases,” dagdag pa ni Grande.",
"Sinabi ng DOH, kasama sa mga reklamo ay hindi pag-issue ng medical service dahil sa paunang bayad na maaaring ikamatay ng pasyente.",
"“RA 9439, or the anti-hospital detention law, prohibits the detention of a patient –either well or dead– who either failed to pay in advance or entirely pay his medical bills and expenses,” ani ng DOH assistant secretary.",
"Aniya, sa naturang batas, ang pasyente ay pinapagang ma-release sa ospital o medical clinic sa pamamagitan ng promissory note.",
"“The promissory note may be in (the) form of mortgage or a co-maker guarantee, to which they could also be liable if the patient neglects his obligation,” ani Grande.",
"Klinaro ng DOH ang nasabing batas ay hindi naa-apply sa pasyente na gumagamit ng private room.",
"Pinayuhan din ni Grande na huwag gamitin ng publiko ang bumibili ng gamot na online dahil hindi ito nakakasiguro sa kaligtasan nga mga online shops lalu hindi ito naka registro sa Food and Drugs Administration (FDA).",
"“If we found out that there were violations, we will make a report,” ani Grande."
] | AbanteTNT | News | News | Nasa 77 na ospital ngayon ng Region 1 ang iniimbestigahan ng Department of Health (DOH) dahil umano sa paglabag sa anti-hospital deposit detention law. | [
"77 ospital sa Ilocos Region, nireklamo sa anti-hospital deposit detention law",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX"
] | 0 | Dec 7, 2019 @ 13:00 | null | https://tnt.abante.com.ph/77-ospital-sa-ilocos-region-nireklamo-sa-anti-hospital-deposit-detention-law/ | ||
7 DRUG PUSHER, 6 PA HULI SA DOUBLE BARREL RELOADED | [
"BULACAN – 13 KATAO kabilang ang pitong sangkot sa droga ang nadakip ng Bulacan PNP sa serye ng buy bust operation at police response sa iba’t ibang kaso kaugnay ng mas pinaigting pang Project Double Barrel Reloaded.",
"Base sa report ni P/Col. Chito Bersaluna, Bulacan police director, Bulacan, pitong sangkot sa droga ang nasakote sa i anti-illegal drug operations ng Drug Enforcement Unit(DEU)sa mga bayan Marilao, Pulilan at San Miguel.",
"Ayon kay P/Major Avelino Protacio, Pulilan police chief, umabot sa kabuuang 11 pakete ng shabu,drug paraphernalias at marked money ang narekober ng pulisya sa mga buy-bust operation sa bayan ng Pulilan at Marilao at nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165.",
"Samantala,anim na iba pang suspek ang nadakip ng pulisya sa mga police response sa mga bayan ng Hagonoy,,Sta.Maria at San Jose del Monte City dahil sa mga kasong robbey at Qualified theft.",
"Nabatid na mas pinalakas pa ngayon ng Bulacan PNP ang Project Double Barrell Reloaded na nakatutok sa illegal drugs at sa lahat ng uri ng kriminalidad sa lalawigan bunsod ng direktiba ni P/Brig.Gen.Rhodel Sermonia,regional director ng Police Regional Office 3,MARIVIC RAGUDOS"
] | PilipinoMirror | News | BALITA | BULACAN – 13 KATAO kabilang ang pitong sangkot sa droga ang nadakip ng Bulacan PNP sa serye ng buy bust operation at police response sa iba’t ibang kaso kaugnay ng mas pinaigting pang Project Double Barrel Reloaded. | [
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"7 DRUG PUSHER, 6 PA HULI SA DOUBLE BARREL RELOADED",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen"
] | 1 | November 12, 2019 | admin | https://pilipinomirror.com/7-drug-pusher-6-pa-huli-sa-double-barrel-reloaded/ | ||
Intel officer umano ng Maute dakma sa Batangas | [
"Nalambat ng mga awtoridad ang isa umanong miyembro ng Maute group na nagbabalatkayong negosyante sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga cellphone accessories sa Batangas City public market.",
"Kinilala ng Police Regional Office (PRO) 4A ang naaresto na si Jafar Dia Abdul Nazer, tubong Lanao del Sur at siya umanong intelligence officer ng Dawlah Islamiyah Lanao/Maute group na kumikilos sa Calanugas-Pagayawan-Malabang area sa lalawigan ng Lanao Del sur.",
"Ayon sa ulat ng PRO4A, si Abdul Nazer na may mga alyas na “Muhajir,” “Muhasjir” at “Diya” ay naaresto ng magkasamang mga operatiba ng Philiipine National Police at Armed Forces of the Philippines (AFP) malapit sa kanyang tahanan sa Barangay 24, Batangas City alas-siyete ng gabi, Setyembre 27, 2019.",
"Nakuha umano rito ang nasa kalahating libra ng TNT high explosive at isang M67 na granada.",
"Ayon kay Brigadier General Edward Carranza, Calabarzon police regional director, unang sinailalim sa surveillance ang suspek matapos makatanggap ng ulat ang AFP hinggil sa isang nagngangalang Muhajir na may-ari ng cellphone accessories shop sa Batangas public market na nag-iingat umano ng mga pampasabog at granada sa kanyang tahanan.",
"Naging madulas din ang suspek na nagpapalipat-lipat sa mga stalls hanggang sa matiyempuhan ito ng mga awtoridad habang papasakay sa motorsiklo at paalis sa kanyang tahanan.",
"Natuklasan din na konektado umano ito sa dating lider ng Maute na si Abu Dar na napaslang kamakalailan, at sa pumalit dito na si Abu Zacaria na siyang kasalukuyang tumatayong lider ng grupo.",
"Ayon pa sa pulisya, dahil sa pagkakaaresto sa suspek ay napigilan ang posibleng “terorrist attack” na maaaring ilunsad ng grupo sa rehiyon at sa mga karatig-lugar."
] | AbanteTNT | Crime | Crime | Nalambat ng mga awtoridad ang isa umanong miyembro ng Maute group na nagbabalatkayong negosyante sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga cellphone accessories sa Batangas City public market. | [
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Intel officer umano ng Maute dakma sa Batangas"
] | 3 | Sep 30, 2019 @ 15:14 | null | https://tnt.abante.com.ph/intel-officer-umano-ng-maute-dakma-sa-batangas/ | ||
Noli de Castro nagpatutsada sa nag-ober da bakod na Kapamilya | [
"Forever na magiging Kapamilya ang beteranong journalist na si “Kabayan” Noli de Castro.",
"Kinumpirma niya sa Teleradyo nitong Miyerkoles na wala siyang plano na lumipat sa ibang network.",
"Tugon ito ng dati ring Bise Presidente sa sulat ng isang fan sa kanya na humiling na huwag siyang aalis sa “TV Patrol”.",
"“Ako po ang tunay na Kapamilya forever,” sagot ni De Castro sa sulat.",
"“Nagsimula ako dito nang magsimula ang ABS-CBN after ng martial law. Oh, martial law na naman at nandito pa ako — ay ‘di pala martial law ‘yun,” biro pa niya.",
"Paninindigan daw niya ang pagiging Kapamilya forever hindi tulad ng iba na nagdesisyon na mag-ober da bakod sa ibang network matapos pagkaitan ng prangkisa ang ABS-CBN.",
"“Ako totoo ang sinasabi ko kaya Kapamilya forever. Iyong iba eh nagsasabi hindi naman pala forever. Wala naman forever kasi,” sambit niya.",
"Kabilang sa mga kilalang personalidad sa ABS-CBN na lumipat na ng network sina Pokwang, Jessy Mendiola, Ted Failon, Anthony Taberna at Gerry Baja. (IS)"
] | AbanteTNT | News | News | Forever na magiging Kapamilya ang beteranong journalist na si “Kabayan” Noli de Castro. | [
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Noli de Castro nagpatutsada sa nag-ober da bakod na Kapamilya",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"FESSAP pinuri ni Duterte"
] | 1 | Sep 23, 2020 @ 18:30 | IS | https://tnt.abante.com.ph/noli-de-castro-nagpatutsada-sa-nag-ober-da-bakod-na-kapamilya/ | ||
5 person of interest sa Dacera case negatibo sa drug test, naghain ng supplemental motion | [
"Negatibo sa drug test ang limang respondent sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera noong Bagong Taon.",
"Kinilala ang mga nagsumite ng negatibong resulta ng drug test na sila Clark Rapinan, Rommel Galido, Valentine Rosales, Gregorio De Guzman, at JP Dela Serna.",
"Ayon sa ulat, nagtungo ang limang kalalakihan sa Makati City Prosecutor’s Office upang maghain ng supplemental motion para ipa-subpoena ang mga resulta ng mga eksaminasyong ginawa ng Philippine National Police (PNP).",
"“Included in the motion are the results of the drug test on test on the respondents. We also request for the issuance of a subpoena to compel the PNP to release or to submit the results of the laboratory examination, DNA examination, histopathological examination conducted on relative to this case. We expect this to help in the early resolution of this case,” ayon sa abogado nilang si Mike Santiago.",
"Kanina lamang nang matapos ang forensic exam na isinagawa ng National Bureau of Investigation sa katawan ni Dacera ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.",
"“The NBI has completed its forensic examination of tissues obtained from the subject’s remains. It is currently coordinating with the Makati Medical Center on related issues,” wika niya."
] | AbanteTNT | News | News | Negatibo sa drug test ang limang respondent sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera noong Bagong Taon. | [
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"5 person of interest sa Dacera case negatibo sa drug test, naghain ng supplemental motion",
"FESSAP pinuri ni Duterte"
] | 2 | Jan 18, 2021 @ 19:15 | VAPA | https://tnt.abante.com.ph/5-person-of-interest-sa-dacera-case-negatibo-sa-drug-test-naghain-ng-supplemental-motion/ | ||
Robin nagpapakalat ng fake news – Pia Magalona | [
"Pinitik ng biyuda ni Master Rapper Francis Magalona ang action star na si Robin Padilla.",
"Ani Pia sa kanyang tweet, nagpapakalat daw si Binoe ng maling impormasyon kaugnay sa nangyaring pagsabog sa Beirut, Lebanon.",
"Sinabi raw kasi ng aktor na isang terrorist act ang naganap pero mismong Lebanon government na raw ang nagsalita na isa iyong aksidenteng pagsabog.",
"“Robin Padilla is spreading false information re the Beirut explosion—claiming it’s a terrorist act, when Lebanon says it was an accidental explosion—and his source is Trump. Double whammy,” sey ni Pia."
] | AbanteTNT | Other | TNT Radar | Pinitik ng biyuda ni Master Rapper Francis Magalona ang action star na si Robin Padilla. | [
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Robin nagpapakalat ng fake news – Pia Magalona",
"FESSAP pinuri ni Duterte"
] | 2 | Aug 8, 2020 @ 15:30 | IS | https://tnt.abante.com.ph/robin-nagpapakalat-ng-fake-news-pia-magalona/ | ||
JO BERRY MASAYA SA PAGSIPA NG RATING NG ‘ONANAY’ | [
"SINO pa nga ang napakasaya nang malamang niyang na-extend muli ang kanilang top-rating familydrama series na “Onanay” kundi ang title roler na si Onay, si Jo Berry.",
"“Masayang-masaya po ako nang malaman naming tumaas ang rating ng aming serye,” sabi ni Jo nang bumisita kami sa set nila sa Barangay Mariana Hall sa Quezon City. “Alam ko pong nagugustuhan ng netizens ang itinatakbo ng story namin, lalo na ngayon nalaman nang anak ko talaga si Natalie, na siya si Rosemarie, ang panganay kong anak. Alam po ng mga manonood na ipinaglaban ko talaga ang anak ko, kahit na anong mga pahirap ang pinagdaanan ko sa kamay ni Helena (Cherie Gil), kami ng bunso kong anak na si Maila (Mikee Quintos). Kaya, it’s my turn naman na pahirapan ko naman si Helena. Naipakulong na namin siya at hintayin na lamang natin kung may magagawa pa ba siya sa akin. Ang problema ko na lamang kung paano ko mapapaniwala si Natalie na anak ko siya talaga.”",
"Biniro namin si Jo na siguro ay masaya rin ang kanyang Christmas at New Year.",
"“Ay opo, masaya talaga ang Christmas at New Year ko, kami ng family ko. Ito po ang happiest, kasi nakapag-ambag na ako ng malaki-laki sa han-daan namin. Kaya labis-labis po ang pasasalamat ko sa GMA. Ang pasasalamat ko rin na nakasama ang dalawang mahuhusay na artista, si Nanay Nora (Aunor) at si Tita Cherie (Gil). Salamat din sa mga fans na kapag nakikita nila ako, ‘Onay’ ang tawag nila sa akin, hindi na Jo.",
"KATE VALDEZ ‘DI INAKALANG MAGTATAGAL SA SERYE",
"MAY revelation namin si Kate Valdez tungkol sa pagiging mataray ng character niya as Natalie. Madalas ang away nina Natalie/ Rosemarie at Mikee as Maila. Ano ang naramdaman ni Kate na tuloy-tuloy pa rin ang story ni Natalie/Rosemarie?",
"“Hindi ko po in-expect na tatagal pa ang character ko kasi madalas akong ma-bash ng netizens dahil sa masama kong ugali laban sa nanay ko at sa sister ko. Ang totoo po, nahihirapan ako sa character ko dahil hindi naman ako ganoon sa totoong buhay. Iniiyakan ko po ang eksenang ginawa ko pagkatapos. Kaya thankful po ako kay Nanay Gina (Alajar) at Miss Ann Villegas, ang acting coach namin. Off camera po super ok kami ni Mikee, never kami nagkatampuhan kahit kung minsan, ay nagkakasakitan kami sa eksena. That’s part of our work.”",
"At 18, wala pang boyfriend si Kate, bakit?",
"“Hindi ko po puwedeng pagsabayin ang lovelife at career. Mas focus po ako sa career kaysa mag-boyfriend.”",
"Inamin naman ni Kate na inili-link siya kay Bruno Gabriel pero ang na-excite siya nang malaman niyang gusto siyang maka-work ng bagong Kapuso actor na si Manolo Pedrosa. Gusto rin daw niyang ma-meet at mabigyan ng chance na makatrabaho si Manolo.",
"Sa ngayon ang hinihintay pa rin sa “Onanay” paano matatanggap ni Natalie na si Onay ang tunay niyang ina at hindi si Helena na lola niya?",
"Napapanood ang “Onanay” gabi-gabi pagkatapos ng “Cain at Abel.”"
] | PilipinoMirror | News | BALITA | SINO pa nga ang napakasaya nang malamang niyang na-extend muli ang kanilang top-rating familydrama series na “Onanay” kundi ang title roler na si Onay, si Jo Berry. | [
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"JO BERRY MASAYA SA PAGSIPA NG RATING NG ‘ONANAY’"
] | 3 | January 20, 2019 | admin | https://pilipinomirror.com/jo-berry-masaya-sa-pagsipa-ng-rating-ng-onanay/ | ||
EX-DSWD SEC DINKY SOLIMAN PUMANAW NA | [
"PUMANAW sa edad 68 ang dating kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na si Corazon “Dinky” Soliman bunsod ng renal and heart failure.",
"Ang kanyang esposo na si public interest lawyer Hector Soliman ang nagkumpirma ng pagpanaw ng dating kalihim dakong 7:32 ng umaga, Setyembre 19.",
"“We pray for the eternal repose of her soul, we will share details for the wake later, and ask that the family be given some time and privacy for grieving,” ayon kay Atty. Soliman.",
"Huling nakita ng publiko si Dinky sa burol ni dating Pangulong Noynoy Aquino noong Hunyo.",
"Nagsilbi si Dinky bilang DSWD secretary sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2001subalit nagbitiw noong 2005.",
"Naging bahagi siya ng Hyatt 10 na kritiko ng Arroyo administration, inakusahan ang umano’y dayaan sa 2004 Presidential election gayundin ang pagkondena sa Hello Garci scandal noong 2005."
] | PilipinoMirror | News | BALITA | PUMANAW sa edad 68 ang dating kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na si Corazon “Dinky” Soliman bunsod ng renal and heart failure. | [
"EX-DSWD SEC DINKY SOLIMAN PUMANAW NA",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX"
] | 0 | September 19, 2021 | Admin | https://pilipinomirror.com/ex-dswd-sec-dinky-soliman-pumanaw-na/ | ||
Regalong singsing ni Kobe sa tatay papalo ng P12.5M | [
"PATOK ngayon sa auction house ang 14k gold & diamond championship ring ni yumaong NBA star Kobe Bryant na iniregalo niya sa kanyang ama.",
"Ang nasabing singsing ay nasungkit ni Kobe sa championship title nito noong 1999-2020 NBA season.",
"Dahil sa pagmamahal sa magulang, nagpagawa ito ng dalawang ekstrang championship ring para ibigay sa kanyang tatay at nanay na sina Joe at Pamela.",
"Magugunitang ang isang pares ng singsing ay nabenta na sa halagang $206K o P10.3M.",
"Ang natitirang pares ng gold and diamond ring ay pumapatak naman sa $250K o P12.5M.",
"Sa ngayon ay hawak ng Goldin Auction ang ipapasubastang memorabilyang singsing at wala pang anunsiyo kung kailan sisimulan ang bidding. (Aivan Episcope)"
] | AbanteTNT | Sports | Sports | PATOK ngayon sa auction house ang 14k gold & diamond championship ring ni yumaong NBA star Kobe Bryant na iniregalo niya sa kanyang ama. | [
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Regalong singsing ni Kobe sa tatay papalo ng P12.5M",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX"
] | 2 | Jun 22, 2020 @ 12:13 | null | https://tnt.abante.com.ph/regalong-singsing-ni-kobe-sa-tatay-papalo-ng-p12-5m/ | ||
Tenorio balik-PBA pabertdey sa sarili | [
"ISINELEBRA ng tinagurianag ‘Iron Man’ ng Philippine Basketball Association (PBA) na si Lewis Alfred “LA” Tenorio ang kanyang ika-37 taong kaarawan kasabay ng balitang pinayagan nang magbukas ang ika-46 season ng PBA.",
"“Perfect birthday gift,” post ni Tenorio sa kanyang kaarawan na Hulyo 9 kung saan kasama nitong inilagay ang teaser at commercial ng nalalapit na pagbubukas ng ika-46 taon ng liga.",
"“Celebrated my birthday with the most important and special people in my life.. My Family!️ I Love you guys so much! @chesca_bt #TenorioFamily,” post pa ni Tenorio sa Instagram. “To all who greeted me on my special day, i just want to say THANK YOU FROM THE BOTTOM OF MY HEART! Love you all!! Stay safe everyone!!” sey ni Tenorio.",
"Hindi din nakalimustan ni Tenorio ang kanyang mga kakampi sa Gin Kings kung saan binati din nito ang kakampi na si Christan Standhardinger na unang nagselebra din ng kaarawan noong Hulyo 4.",
"Ikinatuwa naman ni Tenorio ang nakatakdang pagbubukas ng PBA sa Hulyo 17 sa Pasig Sports Center kahit na hindi makakapasok ang libong tagasunod ng liga at mga die-hard ng Ginebra.",
"“Can’t wait to get back on the court again,” sabi ni Tenorio.",
"“Nakakamiss maglaro ng basketball para sa sa libo libong fans ng inyong Barangay Ginebra,” sabi pa nito. (Lito Oredo)"
] | AbanteTonite | Sports | Sports | ISINELEBRA ng tinagurianag ‘Iron Man’ ng Philippine Basketball Association (PBA) na si Lewis Alfred “LA” Tenorio ang kanyang ika-37 taong kaarawan kasabay ng balitang pinayagan nang magbukas ang ika-46 season ng PBA. | [
"Tenorio balik-PBA pabertdey sa sarili",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX"
] | 0 | Jul 10, 2021 | Abante Tonite | https://tonite.abante.com.ph/tenorio-balik-pba-pabertdey-sa-sarili/ | ||
MARIAN RIVERA ITINANGGING NAMBA-BASH ANG DONGYANATICS KAY JENNYLYN MERCADO | [
"MARIAN Rivera has made it clear that it was not the DongYanatic fans who wereresponsible in bashing Jennylyn Mercado when she was chosen as the leading lady of Dingdong Dantes at the Pinoy adaptation of Descendants of the Sun (DOTS).",
"Prior to Jennylyn’s announcement that she would be the one to delineate the role of Dr. Maxine dela Cruz, Dingdong was able to mention it to Marian in passing that the Kapuso Ultimate Star was the one who bagged the role.",
"“Bagay naman si Jen dun, e. Saka ang dami nang nagawa ni Jen na mga Kore-Korean, e,” good-naturedly said Marian.",
"Typically, may ilang nag-nega dahil mas feel nilang si Marian ang gumanap na female lead sa DOTS. Pero tinitiyak ni Marian na hindi ito fans nila ni Dingdong.",
"“Hindi ako naniniwala na sinasabi iyan ng mga maka-DongYan. Kasi, ang maka-DongYan, hindi makikitid ang utak.",
"“Kung sino ang partner namin, alam namin na 100 percent ang suporta nila,” explained the Kapuso actress.",
"Probably by next year, she might be doing a teleserye. But she would be very careful accepting projects.",
"In the meantime, okay na raw sa kanya ang weekly shows niyang Tadhana at Sunday PinaSaya, na babalikan na niya sa darating na Linggo, October 13.",
"DAWN CHANG PINARINGGAN ANG DATING KAGRUPONG GT",
"SA biruan nina Vice Ganda at Dawn Chang sa episode ng It’s Showtime kamakailan,sa segment ng dance contest na “Sampu-Sample,” Vice kidded Dawn when she gave her comment as one of the judges of the show.",
"Pabirong may laman ni Vice, ang galing daw sumayaw ni Dawn kaya iniwan nito ‘yung GirlTrends.",
"Dagdag-biro pa niya, kung hindi raw umalis sa grupo si Dawn, ‘di nag-trending rin sana ito.",
"Bahagi naman ng komento ni Dawn sa mga contestant, “I can see the technique is there, gustong-gusto ko ‘yun.",
"“Kasi ang pagsasayaw, hindi lang puro hataw, kailangan may technique. Hindi tayo puro awra, ‘di ba?”",
"Sumundot na naman si Vice na pinariringgan daw ni Dawn ang GirlTrends.",
"Dagdag pa ni Dawn sa mga contestant, “Gusto ko ‘yung pinag-aaralan niyo lahat ng klase ng sayaw.",
"“Kasi pag-performer ka, kailangan marami kang alam.",
"“Mayroon kang forte, pero importante marami kang alam.”",
"At this point, hiniling ni Vice kay Dawn na isayaw ang dance steps na isinayaw ng GT na naging kontrobersiyal.",
"Dawn gamely obliged.",
"Hirit ni Vice pagkatapos, “Ganoon lang kadali, bakit hindi pa nagawa ng GirlTrends ‘yun? Ganyan… ‘di puro awra.”",
"Naging makahulugan din ang sinabi ni Dawn nang tuksuhin siya ng kanyang mga kasamahan sa online segment ng noontime show, ang Show-time Online.",
"“Dapat kasi nagri-rehearse, ‘yung eye for detail, dapat ganoon… “Ayokong mag-trending. I don’t wanna trend for the wrong reasons.”",
"Looking back, na-bash ang GT dahil sa kanilang hindi synchronized way of dancing sa noontime show last August 14, 2019.",
"Magulo, watak-watak, at hindi sabay-sabay, ang ilan sa mga banat ng netizens sa grupo na nag-trending nga.",
"Ang paliwanag naman ng mga miyembro ay puyat raw sila at pagod noon kaya tsaka ang kanilang naging performance.",
"Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.",
"And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!"
] | PilipinoMirror | News | BALITA | MARIAN Rivera has made it clear that it was not the DongYanatic fans who wereresponsible in bashing Jennylyn Mercado when she was chosen as the leading lady of Dingdong Dantes at the Pinoy adaptation of Descendants of the Sun (DOTS). | [
"MARIAN RIVERA ITINANGGING NAMBA-BASH ANG DONGYANATICS KAY JENNYLYN MERCADO",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX"
] | 0 | October 11, 2019 | admin | https://pilipinomirror.com/marian-rivera-itinangging-namba-bash-ang-dongyanatics-kay-jennylyn-mercado/ | ||
Taguig patungo na sa ‘new normal’ | [
"Nakatuon na ang Taguig City government sa “new normal” matapos makapagtala ng may pinakamababang bilang ng active case ng coronavirus sa National Capital Region.",
"“The city believes that the enforcement of health protocols in commercial areas and offices is now the key area we need to focus on,” sambit ni Mayor Lino Cayetano sa isang pahayag.",
"Ayon sa city government, mayroon na lamang na 19 active COVID-19 case per 100,000 population ang Taguig, pinakamababa sa Metro Manila.",
"Maliban sa Taguig, sinabi ng city government, na kabilang sa mga lungsod na may mababang active case o iyong ginagamot sa virus, ang Muntinlupa (33), Parañaque (33), Caloocan (36) at Las Piñas (37).",
"Ang pagpatag ng COVID-19 transmission sa Taguig ay inuugnay sa PDITR strategy nila o “Prevent, Detect, Isolate, Treat, and Reintegrate” pati na rin ang pagtatayo ng mga COVID-19 infrastructure gaya ng Lakeshore Mega Complex kung saan matatagpuan ang kanilang Molecular Laboratory, National Testing Facility at Lakeshore Hotel Mega-Quarantine Facility."
] | AbanteTNT | News | News | Nakatuon na ang Taguig City government sa “new normal” matapos makapagtala ng may pinakamababang bilang ng active case ng coronavirus sa National Capital Region. | [
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Taguig patungo na sa ‘new normal’"
] | 3 | Oct 15, 2020 @ 23:29 | IS | https://tnt.abante.com.ph/taguig-patungo-na-sa-new-normal/ | ||
Grace Poe binasted mga urot sa 2022 | [
"Sa halip na muling kumandidato at makipagsabong sa matunog na manok ng administrasyon na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagka-pangulo at ilan pang lumulutang na presidentiables ay mas bet umano ni Senator Grace Poe ang maging endorser o campaign manager ng kandidatong siguradong mananalo sa eleksyon sa Mayo 9, 2022.",
"Ayon sa source ng Abante, bigo ang sinuman o alinmang grupo na kumukumbinsi kay Poe na muling sumubok sa presidential race dahil isang matunog na “hindi” ang lagi nitong sagot.",
"Makailang beses umanong tumanggi si Poe dahil ayaw nitong matulad sa sinapit ni dating Senator Mar Roxas.",
"Todo tanggi rin umano si Poe na kumandidato sa pagka-bise presidente kahit marami ang nagsasabi na malaki ang tsansa niya laban kay Senator Bong Go na matunog na runningmate ng presidential daughter.",
"Sa kasalukuyan ay determinado umano ang anak ng yumaong si Da King Fernando Poe Jr. na manahimik at sumuporta na lang.",
"“Tulungan na lang natin ‘yong sigurado,” ang litanya pa umano ng senadora sa mga kumukumbinsi sa kanya.",
"Sakaling manalo ang susuportahan niyang kandidato, madali naumanong mahihiling ni Poe na maitalaga ang kanyang anak na si Brian sa posisyon sa pamahalaan na nababagay dito.",
"Ayaw rin umano ng senadora na maging abala siya dahil posibleng patakbuhin niyang congressman sa Pangasinan ang kanyang panganay."
] | Abante | News | News | Sa halip na muling kumandidato at makipagsabong sa matunog na manok ng administrasyon na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagka-pangulo at ilan pang lumulutang na presidentiables ay mas bet umano ni Senator Grace Poe ang maging endorser o campaign manager ng kandidatong siguradong mananalo sa eleksyon sa Mayo 9, 2022. | [
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Grace Poe binasted mga urot sa 2022"
] | 3 | Mar 27, 2021 | Abante News | https://www.abante.com.ph/grace-poe-binasted-mga-urot-sa-2022/ | ||
Mahigit 1K parak bantay sa 30 checkpoint sa Maynila | [
"Bunsod ng ipinatupad na uniformed curfew hours sa Metro Manila, magpapakalat ang Manila Police District ng 1,7000 pulis para magbantay sa 30 checkpoint sa Maynila.",
"Ayon sa isang ulat mula 24 Oras, mananagot ang mga mahuhuling lalabag sa ordinansa ng naturang lungsod.",
"“Pinagaaralan namin dito sa Manila Police District kung pwede silang bigyan ng kaunting pampapawis,” wika ni MPD Director Brigadier General Leo Francisco.",
"Dagdag pa ni Mayor Isko Moreno, hindi maaaring umuwi ang mga mahuhuling violators sapagkat kailangan nilang sumailalim sa sa quarantine.",
"“We will be putting a quarantine and you need to be tested. And you will be on the last part of the the list of pending [to be tested], so you will stay in this quarantine facility for quite some time,” sambit ng alkalde.",
"Nito lamang Lunes nang magsimulang ipatupad ng pamahalaan ang curfew sa Metro Manila mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw na magtatagal ng dalawang linggo.",
"Ito ay bilang hakbang sa pag-iwas sa patuloy na pagkalat ng COVID-19 sa bansa."
] | AbanteTNT | News | News | Bunsod ng ipinatupad na uniformed curfew hours sa Metro Manila, magpapakalat ang Manila Police District ng 1,7000 pulis para magbantay sa 30 checkpoint sa Maynila. | [
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Mahigit 1K parak bantay sa 30 checkpoint sa Maynila"
] | 3 | Mar 16, 2021 @ 16:41 | VAPA | https://tnt.abante.com.ph/mahigit-1k-parak-bantay-sa-30-checkpoint-sa-maynila/ | ||
571 FILIPINO SEAFARERS NAKAUWI NA | [
"PARANAQUE CITY- BALIK-BANSA na ang 571 Filipino seafarers mula sa Estados Unidos.",
"Ang mga seamen na galing sa Florida, USA tinulungan ng kanilang principal mula sa Norway para makabalik sa Filipinas.",
"Gayunman, isasailalim muna ang mga ito sa 14-day quarantine saka COVID-19 test bago makauwi sa kani-kanilang mga pamilya.",
"Wala namang naiulat na mayroong sakit ang ilan sa seafarers at ang pagsasailalim sa 14-day quarantine ay pagsunod lamang sa protocol upang matiyak na ligtas ang mga ito sa coronavirus.PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM"
] | PilipinoMirror | Crime | METRO | PARANAQUE CITY- BALIK-BANSA na ang 571 Filipino seafarers mula sa Estados Unidos. | [
"571 FILIPINO SEAFARERS NAKAUWI NA",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen"
] | 0 | April 19, 2020 | admin | https://pilipinomirror.com/571-filipino-seafarers-nakauwi-na/ | ||
Miyembro ng Kpop group na ‘PENTAGON’ sumalpok sinasakyang kotse | [
"Nagtamo ng injury sa likod ang miyembro ng PENTAGON na si Yeo One matapos maaksidente ang sinasakyang sasakyan.",
"Ayon sa statement ng Cube Entertainment na inilabas ng Soompi, nabangga umano ang sasakyan ni Yeo One ng isang lasing na driver.",
"Inihayag din ng label na ang aksidente ay nangyari noong madaling araw ng Pebrero 9, ngunit dahil sa kagustuhan na rin ni Yeo One, dumalo pa rin siya sa isang live broadcast noong hapong iyon.",
"“After wrapping up the scheduled activity, he expressed back pain while returning to the dorms. He visited the hospital, received the necessary medical measures, and is currently recovering,” pahayag ng Cube.",
"Samantala, dahil sa aksidente ay pansamantala munang mamamahinga si Yeo One at hindi makikilahok sa mga aktibidad ng grupo.",
"“Until Yeo One recovers from his injury, PENTAGON will temporarily continue promotions as seven members,” dagdag pa ng Cube."
] | AbanteTNT | Entertainment | Showbiz | Nagtamo ng injury sa likod ang miyembro ng PENTAGON na si Yeo One matapos maaksidente ang sinasakyang sasakyan. | [
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Miyembro ng Kpop group na ‘PENTAGON’ sumalpok sinasakyang kotse"
] | 3 | Feb 10, 2022 @ 18:24 | Sherrylou Nemis | https://tnt.abante.com.ph/miyembro-ng-kpop-group-na-pentagon-sumalpok-sinasakyang-kotse/ | ||
Trip makipag-break! Pinay niyari ng Kanong bf | [
"Todas ang isang Pinay sa North Dakota, USA matapos pagbabarilin ng kanyang boyfriend.",
"Kinilala ang biktima na si Arnalene Rapalam, na sinubukang isugod sa ospital ngunit hindi na umabot ng buhay.",
"Ayon sa mga kaibigan ng biktima, bago ang krimen ay nag-away umano si Rapalam at suspek na si Eric Venn kung saan nagbabalak na rin daw makipaghiwalay ang Pinay sa kanyang nobyo.",
"Sa report ng Minot Daily News, sinabi ng prosecutor na posibleng plinano ang pamamaslang sa Pilipina, nalaman na bumili ng baril ang suspek at pinagbabaril ng limang beses si Rapalam.",
"Sinubukan umanong tumakas ni Venn ngunit naaresto rin ito at kinulong sa Ward County Jail.(RP)"
] | AbanteTonite | News | News | Todas ang isang Pinay sa North Dakota, USA matapos pagbabarilin ng kanyang boyfriend. | [
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Trip makipag-break! Pinay niyari ng Kanong bf",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX"
] | 1 | Jul 14, 2021 | Abante Tonite | https://tonite.abante.com.ph/trip-makipag-break-pinay-niyari-ng-kanong-bf/ | ||
Pulis na namaril ng lola sa QC, tsinugi | [
"Isinumite na ng Philippine National Police- Internal Affairs Service (IAS) kay PNP chief General Guillermo Eleazar ang resolusyon para sa rekomendasyong pagkakatanggal sa serbisyo ni Police Master Sgt. Hensie Zinampan dahil sa pamamaslang nito sa isang 52-anyos na lola na kanyang kapitbahay sa Fairview, Quezon City.",
"Ayon kay PNP-IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, isinumite na niya ang 3-pahinang resolusyon sa office of the chief PNP sa pamamagitan ng PNP Directorate for Personnel and Records Management.",
"Matatandaang si Zinampan, 42, nakatalaga sa PNP Police Security and Protection Group, ay nakuhanan ng video sa pamamaslang nito sa kapitbahay na si Lilybeth Valdez, sa Greater Fairview, QC noong Mayo 31.",
"Ang insidente ay nag-viral at ito ang malakas na ebidensya para sampahan ng kasong murder ang nasabing pulis, isang grave offense kung saan may administrative penalty na dismissal sa serbisyo. (Edwin Balasa)"
] | Abante | Crime | Metro | Isinumite na ng Philippine National Police- Internal Affairs Service (IAS) kay PNP chief General Guillermo Eleazar ang resolusyon para sa rekomendasyong pagkakatanggal sa serbisyo ni Police Master Sgt. Hensie Zinampan dahil sa pamamaslang nito sa isang 52-anyos na lola na kanyang kapitbahay sa Fairview, Quezon City. | [
"Pulis na namaril ng lola sa QC, tsinugi",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"FESSAP pinuri ni Duterte"
] | 0 | Jun 23, 2021 | Abante News | https://www.abante.com.ph/pulis-na-namaril-ng-lola-sa-qc-tsinugi/ | ||
Kylie swabe sa pagluhod | [
"NI: NONIE NICASIO",
"Sagana sa sex appeal ang masisilip kay Kylie Verzosa sa kanyang Instagram post.",
"Biniyayaan ng langit ng malulusog na dibdib ang aktres. Definitely, isa ito sa inaabangang mabistahan ng mga kalalakihan sa dalaga. Idagdag pa ang makurba niyang katawan at matambok na puwet, sadyang maglalaway ang maraming boys sa kanya.",
"Sagad sa sarap ang makikita rito kay Kylie. Sadyang kakaiba ang taglay niyang mapanuksong kariktan. Sa ganyang porma ng dating beauty queen, tunay na swabe sa pagluhod ang dalaga.",
"Umaapaw sa karisma si Kylie. Mangangatog ang tuhod ng sinomang lalaking masisilip ang nakakagigil na katawan ng aktres. Boy’s delight at pampainit ang taglay niyang kariktan.",
"Ang alindog ni Kylie ay parang isang bulaklak na hindi pagsasawaang simsimin ang matamis niyang nectar.",
"Mapang-akit ang bawat anggulong mabibistahan kay Kylie. At natural na maging malalagkit ang tingin ng mga kalalakihang natatakam sa kanyang kaseksihan."
] | AbanteTonite | Entertainment | Entertainment | NI: NONIE NICASIO | [
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Kylie swabe sa pagluhod",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX"
] | 1 | May 22, 2021 | Abante Tonite | https://tonite.abante.com.ph/kylie-swabe-sa-pagluhod/ | ||
Kabataan na balisa sa pandemya pinatutukan ng CWC | [
"Hinirit sa mga ahensiya ng pamahalaan ng Council for the Welfare of Children (CWC) na bigyang prayoridad ang pagkakaloob ng stress management program sa mga kabataan.",
"Ito ay bilang pagharap nila sa mga negatibong epekto ng pandemya at pagpasok sa new normal.",
"Ayon kay Usec. Mary Mitzi Cajayon Uy, Executive Director ng CWC sa Talakayang Makabata Digital Press Conference, habang pinapayagan nang lumabas ang mga bata na nasa 15-18 anyos, dapat ding pagtibayin ng LGUS ang inisyatibo at programa para matiyak ang patuloy na suporta sa pisikal, emosyonal, espiritwal at pangangailangang kaisipan ng mga bata sa panahong kumakalat ang coronavirus.",
"“Kung tayong mga nakakatanda ay nai-stress dulot ng pandemya, ang mga bata ay nakakaranas ng higit na stress at pagkabalisa. Ang mga alituntunin ay dapat na maisaayos at mabalangkas sa oras na payagan na silang lumabas.” pahayag ni Uy.",
"Ang Talakayang Makabata ay unang digital conference sa pangunguna ng CWC upang pasimulan ang ligtas at malawakang pagdiriwang ng National Children’s Month 2020 para sa pagtataguyod ng karapatan ng mga bata sa panahon ng pandemya.",
"Ayon kay Uy, ang mga social workers at iba pang propesyonal at paraprofessionals, pinuno ng mga Local Council for the Protection of Children/Barangay Council for the Protection of Children, ay nagsisilbing frontliners na nagtatanggol sa mga bata laban sa pang-aabuso at nagpapatupad ng kaukulang intervention.",
"Sa talakayan, lumabas na lumala ang mental health isyu ng mga bata dulot ng COVID-19 pandemic, ang malawakang quarantine sa buong bansa at ang pagbabawal sa mga bata na lumabas ng tahanan.",
"Nitong Agosto lamang, may 12,197 ang kabuuang bilang ng mga batang tinamaan ng COVID-19 at higit sa kalahati nito ay gumaling na. May 30 hanggang 35 naman ang tawag araw-araw sa crisis hotline ng National Center for Mental Health mula Marso hanggang Mayo 2020, na may average na 953 at karamihan sa mga tawag ay nauugnay sa pagkabalisa, paghahanap ng referral sa isang psychiatrist, at pagtatanong tungkol sa mga serbisyo ng ospital.",
"Bilang pangunahing sangay ng pamahalaan para sa mga bata, nangangako ang CWC na higit pang paiigtingin ang pagtaguyod sa proteksyon ng lahat ng mga bata at kanilang mga karapatan, bigyan ng kapangyarihan na protektahan ang kanilang sarili at iulat ang karanasan sa pang-aabuso, magbigay ng praktikal na suporta sa mga magulang at tagapag-alaga at gagabayan ang LGUs upang mas mahusay nilang magampanan ang kanilang mga tungkulin sa pagharap sa panahon ng pandemya."
] | AbanteTonite | News | News | Hinirit sa mga ahensiya ng pamahalaan ng Council for the Welfare of Children (CWC) na bigyang prayoridad ang pagkakaloob ng stress management program sa mga kabataan. | [
"Kabataan na balisa sa pandemya pinatutukan ng CWC",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen"
] | 0 | Nov 2, 2020 | Abante Tonite | https://tonite.abante.com.ph/kabataan-na-balisa-sa-pandemya-pinatutukan-ng-cwc/ | ||
Isinabay sa putukan: Angelica inilantad bigotilyong dyowa | [
"Anyway, ‘pasabog’ nga ang turing ni Kim Chiu sa inilantad ni Angelica sa Instagram, kasabay ang pagbubukas ng Bagong Taon, o ng 2021.",
"Kasi nga, bagamat marami sa mga kaibigan niya ang nakakaalam na maligaya ang puso ni Angelica ngayon, pero hinayaan nila ito na ilantad sa tamang oras ang lahat.",
"At yes, ang Bagong Taon nga ang napiling okasyon ni Angelica, para ipaalam sa lahat na buhay na buhay ang puso niya. At sorry na lang, dahil hindi si Zanjoe Marudo ang lalakeng nagpapatibok ng puso niya.",
"“Kung isa kang pelikula, sana, wala kang ending…” ang mala-titulo ng pelikulang paandar na caption niya sa photo na nagtutukaan sila, na ang background ay ang namumulang epekto ng mga paputok.",
"Anyway, hindi naka-tag ang lalake, kaya pahulaan ang lahat kung sino ang masuwerteng boylet. Wala ring sinabi si Angelica kung sino talaga siya.",
"Ang mga netizen na rin ang nag-imbestiga sa identity ng lalake. At base sa pagsasaliksik nila, ang Gregg Homan daw ang pangalan ng lalake, na nagtatrabaho, o naka-base sa Subic. At yes, kulot at bigotilyo ang dyowa ni Angelica, ha!",
"Naka-private ang Instagram account ni Gregg, pero makikita mo na ang mga nagpa-follow sa kanya ay ang mga malalapit na kaibigan ni Angelica, sina Kim, Bela Padilla, Glaiza de Castro, Cherry Pie Picache.",
"Anyway, heto nga ang bonggang mensahe, reaksiyon ng mga kaibigan ni Angelica.",
"“Ayan naaaaa!” tumitiling sabi ni Angel Locsin.",
"“Anak ng!!!!!!!!!!!! Eto na!!! Ang saya ko para sayo!!!!!!!” sabi naman ni Barbie Imperial.",
"“Love ko kayo masaya akooooooooo!” hirit naman ni Arci Munoz.",
"“Pasabog!!!!!!” ang sigaw ni Kim.",
"“Ayan naaaaa!” sey ni Glaiza.",
"Umabot na nga sa kulang-kulang 6,000 ang nagbigay ng mensahe, reaksiyon, na lahat ay tuwang-tuwa sa pagkakaroon ng dyowa ni Angelica.",
"Well, ang susunod ngang aabangan, kelan ang kasal?",
"Barbie, Diego magkasama sa ‘Bagong Taon’",
"Anyway, dahil sa comment ni Barbie sa IG post ni Angelica, siya naman ang pinagbalingan ng mga fan, na ang tanong nila, ‘kelan niya ipi-flex ang relasyon naman daw nila ni Diego Loyzaga?",
"“Sa’yo rin ilatag mo na! Be proud dahil alam mo naman na mahal niyo ang isat isa. Basta nagmahal ka!” sabi ng ibang fan.",
"“i-flex moh na rin kasi si @diegoloyzaga hahaha!” hirit pa ulit ng isa.",
"“@msbarbieimperial flex Mona din si diegs!” utos pa ng isa.",
"Anyway, sa IG post ni Barbie na nasa swimming pool siya, mababasa ang comment ni Dieog ng emoji na ‘camera’. Meaning, siya ang kumuha ng mga photo na `yon.",
"At siyempre, sinagot naman ito ng Barbie ng panibagong emoticon.",
"Well, sa ganung chika ay happy na ang mga fan. Tukso nga nila kay Barbie, napaka-guwapo naman dawn g photographer nito, na si Diego nga, at sana raw all, may dyowang macho.",
"Dami ngang gustong humiram ng long hair ni Barbie, na sobrang haba, dahil nga kay Diego.",
"Anyway, pareho ng IG story sina Barbie at Diego, na ang setting nga ay dagat. So, magkasama sila sa pagsalubong ng Bagong Taon.",
"Oh, well, sana nga ay mapuno ng pag-ibig ang ‘Year of the Ox’!"
] | Abante | Entertainment | Entertainment | Anyway, ‘pasabog’ nga ang turing ni Kim Chiu sa inilantad ni Angelica sa Instagram, kasabay ang pagbubukas ng Bagong Taon, o ng 2021. | [
"Isinabay sa putukan: Angelica inilantad bigotilyong dyowa",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen"
] | 0 | Jan 1, 2021 | Abante News | https://www.abante.com.ph/isinabay-sa-putukan-angelica-inilantad-bigotilyong-dyowa/ | ||
Rhian, Max patalbuban sa pagpapakita ng maputing singit | [
"Namangha ang mga netizen sa pagsasama ng dalawang anghel ng Kapuso Network na sina Rhian Ramos at Max Collis.",
"Sa Instagram, ibinahagi ni Max ang larawan nila ni Rhian na nakasuot ng one-piece swimsuit.",
"Nakasuot si Rhian ng pulang bikink habang asul naman ang suot ni Max.",
"Kitang-kita naman ang magagandang hubog na katawa ng dalawang artista.",
"“Good vibes and tan lines,” caption ni Max sa IG.",
"Samantala, narito naman ang comment ng mg netizen.",
"“Two fave in one picture,” comment ng isa.",
"“Reveal naman po. Yung mga secret nyo pano pumuti yung mga bikini area nyo. Ano pong gamit nyo?” saad ng isa.",
"“Grabe yornnnnn,” sey naman ng isa pa."
] | AbanteTNT | Entertainment | Showbiz | Namangha ang mga netizen sa pagsasama ng dalawang anghel ng Kapuso Network na sina Rhian Ramos at Max Collis. | [
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Rhian, Max patalbuban sa pagpapakita ng maputing singit",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"FESSAP pinuri ni Duterte"
] | 1 | Mar 20, 2022 @ 13:46 | Sherrylou Nemis | https://tnt.abante.com.ph/rhian-max-patalbuban-sa-pagpapakita-ng-maputing-singit/ | ||
Plastic ban ipatupad na! – Villar | [
"Sinabi ito ni Villar sa idinaos na tree-planting at clean-up activity sa Brgy. 649, Gasangan, Baseco Compound na kanyang pinangunahan sa pakikipag-partner sa Department of Environment and Natural Resources.",
"Base sa research noong 2015 ng international group Ocean Conservancy and McKinsey Center for Business and Environment tungkol sa plastic pollution, pangatlo ang Pilipinas sa pinakamalaking source ng plastic sa mga karagatan, kasunod ng China at Indonesia.",
"Bukod diyan, nagbabala ang United Nations Food and Agriculture Organization na kapag hindi natugunan ang suliranin sa plastic pollution sa 2050, higit na dadami ang mga plastik sa karagatan kesa sa isda.",
"“The fish will eat all the plastic and they will all die and our ocean will become virtual desert,” sabi ng senadora.",
"Nauna nang inihan ni Villar ang Senate Bill 333 o ang Single-Use Plastic Product Regulation Act of 2019, na naglalayong i-regulate ang manufacturing, importation, at single-use ng plastic products.",
"Ayon sa senadora, lalong lalala ang suliranin sa plastic waste sa pagbili ng mga produkto na nasa sachets.",
"Sa ilalim ng panukala, ipagbabawal ang single-use plastics ng food establishments, stores, markets at retailers.",
"Ang mga consumer ay obligado namang gumamit ng reusable materials at ang manufacturers na mangolekta, mag-recycle at magtapon ng single-use plastic. Hindi na rin papayagan ang importasyon ng single-use plastic.",
"Sa bawat single-use plastic na ginawa, ipinakalat at ginamit sa transaction, papatawan ng retailer ang consumer ng minimum levy na P5."
] | AbanteTNT | News | News | Sinabi ito ni Villar sa idinaos na tree-planting at clean-up activity sa Brgy. 649, Gasangan, Baseco Compound na kanyang pinangunahan sa pakikipag-partner sa Department of Environment and Natural Resources. | [
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Plastic ban ipatupad na! – Villar",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen"
] | 2 | Nov 8, 2019 @ 17:03 | Dindo Matinig | https://tnt.abante.com.ph/plastic-ban-ipatupad-na-villar8/ | ||
Pope Francis nakiramay sa mga biktima ni Odette | [
"Nakiisa si Pope Francis sa mga naulila at nawalan ng tahanan at ari-arian dahil sa pananalasa ng bagyong Odette.",
"Sa kanyang Twitter post, ibinahagi ng Santo Papa ang kanyang maikling mensahe para sa lahat ng naapektuhan dahil sa bagyo.",
"“I express my closeness to the population of the Philippines, struck by a strong typhoon that has caused many deaths and destroyed so many homes. May the ‘Santo Niño’ bring consolation and hope to the families of those most affected,” saad sa post ng Santo Papa.",
"Ang Santo Niño na siyang binanggit ng Santo Papa ay ang patron ng Cebu, isa sa mga lalawigang lubhang sinalanta ng bagyong Odette."
] | AbanteTNT | News | News | Nakiisa si Pope Francis sa mga naulila at nawalan ng tahanan at ari-arian dahil sa pananalasa ng bagyong Odette. | [
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Pope Francis nakiramay sa mga biktima ni Odette",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"FESSAP pinuri ni Duterte"
] | 1 | Dec 19, 2021 @ 22:19 | MJD | https://tnt.abante.com.ph/pope-francis-nakiramay-sa-mga-biktima-ni-odette/ | ||
DOJ Sec. Guevarra: Pagkamatay ng NBI anti-terror chief aksidente lang | [
"Nilantad ni Justice Secretary Menardo Guevarra na aksidente ang sanhi ng pagkamatay ni National Bureau of Investigation (NBI) counter-terrorism division chief Raoul Manguerra.",
"Base ito sa impormasyon mula mismo sa hepe ng NBI na si Eric Distor at biyuda ni Manguerra.",
"“Accidental fire, that was what the NBI OIC-chief briefly told me and Atty. Manguerra’s widow this morning,” saad ni Guevarra.",
"“By who fired, he [Distor] did not elaborate. I have asked for an official report,” aniya pa.",
"Dagdag pa ni Guevarra, mukhang walang foul play sa nangyaring insidente.",
"Nasawi si Manguerra sa loob mismo ng kanyang opisina matapos itong magtamo ng tama ng bala sa kanyang tiyan noong Huwebes."
] | AbanteTNT | News | News | Nilantad ni Justice Secretary Menardo Guevarra na aksidente ang sanhi ng pagkamatay ni National Bureau of Investigation (NBI) counter-terrorism division chief Raoul Manguerra. | [
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"DOJ Sec. Guevarra: Pagkamatay ng NBI anti-terror chief aksidente lang"
] | 3 | Dec 11, 2020 @ 16:57 | RP | https://tnt.abante.com.ph/doj-sec-guevarra-pagkamatay-ng-nbi-anti-terror-chief-aksidente-lang/ | ||
Korte sa North Cotabato lubhang na-damage ng lindol | [
"Naglabas ng initial report si Office of Deputy Court Administrator Leo Madrazo kaugnay ng mga korte sa Mindanao na naapektuhan ng lindol.",
"Pinakamalubhang napinsala ng lindol ang korte sa Midsayap, North Cotabato.",
"Hindi na umano ito ligtas sa mga empleyado at kinakailangan nang isailalim sa total rehab.",
"Sa kasalukuyan umano ay inililipat na ang mga record, furniture, computer at iba pang gamit sa bagong inupahang gusali.",
"Nag-request naman ng structural inspection ang mga korte sa Kidapawan, North Cotabato dahil nakitaan ng mga bitak sa kisame ng Branch 17.",
"Nakitaan din ng mga crack sa pader ang mga korte sa Kabacan, North Cotabato at humiling na ng building assessment.",
"Wala namang damaged ang Hall of Justice sa Makilala-Tulunan, North Cotabato pero humiling pa rin ng building inspection para rito sa Martes.",
"Suspendido naman ang pasok sa mga korte sa Digos City, Davao del Sur habang hinihintay ang report mula sa engineering.",
"Nag-set up na rito ng mga tent upang maging temporary office at makapagsagawa ng mga hearing sa Martes.",
"Suspendido rin ang pasok sa mga korte sa Davao City dahil nagsasagawa pa ng inspeksyon sa mga gusali nito gayundin sa Bansalan, Davao del Sur.",
"Walang damage sa General Santos City pero humiling itong ma-inspect maging ang Alabel, Sarangani Province dahil sa mga crack sa pader ng bago nilang gusali.",
"Maayon din ang mga korte sa Koronadal City, South Cotabato; Surallah, South Cotabato; at Compostela Valley, Davao del Norte.",
"Natanggal naman ang mga tiles sa ikalawang palapag ng korte sa Mabini, Davao del Norte dahil sa pag-uga at hindi magandang pagkakakabit.",
"Lumipat naman sa ABC Building sa Padada Davao del Sur sa ilalim ni MTC Judge Zarah Aquisando dahil hindi na ligtas ang kanilang courthouse matapos magtamo ng mga bitak."
] | AbanteTNT | News | News | Naglabas ng initial report si Office of Deputy Court Administrator Leo Madrazo kaugnay ng mga korte sa Mindanao na naapektuhan ng lindol. | [
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Korte sa North Cotabato lubhang na-damage ng lindol"
] | 3 | Nov 4, 2019 @ 21:52 | IS | https://tnt.abante.com.ph/korte-sa-north-cotabato-lubhang-na-damage-ng-lindol/ | ||
Matteo ‘di perfect husband kay Sarah | [
"All About Sarah Geronimo ang topic nila at kung paano na nga ba sila ngayon bilang mag-asawa. All praises si Matteo kay Sarah bilang misis at artist. Hindi raw alam ng tao kung gaano ka-passionate at perfectionist ni Sarah in-terms of preparation sa bawat performance nito.",
"Proud na proud ito kung gaano kagaling at kasarap mag-bake ang misis niya.",
"Diretsahang tinanong ni G3 si Matteo on how it feels daw to be ‘the Sarah Geronimo’s husband.’",
"“Every single day is a dream these days,” bonggang sagot naman agad ni Matteo.",
"“Up to now when we get off the car, everytime we got to bed, everytime we have breakfast, I’m like, my gosh, it has happened, after six years!",
"“We’re actually driving a car together, we’re actually, having breakfast together. We’re actually in a home together and we’re actually building a future together.",
"“I mean, this is incredible and I really believe, if something is really meant for you, it will happen. It will happen in God’s time. It will happen for the right reason if you have the right reason.”",
"Sabi pa ni Matteo, “I really believe, if you have an objective to go and achieve, you gonna have to have an honest reason in your heart on what you want it.”",
"Kung may malisya ka raw, paiba-iba ng gusto, hindi raw talaga mangyayari yung gusto mo. Sey pa ni Matteo, he is far from perfect, pero sey niya, “every single days, I tried to be the best for her.”",
"Glenda ligtas na sa COVID-19",
"Hanggang ngayon, napaka-inspiring talaga ng buhay ng isa sa itinuturing na young C.E.O. ng bansa, si Glenda Victorio. Ang kuwento nito from rags to riches, having her own family at 17 at sa edad niyang 23 ngayon, napaka-successful ng kanyang Brilliant Skin Essentials.",
"Makulay na ang buhay niya, pero heto’t tinamaan pa siya ng COVID-19. Hindi lang siya, pati ang Mister niya at ang dalawang anak, isang 5-year at 2-year old niyang mga anak. Gayundin ang pito pa sa pamilya nila at pito rin sa mga empleyado niya.",
"May mahigit 600 employees si Glenda sa Brilliant Skin Essentials at sa edad niyang yun, siya ang nag-aasikaso sa lahat.",
"Nakausap nga namin siya sa huling araw ng quarantine niya kunsaan, siya ang talaga ang naka-experience ng mga COVID-19 symptoms at na-hospitalized while the rest, halos asymptomatic naman.",
"Sabi niya sa amin, “Sabi ko noon, isa lang ang magka-COVID sa pamilya, parang ang hirap na, tapos, 11 kami sa family at may mga empleyado pa ko. Napakahirap magkaroon ng sakit na ito at talagang nakapanghihina ng loob. Pero, sabi ko, kapag ako pinanghinaan, paano na, naiisip ko yung pamilya ko at mga empleyado ko na maaapektuhan kung panghihinaan ako ng loob.”",
"Nagpapasalamat naman siya sa kabila ng hirap na pinagdaanan, na-survive niya ang naging bagong pagsubok at na-realized daw niya na dahil sobrang busy niya lagi sa trabaho, kung gaano kahalaga ang oras para sa pamilya niya.",
"Sa mga hindi nakakaalam, sa loob ng 3 taon ay nagawa ni Glenda na maging isang napakalaking kumpanya ng Brilliant Skin Essentials kunsaan, si Andrea Brillantes ang endorser.",
"Maraming followers sa social media si Glenda at ito ang naging susi niya kung bakit nagtagumpay ang Brilliant Skin Essentials bukod pa sa quality ng mga produkto. Nagpapasalamat nga ito na sa kabila ng pagkakaroon nila ng COVID-19, walang nagbago at patuloy ang suporta nang mag-operate silang muli after na ma-quarantine rin ang planta at opisina nila sa Morong, Rizal.",
"Dati pang gustong i-feature ng iba’t-ibang shows ang makulay na buhay ni Glenda tulad ng Maala-Ala Mo Kaya, open naman daw siya rito, pero gusto niya lang, yung accurate lahat ng lalabas at mapapanood."
] | Abante | Entertainment | Entertainment | All About Sarah Geronimo ang topic nila at kung paano na nga ba sila ngayon bilang mag-asawa. All praises si Matteo kay Sarah bilang misis at artist. Hindi raw alam ng tao kung gaano ka-passionate at perfectionist ni Sarah in-terms of preparation sa bawat performance nito. | [
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Matteo ‘di perfect husband kay Sarah"
] | 3 | Aug 18, 2020 | Abante News | https://www.abante.com.ph/matteo-di-perfect-husband-kay-sarah/ | ||
HILING NG HOG FARMERS: P330-360 PRICE CAP SA BABOY | [
"UMAPELA ang National Federation of Hog Farmers sa pamahalaan na gawing P330 hanggang P360 kada kilo ang price ceiling ng karneng baboy upang hindi umano sila malugi.",
"“Although napirmahan na, nakikiusap pa rin kami na baka puwede mag-meet tayo halfway, na P330 to P360, para naman po hindi mabigla itong nasa wet market, itong mga producers natin sa pag-aadjust ng presyo. Wiling naman tayong mag-adjust do’n sa presyo. Huwag lang pong masyadong bigla.” giit ng mga magbababoy",
"Ayon kay Chester Warren Yeo Tan, presidente ng grupo, bilang pribadong sektor at stakeholder ay hindi rin naman sila sang-ayon na P400 hanggang P450 ang presyo ng kanilang produkto dahil napakamahal din naman nito para sa kanilang mga kostumer.",
"“On our part, as a private sector, stakeholder, hindi naman kami agree dun. Napakamahal naman talaga ng P400 to P450,” ani Tan.",
"Sinabi pa niya na dahil sa pagpataw ng gobyerno ng price ceiling sa karneng baboy at manok, maraming vendors ang hindi nagtinda kahapon.",
"“Nakita po natin ngayong araw na marami pong lugar na walang nagtitinda. Hindi lang dito sa baboy, pati sa manok dahil dito sa price cap. Sa ngayon po, we consider this industry a high-risk business. Wala pong gustong pumasok dito sa industriya,” sabi pa ni Tan.",
"“Kaya dinagdagan namin ng kaunti ‘yong risk cost ng 30 to 45 percent para po hindi ma-discourage ang ating producer na magparami at huwag umalis sa negosyo.”,” dagdag pa niya.",
"Matatandaang nitong nakaraang linggo ay ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng price ceiling sa karneng baboy at manok sa Metro Manila, sa pamamagitan ng Executive Order 124.",
"Sa ilalim ng EO, ang price cap ng kada kilo ng kasim at pigi ay nasa P270; liempo, P300 at P160 naman sa kada kilo ng manok.",
"Ang nasabing kautusan ay epektibo kahapon, February 8, at tatagal ng dalawang buwan.BENEDICT ABAYGAR, JR."
] | PilipinoMirror | News | NEGOSYO | UMAPELA ang National Federation of Hog Farmers sa pamahalaan na gawing P330 hanggang P360 kada kilo ang price ceiling ng karneng baboy upang hindi umano sila malugi. | [
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"HILING NG HOG FARMERS: P330-360 PRICE CAP SA BABOY",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX"
] | 2 | February 9, 2021 | admin | https://pilipinomirror.com/hiling-ng-hog-farmers-p330-360-price-cap-sa-baboy/ | ||
78 Pinoy sa South Korea kinapitan ng COVID-19 | [
"Umabot sa 78 Pinoy na nakatira sa South Korea ang tinamaan ng new coronavirus, ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Seoul.",
"Lahad ni Chargè d’Affaires Christian de Jesus, nanggaling ang mga report ng kumpirmadong kaso sa health authority ng South Korea sa tulong na rin ng komunidad ng mga Pinoy sa naturang bansa.",
"Aniya pa, 34 sa mga Pinoy ang nakarekober na, habang ang natitirang 44 ay patuloy na nagpapagaling, karamihan umano dito ay mild case.",
"“Sila ay nasa government medical facilities and health institutions at sila po ay tinututukan at nakikipag-ugnayan ang ating embassy para matugon po at malaman ang kanilang kalagayan,” saad ni De Jesus.",
"Dagdag pa nito, nagkaloob ng $200 cash assitance ang gobyerno ng ‘Pinas sa 700 overseas Filipino worker sa South Korea."
] | Abante | News | News | Umabot sa 78 Pinoy na nakatira sa South Korea ang tinamaan ng new coronavirus, ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Seoul. | [
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"78 Pinoy sa South Korea kinapitan ng COVID-19",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX"
] | 2 | Jul 30, 2020 | Abante News | https://www.abante.com.ph/78-pinoy-sa-south-korea-kinapitan-ng-covid-19/ | ||
Duterte: Mga sundalo mauna sa COVID bakuna | [
"Taliwas sa naunang pahayag na siya ang unang susubok sa bakuna ng Russia, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang mga sundalo at pulis ang mauunang mabakunahan kontra COVID-19.",
"Sa kanyang mensahe sa bayan, sinabi ng Pangulo na prayoridad sa bakuna kontra COVID ang pulis at militar dahil kapag sila ang nagkasakit ay walang magbabantay sa mga Pilipino.",
"Bilang frontliner, mahalaga aniya ang mga ito ang prayoridad kapag mayroon ng bakuna para patuloy na mabantayan ang seguridad at kaligtasan ng mga Pilipino.",
"“Ang mauna sa lahat ang mga military pati pulis kasi kung walang pulis at military, babagsak tayo, sino mag-guwardiya sa atin?” anang Pangulo.",
"Pero kung gusto aniya ng publiko na siya ang mauna para hindi mag-alinlangan sa bakuna ay walang magiging problema sa kanya, subalit pupuwede ring siya ang mahuli sa lahat at unahin ang mga mamamayan para sa kanilang kaligtasan laban sa COVID-19.",
"“Kung gusto nyo ako ang mauna para magkarpon kayo ng kumpiyansa or I can be the last Filipino to get–unahin ko kayong lahat, magpahuli kami sa gobyerno,” dagdag ng Pangulo.",
"Bukod sa mga sundalo at pulis, sinabi ng Presidente na kasama sa mauunang mabakunahan ay ang mga mahihirap na Pilipino na nasa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.",
"Isusunod aniya ang mga iba pang mahihirap na “no permanent address” o palipat-lipat ng address at hindi nakalista sa barangay.",
"Tiniyak ni Pangulong Duterte na hindi maiiwanan sa serbisyo ang mga mahihirap sa ilalim ng kanyang administrasyon."
] | AbanteTNT | News | News | Taliwas sa naunang pahayag na siya ang unang susubok sa bakuna ng Russia, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang mga sundalo at pulis ang mauunang mabakunahan kontra COVID-19. | [
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Duterte: Mga sundalo mauna sa COVID bakuna"
] | 3 | Aug 25, 2020 @ 23:53 | Aileen Taliping | https://tnt.abante.com.ph/duterte-mga-sundalo-mauna-sa-covid-bakuna/ | ||
Hindi umiinom salabat: Gigi ibinahagi sikreto paano inaalagaan boses | [
"Ibinahagi ng singer-actress na si Gigi de Lana kung paano niya napapanatiling maganda ang kaniyang boses.",
"Aniya, isa sa kaniyang ginagawa sa pag-alaaga sa boses ay ang pagpapahinga dito.",
"“Actually, napahinga talaga ‘yung boses ko ngayon. Pinahinga ko siya totally,” pahayag nito sa virtual conference ng “Domination.”",
"Sa katunayan nga raw ay hindi niya maituturing na pag-aalaga ang kaniyang mga ginagawa. Dahil hindi kagaya ng iba, hindi umano siya umiinom ng salabat.",
"“Paano ko siya inaalagaan? Actually mali na sabihin ko ‘to kasi hindi ko siya inaalagaan. [‘Yung iinom] ng salabat, ‘di ako naniniwala doon,” pag-amin nito.",
"Para sa kaniya ay kailangan lang umano ay vocalization; matutunan ang proper techniques; at kailangan lang mag-practice.",
"“Para maingatan mo ‘yung boses mo is maintain. I-maintain mo ‘yung pagkanta mo, vocalize ka, practice ka ng proper technique.",
"“Kasi ‘yung mga iniinom inom na ganyan, I don’t believe in that kasi hindi siya nagwo-work for me… Pero you should rest, at tubig, ‘yun talaga. Practice kayo every day,” dagdag pa nito."
] | AbanteTNT | Entertainment | Showbiz | Ibinahagi ng singer-actress na si Gigi de Lana kung paano niya napapanatiling maganda ang kaniyang boses. | [
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Hindi umiinom salabat: Gigi ibinahagi sikreto paano inaalagaan boses",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX"
] | 2 | Mar 1, 2022 @ 18:37 | Sherrylou Nemis | https://tnt.abante.com.ph/hindi-umiinom-salabat-gigi-ibinahagi-sikreto-paano-inaalagaan-boses/ | ||
Davis tumiklop paa, napamura sa sakit | [
"Bumagsak at napasigaw si Lakers superstar Anthony Davis matapos na tumiklop ang kanyang bandang paa sa laban kontra Utah Jazz.",
"Sa second quarter, tumalon si Davis para saluhin ang pasa ni Malik Monk.",
"Masama ang kanyang naging landing matapos tumiklop ang kanyang ankle.",
"Kaagad kinamusta ng kanyang mga teammate si Davis, na napasigaw at napamura sa sakit.",
"Ayon naman sa report, negatibo ang x-ray result ni Davis at patuloy na magpapagaling sa All-Star break."
] | AbanteTNT | Sports | Atletiko Radar | Bumagsak at napasigaw si Lakers superstar Anthony Davis matapos na tumiklop ang kanyang bandang paa sa laban kontra Utah Jazz. | [
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Davis tumiklop paa, napamura sa sakit",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen"
] | 2 | Feb 17, 2022 @ 14:09 | RP | https://tnt.abante.com.ph/davis-tumiklop-paa-napamura-sa-sakit/ | ||
P82-B NAWALA SA GOV’T | [
"NASA P82 bilyon ang nawalang kita ng pamahalaan mula sa mga hindi idineklarang produkto mula sa China noong 2017.",
"Ito ang lumabas sa pagdinig ng Senate Committee on Finance na pinamumunuan ni Senador Sonny Angara kaugnay sa Development Budget Coordination Committee briefing na inilabas ni Senador Panfilo Lacson hinggil sa report ng World Bank ukol sa pumasok na Chinese products sa bansa noong 2017.",
"Sa naturang report, lumalabas na sa record ng Bureau of Customs (BOC), ang pumasok na Chinese products sa bansa noong 2017 ay umaabot sa $13,477,818,270.",
"Subalit sa record ng China, lumilitaw na $32, 065,932.45 ang halaga ng pumasok na produkto nila sa bansa kung saan may discrepancy na $13,588,114,130 o P684,840,954,570.",
"Ani Lacson, kung ito ay imu-multiply sa 12% VAT, lumalabas na lugi ang gobyerno o may revenue loss na P82,180,914,000.",
"“Right away, we are looking at a discrepancy of $13,588,114.18 noong 2017, kung P50.40 to a dollar in 2017 so P684,840,954.67. Sa VAT (value added tax) na lang, i-multiply ng 12 percent, nawalan agad tayo ng P82 billion in 2017 revenue,” ani Lacson.",
"“We are only talking of China, we are not even talking of other exporting countries to the Philippines. That’s only (Bureau of) Customs ha, we are not even talking of BIR (Bureau of Internal Revenue),” dagdag pa niya.VICKY CERVALES"
] | PilipinoMirror | News | NEGOSYO | NASA P82 bilyon ang nawalang kita ng pamahalaan mula sa mga hindi idineklarang produkto mula sa China noong 2017. | [
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"P82-B NAWALA SA GOV’T",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"FESSAP pinuri ni Duterte"
] | 1 | August 30, 2019 | admin | https://pilipinomirror.com/p82-b-nawala-sa-govt/ | ||
Van nahulog sa bangin sa Ifugao, driver todas | [
"Todas ang isang 35-anyos na lalaki matapos mahulog ang kanyang minamanehong van sa 500 metrong bangin sa Barangay, Tinoc, Ifugao noong Martes.",
"Kinilala ang biktima na si Wilson Batang-e, ng Barangay Poblacion, ng nasabing bayan.",
"Base sa report ng Tinoc Police Station (TPS), ang biktima ay nagmamaneho papunta sa bayan ng Buguias, Benguet ng aksidenteng mabunggo ang gutter ng Tinoc-Buguias Road na ginagawa dahil sa mga lupang gumuho.",
"Dahil sa malambot ang lupa sanhi ng patuloy na pag-ulan, nahulog umano ang van sa bangin kasama ang biktima.",
"Ilang oras, narekober ang bangkay ng biktima sa lalim na 500 na metro.",
"Paalala ng TPS na mag-ingat ang mga motorista sa pagmamaneho sa nasabing highway para maiwasan ang anumang aksidente. ALLAN BERGONIA"
] | AbanteTNT | News | News | Todas ang isang 35-anyos na lalaki matapos mahulog ang kanyang minamanehong van sa 500 metrong bangin sa Barangay, Tinoc, Ifugao noong Martes. | [
"Van nahulog sa bangin sa Ifugao, driver todas",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"FESSAP pinuri ni Duterte"
] | 0 | Aug 15, 2019 @ 14:14 | null | https://tnt.abante.com.ph/van-nahulog-sa-bangin-sa-ifugao-driver-todas/ | ||
79-anyos na lola, model ng lingerie | [
"Suot lang ang lacy bra at panty, hindi nagpatalbog sa paseksihan ang isang lola sa isang photoshoot sa Sao Paulo, Brazil.",
"Si Brazilian Helena Schargel ang modelo ng pinakabagong lingerie designs for women na edad 60 pataas.",
"Matapos ang ilang dekada ng pagtatrabaho sa kumpanya ng mga tela, nagretiro si Schargel dala ang misyon na maging inspirasyon sa kapwa niya matatandang babae.",
"Ang taktika niya, mag-design ng mga seksing damit para sa mga ito at siya mismo ang nagmomodel.",
"Marami nang underwear collections na nilunsad si Schargel sa Recco Lingerie sa Brazil.",
"Dahilan ni Schargel, marami aniyang kababaihan edad 60 pataas ang hindi nabibigyang-pansin ng mga fashion company."
] | AbanteTNT | News | News | Suot lang ang lacy bra at panty, hindi nagpatalbog sa paseksihan ang isang lola sa isang photoshoot sa Sao Paulo, Brazil. | [
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"79-anyos na lola, model ng lingerie"
] | 3 | Dec 18, 2019 @ 19:02 | IS | https://tnt.abante.com.ph/79-anyos-na-lola-model-ng-lingerie/ | ||
5 TIMBOG SA BUY BUST | [
"LIMANG hinihinalang drug personalities ang arestado matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operations ng pulisya sa lungsod ng Caloocan at Valenzuela.",
"Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, dakong alas-4 ng Miyerkules ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni Maj Deo Cabildo, kasama ang 6th MFC RMFB-NCRPO ng buy-bust operation sa King Arthur St., Brgy. 188, Caloocan City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Jalal Lotao alyas “Dagul”, 21-anyos; Ismael Radiamoda, 27-anyos at Criselle Sison, 23-anyos.",
"Narekober sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 20 gramo ng shabu na may standard drug price P136,000.00 at buy-bust money na isang tunay na P500 bill at 7 pirasong P1,000 boodle money.",
"Ani Mina, ang pagkakaaresto sa mga suspek ay resulta ng isang linggong validation ng mga operatiba ng SDEU matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang regular confidential informat hinggil sa illegal drug activity ng mga suspek.",
"Sa Valenzuela naman, dakong alas-11 ng Martes ng gabi nang maaresto ng mga operatiba ng Valenzuela Police SDEU sa pangunguna ni Lt Joel Madregalejo sa buy-bust operation sa kahabaan ng T. Santiago St. Brgy., Veinte Reales si Anjo Serfino, 28-anyos, mekaniko at Amjad Mahmoud, 26-anyos, online seller.",
"Ayon kay SDEU investigator PSMS Fortunato Candido, nakuha sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 8 gramo ng shabu na may standard drug price P54,400.00, P500 buy-bust money, P640.00 cash, 2 cellphones at brown leather wallet.EVELYN GARCIA"
] | PilipinoMirror | News | BALITA | LIMANG hinihinalang drug personalities ang arestado matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operations ng pulisya sa lungsod ng Caloocan at Valenzuela. | [
"5 TIMBOG SA BUY BUST",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX"
] | 0 | August 26, 2021 | Admin | https://pilipinomirror.com/5-timbog-sa-buy-bust/ | ||
HANDOG NA HATID PARA SA MGA BETERANONG FILIPINO | [
"HELLO everyone! Ito po ang AskUrBanker. Tuwing Sabado, ako po ang inyong makakasama, ang inyong Kuya Mark, at ako po ang tutulong sa inyong humanap ng kasagutan sa inyong mga question marks about banking.",
"Ngayong Sabado, ating pag-uusapan ang tungkol sa handog na hatid para sa ating mga beterano sa tulong ng PENSION LOANS.",
"Ikaw ba ay isang military veteran? Matagal ka na bang retired, o kare-retire mo lamang? Ang AUB ay lubos na nagpapasalamat sa serbisyong inihandog mo para sa ating bansa. Sa dami ng taon na iyong inilaan upang pagserbisyuhan ang ating bansa, tandaan mo na kaagapay mo ang AUB lalo na at ikaw ay isang retirado na.",
"Naiisip mo bang magpatayo ng isang maliit na negosyo o kinakailangan mo ba ng additional funds para sa iyong mga check up at pagbili ng gamot? Nais mo bang tumulong sa pagpapaaral ng iyong mga apo? Kung ang pension na natatanggap mo kada buwan ay kulang pa para sa iyong personal na pangangailangan, marahil ay hirap ka ring tumulong sa pamilya o mag-ipon para sa sariling negosyo.",
"Alam kong nais mong gawin ang mga ito ngunit maliit lamang ang iyong monthly pension kaya naman sa tulong ng AUB, maaari ka nang umutang sa pamamagitan ng PVAO Pension Loan!",
"Ang PVAO Pension Loan ng AUB ay isang loan program para sa inyong mga beterano. Depende sa buwanang pension mo, maaari kang makautang hanggang P300,000. Hindi mo na kailangang mag-alala sapagkat sa pamamagitan ng PVAO Pension Loan program ng AUB, maaari mo nang makamit ang iyong pangarap na maliit na negosyo, at maaari ka na ring makatulong sa iyong mga kapamilya. Pumunta ka lamang sa kahit na anong AUB branch upang makapag-apply ng PVAO Pension Loan.",
"Para sa karagdagang detalye, mag-AskUrBanker na!",
"Alamin din ang iba’t iba pang products at services ng AUB sa www.aub.com.ph o kaya naman ay i-follow ang AUB sa Facebook (AUB.official) o sa Twitter/Instagram at Youtube (AUBofficialph).",
"Remember, it is always best to AskUrBanker! Hanggang sa susunod."
] | PilipinoMirror | News | NEGOSYO | HELLO everyone! Ito po ang AskUrBanker. Tuwing Sabado, ako po ang inyong makakasama, ang inyong Kuya Mark, at ako po ang tutulong sa inyong humanap ng kasagutan sa inyong mga question marks about banking. | [
"Angel walang tigil sa pag-iyak; mga anti-ABS-CBN niresbakan",
"ISKO: WALANG BATAS-BATAS SA TAONG GUTOM AT HUMAHAPDI ANG SIKMURA!",
"Sasakyan nagliyab nang bumangga sa concrete barrier sa EDSA",
"HANDOG NA HATID PARA SA MGA BETERANONG FILIPINO"
] | 3 | February 1, 2019 | admin | https://pilipinomirror.com/handog-na-hatid-para-sa-mga-beteranong-filipino-3/ | ||
Klase isuspende, mga mall ‘wag mag-sale sa SEA Games – MMDA | [
"Ngayon buwan ng Nobyembre at Disyembre ,magpapatupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng “stop and go” scheme sa EDSA at ilang pangunahing kalsada sa Kalakhang Maynila kasabay ng Southeast Asian (SEA) Games.",
"Ayon sa MMDA Assistant Secretary Celine Pialago, ang ipapatupad ng stop and go scheme ay mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 6, ito ay layon na mapadali ang pagbiyahe ng mga atleta at delegado ng SEA Games sa mga venue ng palaro.",
"“Wala po tayong guguluhin sa regular traffic na nararanasan sa EDSA or other primary roads. Patitigilin lang po ang mga motorista kapag nandiyan na ‘yong convoy. Paglagpas ng convoy, balik-normal na ho ang sitwasyon,” ani ni Pialago.",
"Dahil dito, inabisuhan naman ni Pialago ang mga motorista na asahan ang mas mabigat na daloy ng trapiko dahil magsasabay ang biyahe ng mga delegado ng palaro sa trapikong dulot ng holiday season.",
"“Alam natin ‘ber’ months… of course, magkakaroon ng ganitong malaking event so makakadagdag po ito sa mabigat na daloy ng trapiko,” pahayag pa ng opisyal.",
"Walang road closure o one-way traffic scheme na ipatutupad sa Metro Manila sa kasagsagan ng SEA Games maliban sa Adriatico Street at P. Ocampo Street sa Maynila.",
"Nabatid na hindi bababa sa 15 venue sa Metro Manila ang pagdarausan ng mga palaro sa SEA Games at 20 hotel ang tutuluyan ng mga atleta at kinatawan mula sa ibang mga bansa sa Southeast Asia.",
"Sinabi pa ni Pialago na naunawaan naman aniya ng mga motorista ang pagpapatupad ng traffic scheme para sa SEA Games.",
"Aabisuhan naman ng MMDA sa mga malls sa EDSA at malapit sa competition venue na huwag munang mag-sale habang idinadaos ang Sea Games.",
"Bukod pa dito, iminungkahi rin ng ahensiya na suspendehin muna ang pasok sa mga paaralan sa mga lugar na malapit sa competition venue mula Disyembre 2 hanggang 6.",
"Sinabi pa ni Pialago na aabot sa 2,000 MMDA personnel ang kanilang ide-deploy sa competition habang ie-escort naman ng mga tauhan ng Highway Patrol Group ang mga convoy.",
"Pinalalahanan din ni Pialago na kanilang ipagpapatuloy ang paghatak ng mga saskayang ilegal na nakaparada, lalo sa mga kalsadang malapit sa competition venues.",
"“May deployment kami ng tow trucks, maniniket pa rin ang aming mga enforcers. Sumunod pa rin tayo sa batas trapiko,” ani pa ng opisyal.",
"Kabilang sa mga lugar na pagdarausan ng mga palaro ay ang Maynila, Mandaluyong, Muntinlupa, Pasay, Pasig at Taguig City."
] | AbanteTNT | News | News | Ngayon buwan ng Nobyembre at Disyembre ,magpapatupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng “stop and go” scheme sa EDSA at ilang pangunahing kalsada sa Kalakhang Maynila kasabay ng Southeast Asian (SEA) Games. | [
"Klase isuspende, mga mall ‘wag mag-sale sa SEA Games – MMDA",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen"
] | 0 | Oct 23, 2019 @ 17:23 | Armida d. Rico | https://tnt.abante.com.ph/klase-isuspende-mga-mall-wag-mag-sale-sa-sea-games-mmda/ | ||
Go: Sahod ng mga atleta ibigay | [
"Kinatok ang Philippine Sports Commission (PSC) ni Sen. Christopher Lawrence ‘Bong’ Go para aksiyunan ang reklamong pagkaantala ng monthly allowances ng national athletes at coaches lalo na ngayong may pandemiya.",
"“May mga natatanggap akong reklamo tungkol sa delayed na pagbigay ng mga allowance ng ating athletes at coaches para sa mga buwan ng Hunyo at Hulyo. Ngayon ay Agosto na. Tinatawagan ko ng pansin ang pamunuan ng PSC kung maaaring tingnan ang reklamong ito. Ayusin ang dapat ayusin at ibigay ang dapat ibigay,” pahayag kamakalawa ng Senate Committee on Health and Sports chairman.",
"Giit pa niya, “We are in the middle of a pandemic and everyone is having difficulty. Our athletes and coaches who bring honor to our country are no exception.”",
"Pinasalamatan naman nina PSC Commissioner Ramon Fernandez at Executive Director Atty. Guillermo iroy Jr. ang pagmamalasakit ng mambatas at inihayag kahapon na makukuha na ang mga allowance simula ngayon sa Landbank , na pektado ang operasyon dahil nagka-Covid-19 na kina-delay ng operasyon. (Janiel Abby Toralba)"
] | Abante | Sports | Sports | Kinatok ang Philippine Sports Commission (PSC) ni Sen. Christopher Lawrence ‘Bong’ Go para aksiyunan ang reklamong pagkaantala ng monthly allowances ng national athletes at coaches lalo na ngayong may pandemiya. | [
"Go: Sahod ng mga atleta ibigay",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"FESSAP pinuri ni Duterte"
] | 0 | Aug 9, 2020 | Abante News | https://www.abante.com.ph/go-sahod-ng-mga-atleta-ibigay/ | ||
ABS-CBN kawalan sa panahon ng sakuna – Binay | [
"Ayon kay dating Vice President Jejomar Binay, kapansin-pansin ang epekto ng ABS-CBN shutdown sa mga residente sa malalayong lugar na kailangan ng impormasyon, lalo kapag may mga natural na kalamidad.",
"Sa isang pahayag ngayong Lunes, pinunto ni Binay kung paano nakapagbibigay-impormasyon ang Kapamilya network sa mga liblib na lugar na apektado ng bagyo at iba pang sakuna.",
"Kaso matapos bumoto ang Kamara na huwag bigyan ng bagong prangkisa ang broadcast giant ay may mga napaulat aniyang residenteng nabigla sa bagsik ng Bagyong Rolly.",
"“The onslaught of Typhoon Rolly has once again reminded us of the indispensable role of media during times of natural calamities… Sadly, the closure of ABS CBN, including its radio and regional network, has left a noticeable void that has yet to be filled by the other networks,” bigkas ng dating VP, Nobyembre 2.",
"“This early, there are anecdotal stories of residents who were caught off-guard, unaware of the super typhoon’s destructive nature, and orders from local authorities to evacuate,” aniya pa.",
"Ayon kay Binay, malaki ang epekto sa buhay ng karaniwang Pinoy ng mga politikal na desisyon, lalo iyong mga ginawa upang singilin ang pambabatikos sa gobyerno o upang maremedyohan ang isang personal na insulto.",
"“This experience should give us all a vital lesson. That political decisions, especially those intended to exact a steep price for criticisms of government policies and personalities or to redress a real or imagined personal insult, can have far-reaching and even tragic consequences on the lives of ordinary Filipinos,” saad pa ng dating Bise.",
"Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, Lunes, higit 2 milyong katao sa 12 rehiyon ang apektado sa Bagyong Rolly. 10 katao naman ang namatay."
] | AbanteTNT | News | News | Ayon kay dating Vice President Jejomar Binay, kapansin-pansin ang epekto ng ABS-CBN shutdown sa mga residente sa malalayong lugar na kailangan ng impormasyon, lalo kapag may mga natural na kalamidad. | [
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"ABS-CBN kawalan sa panahon ng sakuna – Binay",
"FESSAP pinuri ni Duterte"
] | 2 | Nov 2, 2020 @ 12:19 | SDC | https://tnt.abante.com.ph/abs-cbn-kawalan-sa-panahon-ng-sakuna-binay/ | ||
‘Inutil’ ni Madam Inutz pasabog sa YouTube | [
"Inilabas na ang kantang “Inutil” ng viral online seller na si Madam Inutz o Daisy Lopez sa tunay na pangalan.",
"Pinusuan ng mga netizen ang music video, kung saan ipinamalas ni Madam Inutz hindi lamang ang talento niya sa pagkanta kundi ang husay sa paghataw.",
"Mala-K pop din ang datingan ng MV ng “Inutil” dahil sa makukulay na outfit ni Madam Inutz.",
"Humakot agad ito ng libo-libong views sa YouTube at positibo ang reaksyon ng mga netizen sa aniya’y catchy song ni Madam Inutz.",
"Shee A: “Pang international! Mala Meghan trainor ang MV at beat. Catchy! Magttrending ito! Congrats Madam Inutz. Another proof na walang imposible sa mundong ito. from nothing to a star. Ang ganda ng song at beat!”",
"Mark Tabelisma: “Grabe ang production, walang tapon. pinaghandaan talaga! ang galing!”",
"Suppasit Mew: “Super catchy ng lyrics at super good vibes rin ng whole MV. CONGRATULATIONS MADAM INUTZ.”",
"Panoorin ang music video sa ibaba:",
"(IS)"
] | AbanteTNT | Entertainment | Showbiz | Inilabas na ang kantang “Inutil” ng viral online seller na si Madam Inutz o Daisy Lopez sa tunay na pangalan. | [
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"‘Inutil’ ni Madam Inutz pasabog sa YouTube",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX"
] | 2 | Sep 23, 2021 @ 17:42 | IS | https://tnt.abante.com.ph/inutil-ni-madam-inutz-pasabog-sa-youtube/ | ||
12 kelot nag-gym sa QC, timbog | [
"Dahil sa paglabag sa general community quarantine (GCQ) protocol sa Metro Manila, hinuli kagabi ang 12 lalaki na nasa loob ng isang fitness gym sa Quezon City.",
"Pumunta sa gym ang mga tauhan ng QC Task Force Disiplina (TFD) matapos makatanggap ng ulat na nakabukas ang gym kahit bawal pang mag-operate ang mga ito.",
"Matatandaang sinabi ng Palasyo na hindi pa pinapayagan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang balik-operasyon ng mga gym at internet cafe sa mga GCQ area.",
"“Matapos maiprofiling ng TFD ay dinala ang 12 kalalakihan sa tanggapan ng Police Station 6 na nakaharap sa paglabag sa kasong R.A 11332 (mass gathering and not wearing of face mask/face protector),” sabi ng task force sa Facebook, Lunes.",
"“Posibleng managot ang may-ari at maipasara ang naturang gym,” saad pa nito."
] | AbanteTNT | Crime | Crime | Dahil sa paglabag sa general community quarantine (GCQ) protocol sa Metro Manila, hinuli kagabi ang 12 lalaki na nasa loob ng isang fitness gym sa Quezon City. | [
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"12 kelot nag-gym sa QC, timbog"
] | 3 | Aug 24, 2020 @ 9:10 | SDC | https://tnt.abante.com.ph/12-kelot-nag-gym-sa-qc-timbog/ | ||
Spartans angat sa Rizal Towers | [
"Umapat ang draw game ni Arena Grandmaster Marc Voltaire Paraguya kay IM Rolando Nolte upang akbayan ang City of General Trias, Cavite Spartans sa back-to-back win sa All Filipino Conference Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) na inilaro sa lichess platform.",
"Nilista ng Spartans ang 12.5-8.5 panalo kontra Rizal Batch Towers na hindi pa rin naglalaro ang kanilang pambato na si Asia’s first grandmaster Eugene Torre.",
"Ang mga nagwagi sa Spartans ay sina Kevin Arquero na nakaungos kay FM Mari Joseph Turqueza, 3-1, sa board two, Clairevy Estavillo – Marisga pinisak si Enrica Villa, 3-0, sa board three at Jayson San Jose Visca na tinalbos si Marlon Constantino, 3-0, sa board six.",
"Bumida para sa Rizal Batch Towers si Arena Grandmaster Herman Vallente na tinalo si Ricardo Batcho, 3-0, sa board seven. (Elech Dawa)"
] | Abante | Sports | Sports | Umapat ang draw game ni Arena Grandmaster Marc Voltaire Paraguya kay IM Rolando Nolte upang akbayan ang City of General Trias, Cavite Spartans sa back-to-back win sa All Filipino Conference Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) na inilaro sa lichess platform. | [
"Spartans angat sa Rizal Towers",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen"
] | 0 | Jan 22, 2021 | Abante News | https://www.abante.com.ph/spartans-angat-sa-rizal-towers/ | ||
(Apektado ng COVID-19) PAUTANG SA SMEs, COOPS | [
"INILUNSAD ng state-run Land Bank of the Philippines ang isang lending program upang tulungan ang small and medium enterprises (SMEs), microfinance institutions (MFIs) at cooperatives na makabangon mula sa epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.",
"Layon ng Interim REhabilitation Support to Cushion Unfavorably-affected Enterprises by COVID-19 (I-RESCUE) lending program ng state lender na magkaloob ng ayuda sa pamamagitan ng credit at loan restructuring sa ilalim ng mas flexible na terms and conditions.",
"“Interested SMEs, MFIs and cooperatives may borrow up to 85% of their actual need for working capital, at an interest rate of 5% per annum, payable up to a maximum of five years, with grace period on the principal payment,” ayon sa statement ng LandBank.",
"Ang I-RESCUE program ay nag-aalok din ng restructuring ng existing loan account via additional loan, extended repayment period, o sa pamamagitan ng ibang paraan.",
"Ang loan ay maaaring i-extend ng hanggang 10 taon, na may hanggang tatlong taon na grace period sa principal at hanggang isang taon na grace period sa interest, depende sa cash flow.",
"“LandBank stands ready to respond to the financial needs of enterprises hardly hit by the COVID-19 pandemic for rehabilitation support. We hope that the I-RESCUE Lending Program will help restore economic and social activities in our country, especially in the countryside,” wika ni LandBank president and CEO Cecilia Borromeo.",
"Ang LandBank I-RESCUE Lending Program ay bilang suporta sa Republic Act No. 11469 o ang “Bayanihan to Heal as One Act,” na tumitiyak sa pagkakaloob ng napapanahon at abot-kayang pautang sa mga sektor na naapektuhan ng COVID-19, kabilang ang maliliit na magsasaka at mangingisda.",
"Ang mga interesadong borrower ay maaaring makipag-ugnayan sa pinakamalapit na bukas na LandBank Lending center o branch sa buong bansa. Maaari ring tumawag sa customer service hotline nito sa (02) 8-405-7000 o sa PLDT domestic toll free 1-800-10-405-7000."
] | PilipinoMirror | News | NEGOSYO | INILUNSAD ng state-run Land Bank of the Philippines ang isang lending program upang tulungan ang small and medium enterprises (SMEs), microfinance institutions (MFIs) at cooperatives na makabangon mula sa epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis. | [
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"(Apektado ng COVID-19) PAUTANG SA SMEs, COOPS",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX"
] | 1 | April 15, 2020 | admin | https://pilipinomirror.com/apektado-ng-covid-19-pautang-sa-smes-coops/ | ||
Ilocos LGU sinaluduhan mga frontliner | [
"Bilang pagpupugay at pasasalamat sa kanilang katangapan sa laban kontra pandemic, nagbigay ang Ilocos Sur local government unit (LGU) ng mass salute para sa mga frontline sa probinsya.",
"Sa pangunguna ni Gov. Ryan Luis Singson, ang nasabing mass salute ay ginanap sa Ilocos Sur Provincial Hospital-Gabriela Silang kamakalawa na dinaluhan ng iba pang mga opisyal, na tumayo sa harap ng mga health worker at sumaludo sa kanila para iparamdam ang pasasalamat.",
"“It is your selflessness and bravery that has changed our perceptions in life, rest assured your provincial government is also working hard to strengthen our capacity to face the challenges that may come in the days or weeks in the bid to keep our community safe,” ani Singson. (Allan Bergonia)"
] | AbanteTNT | News | News | Bilang pagpupugay at pasasalamat sa kanilang katangapan sa laban kontra pandemic, nagbigay ang Ilocos Sur local government unit (LGU) ng mass salute para sa mga frontline sa probinsya. | [
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Ilocos LGU sinaluduhan mga frontliner"
] | 3 | Jun 22, 2020 @ 20:13 | null | https://tnt.abante.com.ph/ilocos-lgu-sinaluduhan-mga-frontliner/ | ||
3 todas, 2 sugatan sa shuttle bus | [
"Tatlong babae ang namatay, kabilang ang isang mag-ina, sa aksidenteng kinasangkutan ng isang shuttle bus sa Carmona, Cavite nitong Linggo ng gabi.",
"Kinilala ang mga nasawi na sina Teresa Ancheta at kanyang 14-anyos na anak na si Trisha, at isang nagngangalang Gemma Protacio.",
"Batay sa imbestigasyon, tinatahak ng Daewoo shuttle bus na may plakang RMP 310 na minamaneho ng isang nakilala lamang sa pangalang “Tokyo” ang Governor’s drive, nang pagsapit sa Barangay Maduya ay mabundol nito ang isang tumatawid na babaeng kinilalang si Lily Villamor.",
"Sa halip na huminto, tinakas ng driver ang bus, at mabilis na pinatakbo. Subalit dahil sa takot ay tumalon umano mula rito ang isa sa mga pasahero na si Protacio .",
"Bumangga naman ang bus sa isang trak bago nasapol ang tricycle na sinasakyan ng mag-anak na Ancheta.",
"Agad sinugod sa Pagamutang Bayan ng Carmona ang mga biktima, kabilang ang driver ng tricycle at tatay na si Dexter Jose Ancheta, subalit ang mag-ina ay pawang dineklarang dead on arrival ng doktor.",
"Ginagamot pa rin ang dalawang sugatan, sina Villamor at Ancheta, sa ospital.",
"Tuluyan namang tumakas si Tokyo na ngayon ay pinaghahanap pa ng mga awtoridad at nahaharap sa mga kasong reckless impudence resulting to multiple homicide at damage to properties. (Ronilo Dagos)"
] | AbanteTNT | Crime | Crime | Tatlong babae ang namatay, kabilang ang isang mag-ina, sa aksidenteng kinasangkutan ng isang shuttle bus sa Carmona, Cavite nitong Linggo ng gabi. | [
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"3 todas, 2 sugatan sa shuttle bus",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen"
] | 1 | Oct 28, 2019 @ 13:27 | Ronilo Dagos | https://tnt.abante.com.ph/3-todas-2-sugatan-sa-shuttle-bus/ | ||
Wala pa 1 buwan, dayuhang turista sirit sa 40K – DOT | [
"Dumadagsa na ang mga dayuhang turista sa Pilipinas simula nang buksan ang pintuan para makapasok sa bansa.",
"Ito ang masayang ibinalita sa Laging Handa public briefing ni Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat kasabay ng pinaluwag na restriction para sa mga dayuhan.",
"Ayon kay Puyat, mayroon na silang naitalang mahigit 40,000 mga dayuhang turista sa loob lamang ng 18 araw na isang indikasyon na bumabalik na unti-unti ang sigla ng turismo.",
"“From February 10 to February 28, may recorded ng dumating na 47,715 turista. Masayang-masaya kami kasi we didn’t expect na may talagang dadating, because normally, ang dating ng mag turista usually pag winter months nila or kapag school break ng mga bata,” ani Puyat.",
"Kabilang aniya sa mga maagang bumisita sa Pilipinas ay mga balikbayan mula sa Amerika, Canada, United Kingdom, South Korea, Vietnam at Germany.",
"Inaasahan aniyang mas tataas pa ang mga darating na dayuhang turista sa mga susunod na araw lalo na at nasa Alert Level 1 na ang maraming lugar sa bansa na hindi na mahirap pasyalan dahil maluwag na sa restriction protocol.",
"“45 percent nito ay balikbayan at 55% ay foreign tourists. Number one coming from the United States, Canada, United Kingdom, South Korea, Vietnam and Germany,” dagdag ni Puyat.",
"Ibinalita rin ng kalihim na marami ng mga trabaho sa turismo ang nagbubukas muli dahil sa gumagandang sitwasyon na sa bansa, lalo na sa sektor ng turismo.",
"“Dahil sa pandemya, ang naapektuhang trabaho ay 1.1 million. Ayon sa mga hotel at LGU, sabi nila marami na silang nire-rehire kasi marami ng pumupunta sa kanilang destinations or pumupunta sa mga hotel,” sambit pa ng kalihim.",
"“Marami ng mga hotel ay fully-booked already. So this is a good sign and they are rehiring,” wika ni Puyat. (Aileen Taliping)"
] | AbanteTNT | News | News | Dumadagsa na ang mga dayuhang turista sa Pilipinas simula nang buksan ang pintuan para makapasok sa bansa. | [
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Wala pa 1 buwan, dayuhang turista sirit sa 40K – DOT",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"FESSAP pinuri ni Duterte"
] | 1 | Mar 3, 2022 @ 15:44 | Aileen Taliping | https://tnt.abante.com.ph/wala-pa-1-buwan-dayuhang-turista-sirit-sa-40k-dot/ | ||
SEAG: THAIS MAHIGPIT NA MAKAKALABAN NG PH BOXERS | [
"KUNG si boxing coach Ronald Chavez ang masusunod ay nais niyang kunin lahat ng ginto sa 2021 Southeast Asian Games kung saan hindi pa nabobokya ang mga Pinoy mula nang sumali sa biennial meet noong 1977 sa Thailand.",
"“If I have my way I want to win all the gold medals and maintain the winning tradition in the SEA Games,” sabi ni Chavez.",
"Ayon kay Chavez, malalakas ang mga kalaban lalo na ang perennial rival Thailand at inaasahang muling magsasagupa ang dalawang mortal na magkalaban sa overall championship.",
"Tinalo ng mga Pinoy ang Thais at nakuha ang overall championship sa boxing sa paghakot ng pitong ginto, tatlong pilak at dalawang tanso sa 2019 SEA Games na ginawa sa Filipinas.",
"“Malakas din ang Vietnam at ibang boxers galing sa ibang mga bansa. Mas takot ako sa Thailand, sila ang mahigpit nating kalaban at laging nagsasagupa ang mga Pinoy at Thais sa overall championship every SEA Games,” ayon pa kay Chavez.",
"“Hindi ko tinatawaran ang galing ng mga Vietnamese boxer. Malakas at inspired dahil sa kanila gagawin ang SEA Games. Pero mas concern ako sa Thais dahil sila lagi ang kalaban natin sa overall mula noon at hanggang ngayon. Marami akong nakalabang Thais noong lumalaban ako sa SEA Games,” wika ni Chavez.",
"Si Chavez ay consistent winner sa SEA Games, kasama ang kanyang kapatid si Arlo Chavez. Nanalo siya noong 1989, 1991, 1993, at 1995 at lumaban sa 1992 Barcelona Olympics bago naging coach ng ABAP.",
"Sinabi ni Chavez na malalakas at battle-tested ang ipadadala nila sa Vietnam at kumpiyansa siya na muling mag-uuwi ng karangalan ang mga Pinoy ringsters, sa pangugnuna nina Tokyo Olympic-bound Felix Eumer Marcial at Irish Magno, Nesthy Petecio, Jogen Ladon, James Palicte, Ian Clark Bautista at Filipino-Briton John Tupaz Marvin.",
"“May kumpiyansa ako sa ating mga boxer. They are all veterans, battle-tested and well-experienced,” ani Chavez.CLYDE MARIANO"
] | PilipinoMirror | News | BALITA | KUNG si boxing coach Ronald Chavez ang masusunod ay nais niyang kunin lahat ng ginto sa 2021 Southeast Asian Games kung saan hindi pa nabobokya ang mga Pinoy mula nang sumali sa biennial meet noong 1977 sa Thailand. | [
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"SEAG: THAIS MAHIGPIT NA MAKAKALABAN NG PH BOXERS",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen"
] | 2 | October 10, 2020 | admin | https://pilipinomirror.com/seag-thais-mahigpit-na-makakalaban-ng-ph-boxers/ | ||
MPBL: Navotas ibinaon ang Pasig | [
"Pinatikim ng Navotas Clutch ang ika-anim na sunod na talo ng Pasig Pirates matapos nitong lampasuhin ang tropa sa sarili nitong bahay, 97-70, sa Anta Datu Cup ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), Martes ng gabi sa Pasig Sports Center.",
"Tila isang bangungot ito para sa Pirates na bitbit ngayon ang 0-6 sa kanilang baraha dahil sa unang tangan palang ng laro ay niyanig na agad sila ng mga bata ni coach Richie Ticzon sa 15 puntos na kalamangan, 26-11.",
"Mula doon ay hindi na muling lumingon ang Clutch at nagpatuloy ito sa pag-ariba at pag-alagwa hanggang sa pumatak ang huling 17 segundo ng third quarter at pumalo nang husto ang kanilang kalamangan sa 37 puntos.",
"Naging bala ng Navotas si Matt Salem na tumapos ng 14 puntos, sa likod ng apat na tres, habang may tig-13 puntos naman sina Levi Hernandez, Gino Jumao-as at Michole Sorella.",
"Sa panig naman ng Pirates, nanguna si Boyet Bautista na rumehistro ng 20 puntos at limang assists.",
"Bitbit ngayon ng Navotas ang ikawalong pwesto sa North Division hawak ang 3-3 na kartada habang patuloy na nangungulelat sa parehong dibisyon ang Pirates sa tangan na 0-6 baraha."
] | AbanteTNT | Sports | Atletiko Radar | Pinatikim ng Navotas Clutch ang ika-anim na sunod na talo ng Pasig Pirates matapos nitong lampasuhin ang tropa sa sarili nitong bahay, 97-70, sa Anta Datu Cup ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), Martes ng gabi sa Pasig Sports Center. | [
"MPBL: Navotas ibinaon ang Pasig",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen"
] | 0 | Aug 22, 2018 @ 17:25 | Fergus E. Josue Jr. | https://tnt.abante.com.ph/mpbl-navotas-ibinaon-ang-pasig/ | ||
Villar umalma sa bakuna donation | [
"Nairita si Senador Cynthia Villar sa sistema aniya ng gobyerno na obligadong mag-donate ang pribadong sektor mula sa kanilang bibilhing bakuna ng AstraZeneca laban sa COVID-19.",
"Ayon kay Villar, `double charging’ na ang ginagawa ng gobyerno sa mga malalaking negosyante na nais lamang makabili ng maaga ng bakuna dahil sa polisiya na kailangang mag-donate ang mga ito mula sa bibilhin nilang COVID-19 vaccine.",
"Kalokohan aniya na puwersahin ang mga negosyante ng 1:1 donation per vial.",
"“I just want to manifest that if you buy through government, `yong private sector, you have to donate one-half of what you are buying,” sabi ni Villar sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole nitong Lunes hinggil sa vaccination plan ng gobyerno.",
"“Doble ang cost sa’yo kapag private sector ka,” dagdag ng senador.",
"Kabisado ito ni Villar base sa kanyang naging karanasan dahil sa isang grupo ng malalaking negosyante sa bansa ang nag-ambagan ng milyon-milyong piso para ibili ng COVID-19 bakuna ang kanilang mga empleyado subalit kinailangang magbigay din sila sa Department of Health (DOH).",
"Depensa naman ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na hindi ito polisiya ng gobyerno kundi ng AstraZeneca.",
"“Itong vaccine company (follows) the principle of no cost and equitable access. In order not to violate the Oxford rule is for the private sector (has) to donate at least half for equitable access,” paliwanag ni Galvez kay Villar.",
"Sinagot naman siya ni Villar na nais lamang makabili ng bakuna ng mga kompanya para sa kanilang mga manggagawa.",
"Samantala, nilinaw din ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi makakabili ng bakuna ang mga local government unit kung walang koordinasyon sa national government.",
"Iginiit ni Roque na mayroong tripartite agreement ang national at local government kaya dapat na sundin ito. Aniya pa, national government pa rin ang magdi-distribute sa mga LGU ng bibilhing bakuna.",
"“Kasunduan iyan, legally enforceable agreement `yan — kapag hindi sinunod eh `di magkakaroon ng pananagutan iyong mga sumusuway sa tripartite agreement,” dagdag ni Roque.",
"Ganito rin ang lumabas sa pagdinig ng Senado nitong Lunes kung saan inihayag ng mga senador na dapat payagan ng Food and Drug Administration (FDA) ang pribadong sektor at mga LGU na makabili ng COVID-19 bakuna direkta sa mga pharmaceutical company.",
"“Bakit ang national government gusto i-monopolize ang pag-purchase? Bakit `di na lang payagan `yong LGUs at private sector to do their own purchases?” tanong ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto.",
"Pero giit ni FDA Director General Eric Domingo, mahalaga aniyang dumaan sa national government ang pagbili ng bakuna dahil ang produktong iisyuhan ng EUA ay para sa local distribution lamang.",
"“It takes about seven years to procure a vaccine and they can only apply for a certificate of product registration or marketing authorization once that these three trials are completed,” paliwanag ni Domingo.",
"Responsiblidad aniya ng gobyerno ang paggamit ng isang produkto na under development pa.",
"“Naniniwala naman po kami na kailangan naman po talaga ng LGUs at ng private sector kaya nga po ginawan natin ng paraan para sila maka-access through DOH [Department of Health],” ani Domingo.(Aileen Taliping/Dindo Matining/Prince Golez)"
] | AbanteTonite | News | News | Nairita si Senador Cynthia Villar sa sistema aniya ng gobyerno na obligadong mag-donate ang pribadong sektor mula sa kanilang bibilhing bakuna ng AstraZeneca laban sa COVID-19. | [
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Villar umalma sa bakuna donation",
"FESSAP pinuri ni Duterte"
] | 2 | Jan 11, 2021 | Abante Tonite | https://tonite.abante.com.ph/villar-umalma-sa-bakuna-donation/ | ||
COVID positive sa ‘Pinas, lumobo sa 76,444 | [
"Patuloy ang pag-akyat ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, na umabot na sa 76,444 ngayong Biyernes.",
"Ayon sa tala ng Department of Health, 2,103 ang bagong kaso ng tinamaan ng new coronavirus sa bansa.",
"Karamihan dito ay mula sa NC na may 1,272 new cases, habang 291 naman ay mula sa Cebu, 107 sa Laguna, 83 sa Rizal at 53 sa Cavite.",
"Samantala, sirit naman sa 24,502 ang gumaling sa sakit sa 144 bagong nakarekober.",
"Habang akyat sa 1,879 ang death toll sa napaulat na 15 bagong nasawi sa virus."
] | AbanteTNT | News | News | Patuloy ang pag-akyat ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, na umabot na sa 76,444 ngayong Biyernes. | [
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"COVID positive sa ‘Pinas, lumobo sa 76,444",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"FESSAP pinuri ni Duterte"
] | 1 | Jul 24, 2020 @ 16:52 | RP | https://tnt.abante.com.ph/covid-positive-sa-pinas-lumobo-sa-76444/ | ||
Huwag payagang masalaula ng hokus PCOS | [
"You will only fail to learn if you do not learn from failing – Stella Adler",
"Mga ‘iGan, sa kabila ng mga akusasyon at kaliwa’t kanan na paratang sa pandaraya sa mga nagdaang eleksyon sa Pilipinas, iginawad pa rin ng Commission on Election (Comelec) sa Smartmatic ang P1.04 bilyong mga bagong kontrata kaugnay sa Eleksyon 2022.",
"Noong Disyembre, naunang iginawad ng Comelec ang P637,443,308 kontrata upang ayusin nila ang 97,345 vote count machine (VCMs) at upang matustusan ang komisyon ng 109,745 SD (secure digital), DD WORM, at 250,000 cleaning sheets.",
"Noong Mayo 5, nakuha rin ng Smartmatic ang kontrata na nagkakahalaga ng P402,725,549 para muling mamahala sa automated election sa taong 2022.",
"Ang Smartmatic ay naging katuwang ng Comelec para sa automated election noong 2010, 2013, 2016 at 2019. Ito ay sa kabila na ang Smartmatic ay nasangkot sa mga iregularidad sa pag-bid at sa mga natuklasan ng mga eksperto sa information technology na ang kanilang sistema ay maaaring ma-tamper o magalaw.",
"Nauna nang binulgar ng Automatic Election System (AES) Watch na tapos na ang license agreement sa pagitan ng Smartmatic at Dominion Voting Systems na nakabase sa Estados Unidos at Smartmatic noon pang May 23,2012.",
"Ang Dominion ang magbibigay ng teknolohiya ng Smartmatic.",
"“Wala nang access ang Smartmatic sa suportang pang-teknikal pati na rin ang pagmamay-ari ng source code ng Dominion at iba pang mga escrow material na mahalaga sa pagwawasto sa mga makikitang mali sa pagbibang ng PCOS sa mga boto, kapag hiniling na ito ng Comelec,” ayon kay Prof. Bobby Tuazon.",
"Noong May 30, 2019 naman, hindi rin nakaligtas sa galit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nangyari umanong dayaan gamit ang PCOS machine ng Smartmatic sa 2016 national election.",
"Sa kabila na nanalo si Duterte sa eleksyon bitbit ang malaking bilang ng boto (16 milyon), hindi pa rin niya napigilan na akusahan ang Smartmatic na sangkot sa pandaraya sa eleksyon.",
"Muli niyang ibinato ang parehong paratang sa Smartmatic noong 2019 midterm polls kung saan nanalo ang walong mga kandidato sa pagka-senador ni Duterte.",
"Sinabi ni Duterte noon na nais niyang putulin na ng Comelec ang kontrata sa Smartmatic. “Panahon nang mapalitan ang Smartmatic!!!” dagdag niya.",
"“I would like to advise Comelec now, I won’t wait for it (SONA) anymore: Dispose of that Smartmatic and look for a new one that is free of fraud,”pahayag ni Duterte.",
"Sinabi ni Duterte na ang Smartmatic, na nagbigay din ng mga counting machine na ginamit noong 2016 poll, ay “nagsusulong ng pandaraya.”",
"“Discard it (Smartmatic) because it is no longer acceptable to me,to the people, and even to the congressmen who are here,” aniya.",
"Kinuwestyon pa ni Duterte kung bakit laging pinagsisiksikan ng Comelec ang sarili sa Smartmatic sa kabila na ang baba na ng kredibilidad nito.",
"Sana ang paninindigan noon ni Duterte laban sa Smartmatic ay di kabilang sa kanyang mga ‘joke time’ dahi ang desisyon ng mamamayang pilipino ang napaglalaruan ng dayuhang kumpanya na ito.",
"Ang tanong, wala na bang ibang bidder? Di ba kaya ng Filipino technology experts na pamahalaan ang sistema ng botohan at bilangan sa ating bansa?",
"Hindi ko pa rin makakalimutan ang nabanggit ng isang opisyal ng gobyerno sa akin bago ang 2016 election. “Maidikit lang si (pangalan ng kandidato niya) sa survey kay (pangalan ng nangungunang kandidato), kami na ang bahala sa PCOS.”",
"Pero di kinaya ng kanilang powers ang sobrang dami nang bumoto kay Duterte. Kaya wala siyang nagawa kundi ang mag-ober di bakod at ngayon ay kasama na sa administrasyon ni Duterte.",
"Sa isyu ng paglaban sa Covid19 at sa West Philippine Sea, mahalaga ang magiging desisyon ng bawat mamamayang Pilipino sa eleksyon 2022. Huwag nating payagan na muli itong masalaula ng Hokus Pcos.",
"WALANG PERSONALAN!"
] | Abante | Other | Opinion | You will only fail to learn if you do not learn from failing – Stella Adler | [
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Huwag payagang masalaula ng hokus PCOS",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen"
] | 2 | May 25, 2021 | Abante News | https://www.abante.com.ph/huwag-payagang-masalaula-ng-hokus-pcos/ | ||
Mahigit 60 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Butuan | [
"Nasa 63 na pamilya umano ang nawalan ng matitirahan dahil sa sunog na tumupok sa may 80 kabahayan sa Butuan City noong Sabado.",
"Pawang gawa umano sa light materials ang mga bahay sa naturang lugar kaya mabilis na kumalat ang apoy.",
"Nagsimula umano ang sunog sa bahay na pag-aari ng isang Luz Sabalo sa Barangay Obrero.",
"Isang sunog sa kusina umano ng bahay ni Sabalo ang natanggap na ulat ng city fire marshal na si Cesar Dejos.",
"Hindi pa batid ang kabuuang halaga ng pinsala ng sunog at kung may nasaktan o namatay sa insidente. ()"
] | AbanteTNT | Other | Uncategorized | Nasa 63 na pamilya umano ang nawalan ng matitirahan dahil sa sunog na tumupok sa may 80 kabahayan sa Butuan City noong Sabado. | [
"Mahigit 60 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Butuan",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen"
] | 0 | Jul 30, 2018 @ 12:58 | IS | https://tnt.abante.com.ph/mahigit-60-pamilya-nawalan-ng-bahay-sa-sunog-sa-butuan/ | ||
DUTERTE BINIRO SI VP LENI SA PMA GRAD | [
"PABIRONG pinuna ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo sa hindi pagngiti sa kaniya sa graduation rites ng Philip-pine Military Academy (PMA) Mabalasik Class of 2019 sa Baguio City.",
"Sa mismong talumpati ng Pangulo tinanong nito ang bise presidente kung bakit hindi nag-smile sa kaniya. “Bakit noon Ma’am nag-smile ka sa akin? Ngayon hindi na. Ikaw ha?,” pahayag ng Pangulo.",
"Bago pa man nagsimula sa kaniyang talumpati, kinamayan muna ni Duterte si Robredo. Magkatabi ang dalawa sa PMA graduation.",
"Ito ang unang pagkakataon na nagkasama sina Duterte at Robredo matapos idawit ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy na si Robredo, ang Liberal Party (LP) at si Senador Antonio Trillanes IV ang nasa likod ng tangkang pagpapatalsik sa puwesto sa Pangulo."
] | PilipinoMirror | News | BALITA | PABIRONG pinuna ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo sa hindi pagngiti sa kaniya sa graduation rites ng Philip-pine Military Academy (PMA) Mabalasik Class of 2019 sa Baguio City. | [
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"DUTERTE BINIRO SI VP LENI SA PMA GRAD"
] | 3 | May 27, 2019 | admin | https://pilipinomirror.com/duterte-biniro-si-vp-leni-sa-pma-grad/ | ||
LEACHON, PINAG-I-INHIBIT SA HOUSE OF REPRESENTATIVES ELECTORAL TRIBUNAL | [
"“SA ngalan ng integridad at delicadeza, nararapat lang na mag-inhibit sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) si Oriental Mindoro 1st District Representative Paulino Salvador Leachon dahil sa electoral protest na nakasumite laban sa kanya.”",
"Ito ang pahayag ni Marilou Morillo, kandidato ng Partido Federal ng Pilipinas sa Unang Distrito ng Oriental Mindoro noong nakaraang halalan ng Mayo 2019.",
"Si Morillo ay naghain ng electoral protest sa HRET laban kay Leachon noong Hulyo dahil sa hindi maipaliwanag na technical errors ng mga vote counting machine (VCM) at mga depektibong SD cards na nagresulta sa pagka-delay ng pagsusumite ng resulta ng eleksiyon mula sa precinct level hanggang sa Provincial Board of canvassers.",
"Ani Morillo, “dahil sa mga technical error ng VCMs, ang resulta ng eleksiyon ay naging kaduda-duda kung ito ba ay intensiyonal sa layong mamanipula ang eleksiyon pabor kay Leachon. Ano ngayon ang magiging integridad ng HRET at paano namin matitiyak na walang pagkiling sa magiging desisyon kung si Leachon na chairman ng HRET ang didinig sa kaso laban sa kanya, kaya hinihiling namin ang pag-iinhibit niya sa electoral tribunal.”",
"Pagdidiin ni Morillo na matapos ang pagsusumite ng kanilang protesta laban kay Leachon, “nagmadali itong makuha ang posisyon sa HRET. Ano ang agenda na pinag-interesan niyang makuha ang posisyon sa HRET? Hindi kaya dahil may plano siyang manipulahin ang maaring maging resulta sa aming protesta pabor sa kanya? Maging ang kanyang mga kapartido ay dismayado sa kanya dahil matapos niyang makuha ang posisyon ay inabandona niya ang kanyang mga kasama sa PDP-Laban. Kung mayroon siyang delicadeza, dapat na siyang mag-inhibit sa puwesto at para na rin hindi mabahiran ng pagdududa ang maaring magiging desisyon ng electoral tribunal.”",
"Sa isinumiteng electoral protest sa HRET, hiniling ni Morillo ang vote recount at pagbawi sa proklamasyon kay Leachon bilang representante sa unang distrito ng Oriental Mindoro."
] | PilipinoMirror | News | BALITA | “SA ngalan ng integridad at delicadeza, nararapat lang na mag-inhibit sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) si Oriental Mindoro 1st District Representative Paulino Salvador Leachon dahil sa electoral protest na nakasumite laban sa kanya.” | [
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"LEACHON, PINAG-I-INHIBIT SA HOUSE OF REPRESENTATIVES ELECTORAL TRIBUNAL",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX"
] | 1 | August 26, 2019 | admin | https://pilipinomirror.com/leachon-pinag-i-inhibit-sa-house-of-representatives-electoral-tribunal/ | ||
PhilHealth ‘mafia’ sinisilip din ng NBI – Duque | [
"Kabilang umano sa ginagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa “ghost dialysis” ang umano’y mafia sa loob ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).",
"Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III sa panayam sa Unang Balita, sinisiyasat na ang mga opisyal ng PhilHealth na sangkot sa umano’y “ghost dialysis” ng WellMed Dialysis & Laboratory Center Corp.",
"“Kasama ‘yan sa imbestigasyon na isinagawa. Kaya nga inihanda na ang pakikipagtulungan ng PhilHealth sa NBI para ma-establish through a chronology of events. Kasi ‘yung chronology of events, matutukoy mo anu-anong opisina ang humawak ng mga dokumento, saan nagkapasahan ng dokumento, saan nagkabalikan ng dokumento, bakit naging napakatagal bago nila malitis ang kasong ito,” ani Duque.",
"Nag-ugat ang kontrobersiya nang ibunyag ng dalawang dating empleyado ng WellMed ang pagsingil ng dialysis center sa PhilHealth kahit patay na ang mga pasyente.",
"Bunga nito, hiningi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang courtesy resignations ng matataas na opisyal ng PhilHealth kabilang na si acting president Dr. Roy Ferrer."
] | AbanteTNT | News | News | Kabilang umano sa ginagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa “ghost dialysis” ang umano’y mafia sa loob ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). | [
"PhilHealth ‘mafia’ sinisilip din ng NBI – Duque",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"FESSAP pinuri ni Duterte"
] | 0 | Jun 12, 2019 @ 18:18 | IS | https://tnt.abante.com.ph/philhealth-mafia-sinisilip-din-ng-nbi-duque/ | ||
LP hindi nababahala kung kulelat sa senatorial survey – Pangilinan | [
"Hindi umano nangangamba ang Liberal Party (LP) kahit malayo sa senatorial survey ng Pulse Asia ang malamang nilang mga kandidato sa darating na eleksiyon.",
"Binigyang-diin ni Senador Kiko Pangilinan, pangulo ng LP, na masyado pang maaga at marami pang puwedeng mangyari bago ang aktuwal na botohan sa Mayo 2019.",
"Inihalimbawa ang nangyari sa eleksiyon noong 2016 kung kailan may mga nanalo kahit kulelat sa mga survey.",
"“Unang-unang maaga pa marami pang mangyayari the election is still in, may marami pang mababago diyan. The same period 3 years ago merong nasa ranking ng 20-25 pero naipanalo ang kandidatura nila. It’s too early to tell,” diin ni Pangilinan.",
"Sa Pulse Asia survey, si Senador Bam Aquino lang ang pumasok sa Magic 12 at nasa ranking ito na 10 to 16.",
"Bukod dito, sinabi ni Pangilinan na hindi pa iniisip ng publiko ang susunod na eleksiyon dahil ang pinoproblema pa sa ngayon ay ang mataas na presyo ng petrolyo, bigas at iba pang bilihin.",
"Tinawag naman ni Pangilinan na epal ang ilang nagbabalak kumandidato sa 2019 na kabi-kabila na ang posters at maagang nangangampanya.",
"Tiyak naman umano na marunong nang kumilatis ang taumbayan at hindi susuporta sa ganung mga epal."
] | AbanteTNT | News | News | Hindi umano nangangamba ang Liberal Party (LP) kahit malayo sa senatorial survey ng Pulse Asia ang malamang nilang mga kandidato sa darating na eleksiyon. | [
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"LP hindi nababahala kung kulelat sa senatorial survey – Pangilinan",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen"
] | 1 | Jul 9, 2018 @ 17:33 | Isaac Mendez | https://tnt.abante.com.ph/lp-hindi-nababahala-kung-kulelat-sa-senatorial-survey-pangilinan/ | ||
Richard, Robin, Cesar tatak babaero | [
"ROMMEL PLACENTE: Sey ni Richard Gomez never magiging isyu ang third party sa kanyang asawa na si Lucy Torres.So base sa sinabing ito ni Goma,hindi siya nambababae. At mukhang never nga niyang ginawa yun mga ka-Cuatros mula nang ikasal siya kay Lucy noong 1998. Wala pa tayong nabalitaan na nagloko siya, di ba? Nanatiling loyal siya kay Lucy.",
"Guwapo si Goma kaya hindi malayong lapitin siya ng mga babae. Marunong lang siguro siyang umiwas sa tukso. At alam niya ang magiging consequences kung papatol siya sa ibang babae.",
"Kahanga-hanga si Goma.Hindi siya katulad ng ibang may asawang aktor na tumitikim pa ng iba. Kaya ang ending, hinihiwalayan sila,di ba?",
"Posible rin nagsawa na rin si Goma nu’ng binata siya kaya matino na talaga siya nang mag-asawa. Nu’ng kabataan niya ay may image din si Goma na babaero.",
"Kayo mga ka-Cuatros,sino ang kilala ninyong aktor na gaya ni Goma ay tapat sa kanyang misis? At sino naman ang niloko o pinagtaksilan ang kanilang esmi?",
"RODEL FERNANDO: Kung si Richard Gomez ay hindi nauugnay ang pangalan sa ibang babae mula nang maging asawa si Lucy Torres ay iba naman sa kaso ni Cesar Montano. Nawindang ang mga tao nang isawalat ni Sunshine Criz na mapuputol na ang pagsasama nila ni Cesar. Isa sa mga itinurong dahilan ng paghihiwalay nila umano ay ang sexy star na si Krista Miller.",
"Hindi naayos nina Cesar at Sunshine ang problema nila kaya naman hindi na nabuo ang kanilang pamilya. Nagpatuloy ang buhay ng aktres habang si Buboy naman ay hindi natapos ang mga nauugnay na mga babae sa kanya. Kasama rito ang mystery girl na hubot-hubad na umapir sa video greeting na ginawa niya para sa isang kaibigan.",
"Hindi rin nakalagpas sa kamalayan ng tao ang isang beauty queen na diumanoy naanakan niya. Nag-post kasi ng litrato ang beauty queen sa kanyang Instagram account ng picture ni Cesar na may hawak na batang lalaki. Sabi-sabi’y anak daw ito ng aktor.",
"MILDRED BACUD:Isa pang may imahe ng pagiging babaero ay si Robin Padilla dahil sa dami ng mga nakarelasyon. Ang ilan ay sina Liezel Sicangco, Jobelle Salvador, Leah Orosa at nagkaroon siya ng mga anak dito. Nakarelasyon din niya sina Sharon Cuneta, Vina Morales pati na si Dolly Anne Carvajal ay na-link din sa kanya. Pero in fairness mula ng mag-asawa sila ni Mariel Rodriguez ay naging stick to one na ito. Kahit Muslim at allowed more than once mag-asawa ay naging loyal na siya sa asawa niya ngayon.",
"Binago rin ni Priscilla Meirelles si John Estrada na wala na tayong nababalitaang nali-link na babae. Minsan naitanong namin sa kanya na kahit may asawa na siya ay nate-tempt ba siyang tumingin sa ibang babae.",
"Sey niya, iba na rin daw kasi ang panahon lalo’t nagkakaedad na. Wala na rin naman daw siyang mahihiling sa asawang si Priscilla. Kaya naman ganun na lamang ang galit niya nang lumabas ang isyu nila ni Mylene Dizon.Idedemanda sana niya ang magsulat ng malisyosong balitang ito pero may mga nakiusap sa kanyang huwag na.",
"ROLDAN CASTRO: Kahit naman si Aga Muhlach noon marami ring babae ang dumaan sa buhay niya. Naugnay siya o natsismis din siya noon kina Janice de Belen, Maureen Mauricio, Gretchen Barretto, Ruffa Gutierrez, Sheryl Cruz, Aiko Melendez atbp.",
"Pero nanahimik na siya nang ikasal kay Charlene Gonzales.",
"Basta naniniwala ako na ang mga lalaki ay likas na babaero. Pero meron din naman silang asawang inuuwian . Hindi lang talaga maalis sa mga mister na palaging adobo ang ulam nila.",
"Masuwerte na talaga ang mga may loyal sa asawa.",
"Sa bandang huli nasa misis pa rin ang pagtanggap at pagdadala sa kalokohan ng esposo nila kung gusto nilang ‘di mawasak ang pagsasama nila.",
"Kaya mga ka-Cuatros next topic na tayo, mga aktor naman na lalakero pala .Charoot!"
] | AbanteTonite | Entertainment | Entertainment | ROMMEL PLACENTE: Sey ni Richard Gomez never magiging isyu ang third party sa kanyang asawa na si Lucy Torres.So base sa sinabing ito ni Goma,hindi siya nambababae. At mukhang never nga niyang ginawa yun mga ka-Cuatros mula nang ikasal siya kay Lucy noong 1998. Wala pa tayong nabalitaan na nagloko siya, di ba? Nanatiling loyal siya kay Lucy. | [
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Richard, Robin, Cesar tatak babaero",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX"
] | 2 | May 6, 2021 | Abante Tonite | https://tonite.abante.com.ph/richard-robin-cesar-tatak-babaero/ | ||
Gatchalian: Udenna-Dennis Uy lubog sa utang | [
"Muling kinuwestyon ni Senador Sherwin Gatchalian ang pinansyal na estado ng Udenna Corporation ng negosyante na si Dennis Uy matapos suspendihin ang pag-aari nitong PH Resorts Group Holdings Inc., isang casino project sa Clark dahil sa pagkalubog sa utang.",
"Ginawa ni Gatchalian ang pahayag habang sumasailalim sa pagsusuri ng gobyerno ang financial capacity ng Udenna kasunod ng pagbili nito sa stake ng Shell Philippines Exploration B.V. (SPEX) sa Malampaya gas field.",
"“Maliwanag na red flag ito sa tunay na estado ng Udenna. Paano natin mapagkakatiwalaan ang kompanyang lubog sa utang? Una, nabili ng Udenna ang 45% stake ng Chevron sa Malampaya sa pamamagitan ng loans. Ngayon, gusto naman ng Udenna na mapasakamay nito ang stake ng SPEX na siyang operator mismo ng Malampaya,” sabi ni Gatchalian.",
"“Hindi isang ordinaryong asset ang Malampaya. Kaya kailangang siguruhin natin na anumang transaksyon na may kinalaman dito ay dapat dumaan sa masusing pagsusuri at due diligence ng gobyerno upang magarantiya sa mga kababayan natin na ang sinoman na papalit na kompanya ay talagang kuwalipikado at may kakayahang mag-supply ng kuryente,” dagdag pa niya.",
"Pinupunan ng Malampaya ang aabot sa 26% na supply ng kuryente o tinatayang 3.7 milyong sambahayan sa Luzon. (Dindo Matining)"
] | Abante | News | News | Muling kinuwestyon ni Senador Sherwin Gatchalian ang pinansyal na estado ng Udenna Corporation ng negosyante na si Dennis Uy matapos suspendihin ang pag-aari nitong PH Resorts Group Holdings Inc., isang casino project sa Clark dahil sa pagkalubog sa utang. | [
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Gatchalian: Udenna-Dennis Uy lubog sa utang",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX"
] | 1 | Oct 15, 2021 | Abante News | https://www.abante.com.ph/gatchalian-udenna-dennis-uy-lubog-sa-utang/ | ||
Cristy kay Angelica: Parang alipin magmahal | [
"Halos sa lugar na umano ni Greg Homann nakatira si Angelica Panganiban.",
"Ayon kay Cristy Fermin, bumabiyahe na lang si Angge pa-Maynila kapag mayroon siyang proyekto.",
"Sinabi ni Cristy sa Abante, dati pa man ay hands-on na ang aktres pagdating sa kaniyang mga karelasyon.",
"Sa katunayan nga raw ay ikinukumpara siya ng kaniyang mga kaibigan sa “Geisha” dahil tila alipin si Angge kung magmahal.",
"“Ikinukumpara nga siya sa geisha ng kanyang mga kaibigan dahil konting-konti na lang ay parang alipin na siya kung magmahal. Pero siya ‘yun, ganu’n ang kanyang paraan para ipadama ang kanyang pagmamahal, kani-kanyang atake nga lang naman ‘yun,” pahayag ni Cristy.",
"Pero aniya, walang pakialam ang aktres sa kung anong sasabihin ng iba at ginagawa umano nito kung ano man ang gusto niya.",
"“Walang pakialam si Angge sa sinasabi ng iba, basta gagawin niya ang gusto niya, isa si Angelica Panganiban sa iilang artistang buo ang paninindigan at kinokompronta talaga ang mga isyung nagsasangkot sa kanya,” saad pa nito.",
"Dagdag pa ni Cristy: “Pinatapang na siya ng panahon, pinanday na siya ng mga karanasang napakaaga niyang natikman, buung-buo na si Angelica Panganiban.”"
] | AbanteTNT | Entertainment | Showbiz | Halos sa lugar na umano ni Greg Homann nakatira si Angelica Panganiban. | [
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Cristy kay Angelica: Parang alipin magmahal",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen"
] | 1 | Mar 8, 2022 @ 15:50 | Sherrylou Nemis | https://tnt.abante.com.ph/cristy-kay-angelica-parang-alipin-magmahal/ | ||
HPG namumudmod ng libreng helmet | [
"Inilunsad ng Highway Patrol Group-Isabela (HPG-Isabela) ang libreng helmet sa lalawigan para sa mga mahuhuling walang helmet.",
"Ayon kay HPG-Isabela provincial officer P/Maj. Rey Sales, isinagawa nila ang proyekto matapos mapansin na karamihan sa mga nahuhuling lumalabag sa batas lansangan ay naka-motorsiklo na hindi nagsusuot ng helmet.",
"Nilinaw ni Sales, na bagama’t bibigyan nila ng libreng helmet ang motoristang mahuhuli ay papatawan pa rin ito ng kaukulang parusa.",
"Sa ngayon, bukas ang proyekto ng HPG para sa iba’t ibang organisasyon, grupo, samahan at pribadong indibiduwal na nagnanais na mag-sponsor o magbigay ng helmet na maipamamahagi sa mga motoristang nangangailangan nito. (Allan Bergonia)"
] | Abante | Crime | Metro | Inilunsad ng Highway Patrol Group-Isabela (HPG-Isabela) ang libreng helmet sa lalawigan para sa mga mahuhuling walang helmet. | [
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"HPG namumudmod ng libreng helmet",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen"
] | 2 | Aug 26, 2020 | Abante News | https://www.abante.com.ph/hpg-namumudmod-ng-libreng-helmet/ | ||
HONEST MISTAKE SA ‘NO HOMEWORK POLICY?’ | [
"MARAMING guro ang nainsulto sa panukala ng isang mambabatas na pagbawalan ang mga titser na magbigay ng homework o takdang aralin sa mga estudyante.",
"Ayon kay Benjo Basas, National Chairperson ng Teachers’ Dignity Coalition, ang bill na inihain sa Kamara na pagbawalan ang pagbibigay ng takdang-aralin o homework sa mga mag-aaral ay isang pambabalewala sa kanilang propesyon at isang insulto para sa kanilang hanay.",
"Sa House Bill No. 388, na inihain ni Quezon City Rep. Alfred Vargas, ipagbabawal ang pagbibigay ng mga guro ng takdang-aralin sa mga es-tudyante sa elementary at high school tuwing weekend.",
"Pagmumultahin ng P50,000 ang mga lalabag at maaaring makulong ng hanggang dalawang taon.",
"Subalit sa naging panayam sa radyo ni Kabayang Noli de Castro, biglang kambyo si Congressman Vargas, sinabi niya na siya ay nagkamali kung bakit naisama sa kanyang batas na paparusahan at pagmumultahin ng 50K ang mga guro na hindi susunod sa batas.",
"Humingi siya ng patawad sa mga guro at sinabi niyang “honest mistake” ang kanyang nagawa. Nalito lang daw siya dahil ‘yung penalty na kanyang binabanggit ay para roon sa ibang panukalang batas na kanyang ihahain.",
"Matapos lumabas ang balitang ito, samu’t-saring reaksiyon ang ating narinig. Bagama’t may statement na ipinalabas ang DepEd na sila ay sang-ayon dito, may ilang magulang at lalo na ang mga guro ang hindi pabor.",
"Isang titser ang nagsabing, halos araw-araw siyang nagbibigay ng takdang-aralin sa mga estudyante sa elementarya dahil naniniwala siyang iyon ang paraan para talagang matutunan ng mga bata ang mga itinuro sa kanila sa klase.",
"Dito anila nahuhubog sa disiplina ang mga bata. Bukod doon, ‘yong pagiging responsable. Hindi raw kasi nagtatapos sa paaralan ang kanilang pagkatuto.",
"Ayon sa opinyon ng isang netizen na si Thezz Lim, “Para sa akin, weekends dapat may homework because they will have time to study together with their parents. Bonding time na rin. ‘Pag weekdays pagod na sila pag-uwi from school and working parents still not home.”",
"Isa pang netizen ang nagkomento, “There are more things to tackle than this insignificant topics. It only goes to show that your ideas are too shallow. Try to formulate bills that will help alleviate the poor or to solve traffic problems in Novaliches and Fairview.",
"Tama ang mga komento, ang policy sa pagbibigay o hindi ng homework sa mga estudyante ay trabaho na ng DepEd. Hindi na ‘yan dapat pag-aksayahan ng panahon ng ating mga mambabatas.",
"Mawalang galang na po, ang isang panukalang batas ng isang kongresista ay dapat na masusing nire-review muna ng kanyang political at legal staff bago ihain. Kailangan din ay magsagawa sila ng public consultation para ‘mapulsuhan’ ang kagustuhan o sentimiyento ng publiko.",
"Ito dapat ang ginawa ng kongresista para hindi siya magmukhang engot sa harap ng mga bumoto sa kanya noong nakaraang eleksiyon.",
"Malinaw ba congressman ‘honest mistake?’"
] | PilipinoMirror | Other | OPINYON | MARAMING guro ang nainsulto sa panukala ng isang mambabatas na pagbawalan ang mga titser na magbigay ng homework o takdang aralin sa mga estudyante. | [
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"HONEST MISTAKE SA ‘NO HOMEWORK POLICY?’",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX"
] | 2 | September 2, 2019 | admin | https://pilipinomirror.com/honest-mistake-sa-no-homework-policy/ | ||
Sotto kasama pa rin sa Gilas pool | [
"Isiniwalat ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. Martes na swak pa rin para sa ng Gilas Pilipinas pool si National Basketball Association prospect Kai Zachary Sotto.",
"“He’s part of the list so we just have to talk to him, reach out to him again, we haven’t finalized our calendar yet, but once we do we will have share with him what the plan is,” ani SBP president Alfredo Panlilio.",
"Naudlot ang seniors debut ng 18-year-old, 7-foot-3 Pinoy cage phenom sa national men’s team nang mapurnada ang third and final window ng 30th International Basketball Federation (Fiba) Asia Cup Qualifiers 2021 sa ‘Pinas at pagkaraan sa Doha nitong Pebrero sanhi ng pandemya.",
"Hindi rin nakapaglaro para sa Ignite ng 20th NBA G League ang Las Piñas hooper dahil sa nagsadya sa ‘Pinas at pagbalik ‘di na pinapasok sa Orlando, Florida bubble bunsod ng mahigpit na health protocol.",
"“But like I said in the past, he’s welcome to join us and he’s part of the pool. Actually, he’s name is there,” hirit pa ng opisyal",
"Pinanapos niyang sinabi na hindi muna kukuha ang SBPI ng Philippine Basketball Association players para sa Gilas na lalahok sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa June 29-July 4 sa Serbia at sa Asia Cup Qualifiers 3rd window sa Subic sa June 14-20. (Janiel Abby Toralba)"
] | AbanteTNT | Sports | Sports | Isiniwalat ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. Martes na swak pa rin para sa ng Gilas Pilipinas pool si National Basketball Association prospect Kai Zachary Sotto. | [
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Sotto kasama pa rin sa Gilas pool"
] | 3 | Mar 9, 2021 @ 22:40 | Janiel Abby Toralba | https://tnt.abante.com.ph/sotto-kasama-pa-rin-sa-gilas-pool/ | ||
Batas para sa pagtitipid sa enerhiya, nilagdaan ni Duterte | [
"Ganap nang batas ang Energy and Conservation Act matapos itong lagdaan ni Pangulong Rodrigo Dutrerte.",
"Abril 12 pa nilagdaan ang batas subalit ngayon lamang inilabas ng Malacañang ang pirmadong dokumento.",
"Sa ilalim ng bagong batas, isusulong ang paggamit ng renewable energy para matiyak ang matatag na power supply ng bansa.",
"Magkakaroon ng National Energy and Conservation Plan na magsisilbing framework para sa mga ilalargang programa para sa pagtitipid sa enerhiya.",
"Ang Department of Energy ang magpapasimuno sa implementasyon habang ang lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan ay inaatasang magpatupad ng mga hakbang para sa pagtitipid sa paggamit ng enerhiya.",
"Mataas ang konsumo ng enerhiya lalo na sa panahon ng tag-init kaya sa pamamagitan ng bagong batas ay babalangkas ng mga programa para sa pagtitipid na ipatutupad sa buong bansa hindi lamang sa panahon ng summer kundi sa buong panahon ng bawat taon."
] | AbanteTNT | News | News | Ganap nang batas ang Energy and Conservation Act matapos itong lagdaan ni Pangulong Rodrigo Dutrerte. | [
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"Batas para sa pagtitipid sa enerhiya, nilagdaan ni Duterte"
] | 3 | May 7, 2019 @ 16:40 | Aileen Taliping | https://tnt.abante.com.ph/batas-para-sa-pagtitipid-sa-enerhiya-nilagdaan-ni-duterte/ | ||
‘Wag nang mangarap! Sanchez iikli ang buhay ‘pag nakalabas – Bong Go | [
"Kung si Senador Bong Go ang tatanungin, hindi na dapat pangarapin pa ni ex-Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez ang muling makabalik sa komunidad.",
"Paniniwala ng neophyte senator, hindi rin magtatagal na buhay sa labas ng kulungan ang convicted murderer at manggagahasa.",
"“Mr Sanchez, ‘wag ka nang mangarap na makalaya pa. Ipagpatuloy mo na lang pagbayaran ang mga kasalanan mo dyan sa loob, kaysa lumabas ka, baka umikli pa ang iyong buhay,” saad ni Go.",
"Matatandaan na kasama umano ang pangalan ni Sanchez sa 11,000 inmate na posibleng makalaya base sa bagong good conduct time allowance rule dahil sa ‘good behavior’ ng mga inmate sa loob ng bilibid.",
"“Dapat araling mabuti ang kaso niya. He did not apply for executive clemency. He is one of the names in the list of 10,000 inmates who may be benefited by RA 10592. However, this is not an automatic grant but will be subject to stringent evaluation as mentioned by SOJ (Secretary of Justice) and BuCor (Bureau of Corrections head) Faeldon,” aniya pa."
] | AbanteTNT | News | News | Kung si Senador Bong Go ang tatanungin, hindi na dapat pangarapin pa ni ex-Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez ang muling makabalik sa komunidad. | [
"Matteo nandiri sa mahalay na netizen",
"Kiefer nagpramis babalik sa NLEX",
"FESSAP pinuri ni Duterte",
"‘Wag nang mangarap! Sanchez iikli ang buhay ‘pag nakalabas – Bong Go"
] | 3 | Aug 23, 2019 @ 13:07 | RP | https://tnt.abante.com.ph/wag-nang-mangarap-sanchez-iikli-ang-buhay-pag-nakalabas-bong-go/ |
Subsets and Splits
No saved queries yet
Save your SQL queries to embed, download, and access them later. Queries will appear here once saved.